🌸TVMAE 30🌸

501 42 0
                                    

♡Dedicated to moonshawtty

CHAPTER THIRTY:
Pool Party

♡EVANS POV♡

Few months ago, nakikita na talaga ang tiyan ng langga ko. Ngayon na ang kabuwanan ni Lyn. Ilang araw na lang ang bibilangin lalabas na ang baby, maybe it is an accident but I accepted wholeheartedly my fate to them, as an early daddy. Hindi kami nagpa-baby shower dahil ayaw ni Lyn, gusto niya surprise ang gender nito sa mismong kapanganakan. I can't wait to hold the baby, I can't wait to touch the cute fingers, I can't wait of that moment.

Nandito kami ngayon sa bahay nila, nasa loob kami kung saan ang nursery room ni baby. Sky blue ang halos kulay nito. Aside sa favorite ito ni Lyn, pang-neutral daw puwede sa babae and lalaki. Tanging si Lyn lamang nakakalaam kung ano ang gender ni baby, no'ng time na nagpapa-ultrasound sila, ang time rin na muntik ng mabisto ammp!

Nakaupo lamang ako sa upuan habang busy na busy sila sa paglalagay ng kung anu-ano sa room ni baby. Ang sobrang supportive talaga ng mga kaibigan niya, bihira na lang ang mga katulad nilang mga totoo.

"Ano ga, okay na ba ang room ni baby?" Tanong nito habang papalapit sa akin. Ngayon makikita mo talaga na nag-iba ang shape ng katawan nito, nagiging chubby na tapos ang laki na ng tiyan parang puputok na ehh. Ang cute para siyang winnie the pooh shh!

"Okay na okay, I'm sure magugustuhan 'yan ni baby," sagot ko sa kaniya habang ngumingiti. Ang lalaki ng pawis niya, may aircon naman ahh. Ganyan talaga raw kapag buntis naiinitan, natural lang.

"Yeahh, nakaka-excite pero nakakaba," sagot nito. Nasabi niya kasi na takot siya baka ano ang mangyari sa kaniya during the delivery. I promised to her na nasa tabi niya ako sa panahong 'yon, I promised to her na sasamahan ko siya sa delivery room.

"Asuss don't overthink too much, alam mo namang nakakasama 'yan sa'yo, don't stress yourself langga," saad ko sa kaniya saka pinaupo siya sa kandungan ko. Pinahiran ko ang mga pawis niya gamit ang isang face towel. Para na talaga kaming mag-asawa na. Kulang na lang ang blessings from the church. Let's wait for the right time.

"Sweet mo talaga," sabi nito na namumula ang pisngi, what a cute creature. Ngumiti na lang ako at kinurot ang pisngi niya.

"Ang ganda talaga ng soon to be wife ko," sabi ko para mamula siya lalo.

"Huwag mo akong binobola Evans," patay malisya niyang sagot at umiwas ng tingin sa akin, asussss kinilig lang 'yan eh, pakipot pa.

"Pffttt!" Bulalas ko at niyakap siya ng sakto lang, baka maipit si baby kapag hinigpitan eh. Pinasok ko ang kamay ko sa dress niya at hinagod-hagod ang malaki na niyang tiyan. I will do everything para sa magiging pamilya ko.

"AHEMM!"

"Hello nandito pa kami, baka nakalimutan niyo,"

"Awiitsss haba ng hair girl ahh,"

"Sweet niyo naman,"

"Lakas maka-bitter ehh,"

"Owshiiiii!"

"Ang ganda niyo tingnan, let me give you a perfect shot," sabi ni Grace at 'di nagdadalawang isip na kinuha ang DSLR at kinunan kami without any hints ammp!

"Ayan maganda ang stolen lang," sabi nito at tiningnan ang mga kuha niya. Amp what's that? 'Di pa nga kami naka-ready eh.

"Sabi ko naman sa'yo na gagawa na lang tayo," sambit ni Pareng Zander sa girfriend niya. Naku bro mukhang mahihirapan ka riyan HAHAHAHA.

The Virgin Mother At Eighteen ✔ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon