Mavis
Naglakad nalang ako pauwi ng bahay habang masama ang loob ko sa sinabi ni ma'am.
I'm really devastated right now at tila natutuliro na ang Utak ko sa dami ng pumapasok sa isipan ko.
Pagka pasok ko sa bahay nakita ko sina inay at itay na parang problemado at nakalagay pa ako mga kamay ni itay sa sintido nito.
" Nay, itay, may problema po ba?" Tanong ko sa mga ito at nag mano sa kanila.
Kita ko ang pagka gulat sa mga mata nito at agad din nawala.
" Wala anak, medyo masakit lang ang ulo ni itay mo kaya ayan" sabi ni inay at hinaplos ang likod ni itay ng umubo ito.
" Ahh ganun po ba, uminom kana ba ng gamot itay? Nay may kaunting pera pa po ako jan, Teka lang po kukunin ko" pinigilan ako ni inay tsaka umiling.
She touch my face with her hands at parang naiiyak ito, I hold her hands and close my eyes.
" Napaka bait mo talagang bata History, kaya hindi ako nagsisisi na naging anak ka namin. Nagpapasalamat ako sa Diyos na kahit hindi kami ang magulang, lumaki kang mabuting bata" naiiyak na sabi ni inay.
Dinilat ko ang mga mata ko at niyakap sila ni itay, sobra sobra ang pagsasalamat ko sa Diyos na sila ang nakapulot saakin sa basurahan at hindi ibang tao.
"Salamat din po inay at itay dahil kayo po ang nakakuha saakin kahit Hindi niyo po ako anak pero talagang tinuring niyo po akong parang tunay na ako"
" Aba syempre naman mahal na mahal ka namin Ikaw kaya ang nag iisang prinsesa ko na may prinsipe sa gitna" natawa kami nina inay sa tinuran ni itay.
" Sige nay akyat na po ako sa taas mag papahinga lang po ako " hinalikan ko ang mga noo nito tsaka umakyat sa taas.
Pagpasok ko ng maliit kong kwarto, agad akong nahiga sa kama ko.
Niyakap ko ang unan na minsang ginamit ni ma'am ng matulog siya dito. Nandito parin ang amoy niya at never ko itong pinapalitan ng punda.
Kahit dito na lamang ay maramdaman kong minsan niya ako pinag tuonan ng pansin. Sinubsob ko ang mukha ko dito at nag simula nanaman umiyak.
Bakit ganun, kahit sobra sobra na ang mga pinag sasabi ni ma'am, bakit Hindi ko parin kayang magalit sakanya? Bakit hindi ko parin kayang kamuhian siya.
'tangina Mavis napaka rupok mo talaga'
Agad akong tumayo ng maalala kong may ibibigay pala ako kay ma'am. Kinuha ko ang Isang maliit na lata sa ilalim ng kama ko at kinuha ang laman nito.
Isa itong bracelet na gawa sa mga sea she'lls, gawa ko ito nong bata pa ako at nag promise ako sa sarili ko na ibibigay ko ito sa taong mahal ko kahit hindi man nito ako mahal.
Kumuha ako ng towel at pinunasan ito, Hindi naman ito panget tignan pero nag effort ako nito eh.
I'm hoping ma'am will come later, this is my last hope. Kung kailangan ko talaga mag makaawa sakanya lalo magmamakaawa ako ng todo sakanya.
Last nalang ito, bakasakaling mag bago pa ang isip ni ma'am.
•
•
•Pagsapit ng alas nuwebe ng gabi, nag handa na ako ng sarili. There's a chance na baka hindi sumulpot si ma'am but I'm still hoping parin na dumating siya kahit saglit lang.
Tulog na sina inay at itay ng makababa na ako dahil Wala na sila sa sala.
Nilagay ko din ang bracelet na ibibigay ko kay ma'am sa bulsa ko.
YOU ARE READING
Loving Professor Miss Alvarez (Unedited!)
RandomLumuluhang nakatayo ako sa may parke habang pinapanood ko ang babaeng minamahal ko na may kahalikang iba. Wala, talo parin ako kahit ilang beses kong iparamdan sakanya na mahal ko siya. Sa mga mata niya isa lamang akong walang kwentang studyante na...