Delaney
Nakapasok ako ng walang kahirap-hirap dahil alam ko naman na ang passcode niya. Buti hindi niya pa din pinapalitan.
Akmang lalabas na sana ako ng mahagilap ng mga mata ko ang nakakalat na mga papel sa lamesa nito. As in, ang kalat. Hindi ko pa naman gusto ang makalat kaya wala sa sariling nilapitan ko ito at inayos. Kahit kailan talaga ang babaeng iyon!
I was caught off guard when someone hugged me from behind. Kapit na kapit ang mga kamay ko sa papel dahil sa gulat. Napapikit ako ng maamoy ang natural na amoy nito na kahit sino'y gugustuhing amuyin ito kahit pa sa katapusan ng mundo. Ang bango-bango!
"Ang sipag naman ng future wife ko." Sambit ito habang inaamoy-amoy ang leeg ko. Gosh, that tickles. "I missed this." Ramdam ko ang lungkot sa bawat salitang binigkas niya.
Napapikit ako upang damhin ang sandaling ganito kami. I won't lie, I missed this too. Pero may Tine na ako e. Kung san---ugh! Erase! Erase! Erase!
Agad naman akong kumawala at wala sa sariling tumakbo palabas. Nakita ko pa ang pagkunot ng noo nito bago ako umalis. Ngunit nasaktan ako sa lungkot ng mga mata nito. Ba't ba ganito?!
No! I need to focus on Tine. Si Tine ang girlfriend ko and she is my priority. Yes! Ganun dapat. Oh c'mon, Zielle. Fix yourself! Fix yourself!
Nataranta naman ako ng mag-ring ang bell. Halos madapa na ako kakatakbo kasi nasa kabilang building pa ang next room namin. Takte! Kasalanan 'to ni Miss Natalia e.
Nagmamadaling pinindot-pindot ko ang botton ng elevator ng makarating ako sa mismong building. Nasa 5th floor pa ba naman.
"Zielle!" Masayang sambit ni Reiz pagkabukas na pagkabukas ng elevator.
"O? Why are you here? Kaka-ring lang ng bell ah? May next class pa tayo halika dali!"
"G*ga! Wala ang prof natin, may emergency daw."
"Uy sakto! Thank you, Lord!" Naiiyak na sambit ko.
"Tara, cafeteria."
"Talaga. Nagutom ako dahil kay Miss Natalia."
"OMG! What happened?! Did sh---"
"Huwag OA, Reiz."
"Oh, sorry." Nag-peace sign pa ito na ikinatawa ko na lang.
Agad naman naming tinahak ang cafeteria at syempre umorder ako ng madami dahil gutom na gutom na ako, at syempre magpapalibre ako kay Reiz. Ang yaman-yaman ba naman kasi ng babaitang iyan.