CHAPTER 48

1.5K 42 0
                                    

Delaney

Isang buwan na ang nakalipas simula nang makalabas si Tine sa ospital. After school doon ako umuuwi at dun rin natutulog, syempre magkatabi kami. Ayaw niya daw kasing mag-isa matulog. Para-paraan din. Lol.

Hindi na kami sabay mag-lunch. Pumunta sa university at pauwi sa bahay. But atleast, nakakasama ko pa rin siya.

Every Saturday's ay ako rin ang sumasama sa kaniya sa weekly check up niya. I am happy na sinusunod niya lahat ng bilin ng doctor. As time goes by, mas lalo pa siyang lumalakas. And as time goes by, mas lalong lumalapit ang loob ko sa parents niya't ganun rin sila sa akin.

And by next week, I'm flying to US upang maghanap ng donor niya at wala siyang kaalam-alam. Akala niya magti-tree planting kami ng isang linggo. At 'pag wala akong nahanap na donor doon ay sa England ang next destination ko. Next is UK and Italy.

Kung lilibutin ko man ang buong mundo para lang makahanap ng heart donor ni Tine ay gagawin ko. Hindi ako mapapagod. All I want is her---to live long.

Third semester na namin ngayon. Napakadaming gagawin. Tambak na tambak pa ako sa mga gawain. Ngayon nandito ako sa room namin at nakatunganga habang hinihintay ang prof namin. Ewan ko kung sino ang bagong prof namin sa Arts Appreciation. Wala na akong time para alamin. Masyadong occupied ang utak ko ngayon. Madaming pinoproblema, madaming iniisip.

"Hi, Zielle! Ang aga mo ah?" Bungad ni Reiz na ikinaangat ko ng tingin.

"As always." Bored na sagot ko na ikinatawa niya.

"Yeah. Ba't kaya tinanong ko pa." Tawa nito. "Kamusta pala si Miss Celestine, Zielle?"

"She's doing fine. I'm glad she's a good girl at sinusunod niya lahat ng bilin ng doctor." Nakangiting sagot ko.

"Paano e lumalaban para sa 'yo." She said that made me smile. Ang sarap lang sa pakiramdam na ako yung rason kung bakit desidido siyang magpagamot at magpagaling.

Ngunit agad ring napawi ang mga ngiti ko ng makilala ang propesorang papalapit sa Teacher's Table. Buti't dito ako sa likod umupo.

"Good morning." Bagsak balikat at blankong bati niya sa amin na agad naman naming binati pabalik. She's now roaming her eyes and I stopped in my track when her gazes landed on mine. Heto na naman ang kakaibang epekto niya sa akin. Napapapanghina ng tuhod ang mga tingin niya. Hindi ko kaya. "I know most of you know me already. I mean maybe all of you know me already. I'll just introduce myself for those who don't know me. I am Natalia Anastasia Medina. Call me either Miss Natalia or Miss Medina." Walang ganang pagpapakilala niya habang pinaglalaruan ng mga daliri niya ang marker.

"Since it's first day of third semester, I won't have discussions. Instead, you'll have to express your emotions right now through painting."

Biglang nag-ingay naman ang buong klase at agad rin namang nawala when she loudly tapped the table that caused a loud noise.

Maya-maya pa'y tinahak na namin ang Art Room kung saan nakaayos na lahat ng gamit namin. Dito kami pumwesto ni Reiz sa pinakalikod para walang distraction masyado.

Our piece will be recorded at ia-add ito sa grades namin. She will take this chance na rin raw upang pumili ng ilalaban sa painting contest next month ng second year's. At kung sino daw ang mananalo ay automatic uno sa subject niya.

"Be creative and make sure it'll be pleasing in my eyes or else, your work will be seen in the trash. Ayoko ng basura. Understand?"

"Yes, ma'am."

"Alright. I'll give you 1 hour. You may start now."

Walang pasabing sinimulan ko kaagad. Ewan ko kung ano ang eksaktong gagawin ko. Bahala na. Kung anong galaw ang gagawin ng aking mga kamay ay iyon na iyon.

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now