♡Dedicated to amburosiko♡
CHAPTER THIRTY-ONE:
Engage
♡LYN POV♡
"Ilang days na lang ang bibilangin langga, makikita na rin natin si baby," sabi nitong katabi ko para ngumiti ako ng sobra. Sarap naman sa pakiramdam, walang iibang sasarap pagtanggap ka ng buong-buo ng iyong tinatangi. Thank you Lord sobra!!!
"Nakaka-excite nga ga ehh, but and the same time natatakot ako," sagot ko sa kaniya. Huminto ito sa paglalakad kaya napahinto ako. Naglalakad kasi kami sa park na malapit lang sa amin, alas sais pa ng umaga, nagsimula na ng exercise para di masyadong mahirapan sa labor.
Humarap siya sa akin at pinatingin niya ako sa kaniya.
"Don't be scared langga, hindi kita papabayaan, okay?" Sincere niyang sabi para kumalampag ang puso ko ng sobra, ackkkk!
Hinawakan ko ang kamay niya at hinimas-himas ito, tumango na lamang ako at pumikit, kaya mo ito Lyn huwag panghinaan ng loob, maraming naniniwala at nagmamahal sa iyo.
"Ayan, very good," sabi niya at naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko dahilan para dumilat ako, thank you so much for always with me langga. Buti na lang hindi ka tuluyang nawala sa piling ko.
"Asusss sweet ahh, halika na nga, para makapagpahinga na tayo," sabi ko sa kaniya at hinila siya. Hinawakan niya ng sobrang higpit ang kamay ko. He intertwined our hands and we continue to walk. Napakabilis talaga ng mga pangyayari. Parang kailan lang sa libro lang ako nakatuon, ngayon may boyfriend na tapos soon may baby na rin. Hindi natin talaga mahuhulaan ang mangyayari sa'yo bawat araw.
"Ikaw talaga, ang ilap mo talaga. Pagdating sa sweet, umiiwas ka ehh, ayaw mo ba sa sweet?" Tanong niya para ikapula ko. Langyang tanong 'yan, siyempre nakaka-awkward kasi mga ganiyan eh, tapos di ako sanay.
"Siyempre gusto, n-nahihiya lang eh," sagot ko sa kaniya at nakatuon lamang sa daan. Aasarin na naman ako niyan dahil pulang-pula na ako sa hiya na may halong kilig. Kahit sabihin na natin na medyo matagal-tagal na rin kami pero umayyy walang araw na di ko naiisip na totoo ba itong nangyayari sa akin ackkkk!
"Tss you're so cute," sabi niya para mapangiti ng wagas. Alam mo 'yong kinikilig ka na but in a silent way owshiiiii.
"Tumahimik ka nga ammp," kunwari naiinis kong sabi sa kaniya pero tinawanan lang ako, ayan mang-aasar na naman. Buti nga di na nag-e-english 'yan eh, may bayad kasi chuss HAHAHAHA. At alam niyo ano ang bayad, walang kiss. Kaya ayon ang mokong game na game pffttt. Puwede namang konting mix ng english basta dominant ang tagalog, valid 'yon.
Pagkadating namin sa puwesto namin, sa ilalaim ng malaking punong may nakaukit na Lyn love Evs tapos date kung kailan kami nagsimula yiiiiiieee.
Nilapag niya ang picnic mat, nakaplano na kasi ito, sabi niya mag-time together daw muna kami, owshiii! Baka kasi raw kapag lumabas na si baby, wala na akong time sa kaniya, sa amin. Selos na agad ang mokong wala pa nga eh ayttt.
Kinuha ko ang fresh milk at uminom, di na ako medyo nahihirapan sa pagbubuntis, marami ang tumutulong at nasasandalan tapos nakapag-adjust na sa nangyayari.
"Come here, upo ka na," aya niya sa akin ng naayos na niya ang picnic mat. Inalalayan niya akong umupo.
"Be careful," bulong niya sa akin at dahan-dahan naman akong umupo. Mahirap kasi makaupo agad-agad . Di tulad ng di ka buntis, kahit anong oras at bilis gusto mong umupo, magagawa mo. Ibahin mo kapag buntis ka na mare.
BINABASA MO ANG
The Virgin Mother At Eighteen ✔ (COMPLETED)
RomanceCompleted ✔ What if isang araw magising ka na buntis ka na pala? Nabuntis ka na hindi mo alam kung paano? Paanong nangyari kung isa kang birhen? Never been touched, never been kissed and never ever had s*x? Is it impossibe? Meet Edelyn Sanchez, a co...