Bumaba na si Xevier, kagaya ng madalas niyang ginagawa, pinagbukas niya ako ng pintuan.
Gano'n padin ako sa kanina, para akong biglang nanlambot...
"You good?"
Napatingala ako kay Xevier at nag-tanggal na ng seat belt bago bumaba ng shotgun seat.
"Sorry... May iniisip lang."
"What is it? Is there something wrong?" Agad niyang naitanong kaya dahan-dahan kong iniiling ang aking ulo.
Sa restaurant pala kami huminto, napagmasdan ko ito. Isang Japanese restaurant pero walang tao sa loob.
Makikita mula sa labas sa glass window na maganda ang ayos sa loob.
Dati naba akong nakapunta sa lugar na'to?
Nai-iling ko ang aking ulo. Hindi pala dito 'yon, may pinuntahan kami nila mommy na Japanese Restaurant noon pero hindi dito.
Ramdam ko ang pag-hawak ni Xevier sa aking kamay.
"Tell me if something is bothering you." He whispered.
I nodded as I smiled a little. Ilang minuto kaming nakatayo sa harap ng glass door hanggang sa may babaeng naglakad papunta sa amin para pagbuksan kami.
"Mr. Mirvalles?"
"Hai, Sore wa watashidesu."
My eyes widened as I looked at him, shocked.
Did he just speak in--
"Let's come inside." Hila niya sa akin papasok sa loob at sinundan kami nung babae.
May VIP room kaming pinasukan kung saan special ang mga customer.
Pinag dasog ako ni Xevier ng upuan kaya naupo na ako at gano'n din siya, hindi ko maiwasang mapagmasdan ang paligid. Lahat ng desenyo ay mamahalin sa loob.
May lumapit ulit sa aming babae nang makapasok kami sa naturing na pwesto namin.
Muka siyang Filipina, 'yung kanina kasi ay tila Hapon dahil sa accent ng english niya.
Ngumiti siya sa amin. "Happy dating, Ma'am and Sir." Aniya at may iniabot na sa aming menu.
Tinanggap lang ni Xevier 'yung kaniya at ibinaba din sa lamesa. Hindi ba siya o- order?
"Thank you." Ngiti ko pabalik.
Ipinatong ni Xevier sa lamesa ang kaniyang dalawang siko atsaka pinag-abot ang kaniyang kamay.
Kinakabahan ako habang nakatuon sa Menu na hawak ko. Tinititigan niya ako...
Tumikhim ako, hindi ako makapili dahil pinapanood niya ako.
"One order of Sushi and Tempura, 'yung walang wasabi." Ani ko sa babaeng taga list ng mga order. Hindi ko talaga gusto 'yung wasabi, ang sakit sa ilong nung lasa, huhu.
"Ikaw? ano 'yung sa'yo?" Tanong ko kay Xevier, umayos siya ng upo bago sumagot.
"One order of Sushi and Tempura as well, but don't add ginger."
BINABASA MO ANG
You Can't Just Buy Love (MMxMB) - JX Series #1
RomansaJX Series #1 Love is a pain and misery. Totoo iyon at pinatunayan nina John Xevier Mirvalles at Kracielle Acedre. Hindi man naging maganda ang simula ng nararamdaman nila para sa isa't-isa pero may kasabihan na... Kapag may tiyaga, may nilaga. Ano k...