Kabanata 7

25 10 30
                                    


Ilang buwan na rin ang nakalipas noong nagsimula ang kanilang unang klase. Abala si Celestine sa mga proyektong kaniyang kinakailangang ipasa sa susunod na linggo. Ayaw kasi nang dalaga na siya ay natatambakan ng mga gawain kaya lagi niyang isinisingit ang mga ito sa tuwing siya'y may libreng oras.

Kasalukuyang gumagawa nang presentasyon si Celestine sa kaniyang kandungan (laptop) nang makarinig siya nang katok mula sa kaniyang pintuan. "Bukas iyan. Tuloy ka." aniya. Narinig niyang bumukas ang pintuan ngunit hindi niya alam kung sino ang pumasok dahil masyado siyang nakatutok sa kaniyang ginagawa.

"Ano ang iyong kailangan?" saad niya. Patuloy parin siya sa pagtipa sa teklada (keyboard) ng kaniyang kanlungan at hindi man lang nilingon ang taong pumasok sa kaniyang silid. "Likas na talaga sa iyong katauhan ang pagiging masipag, ano?" pabirong saad ni Carla at tsaka umupo sa kama nang kaibigan.

"Kilala mo naman ako, Carla. Talagang hindi ko nais matambakan ng mga gawain." sa wakas ay tinapunan na niya nang tingin ang kaibigan. Hinayaan nalang ni Celestine si Carla at tsaka muling itunuon ang buong atensyon sa ginagawa. Nabalot ng katahimikan ang buong silid at tanging tunog lamang ng mga pagtipa ni Celestine ang naglilikha nang munting ingay.

"Nasaan nga pala si Riessha? Batid kong hindi ka magpupunta dito kung hindi ka nababagot sa iyong silid." pagbasag ng dalaga sa katahimikan. Narinig niyang bumuntong hininga ang kaibigan kaya naman nilingon niya ito. "Hindi ko nga rin alam kung nasaan ang babaeng iyon. Paglabas ko sa banyo ay wala na siya sa kwarto." nangunot naman ang noo ni Celestine sa sinabi nang kaibigan.

"Saan naman kaya nagpunta yun?" tanong niya. "Ewan ko." matamlay na sagot ni Carla sakanya. "Pero alam mo!" biglang tumayo si Carla mula sa pagkakahiga sa kama na siyang ikinagulat ni Celestine. Kani kanina lamang ay para itong lantay gulay at ngayon naman ay para itong babaeng binigyan ng rosas at tsokolate ng kaniyang nobyo.

Isinasayaw ni Carla ang kaniyang sarili habang nakahawak sa kaniyang pisngi. Tumigil ito sandali at tsaka hinawakan sa balikat si Celestine na ngayon ay nanlaki ang mga mga sa gulat. "Luluwas si Elio pa-Maynila sa susunod na linggo!" saad nito at tsaka inalog alog ang kaibigan. Tinapik naman ni Celestine ang mga kamay nito dahil siyang nahihilo sa ginagawa nang kaibigan.

Ibinagsak ni Carla ang sarili sa kama nang kaibigan at tsaka doon tumili nang tumili. Nang kapusin ito nang hininga ay agad siyang tumihaya at hinabol ang sariling hininga. "Sa wakas, magkikita na kaming muli nang aking Elio!" masayang saad ni Carla at tsaka niyakap ang sarili. Natawa nalang si Celestine sakanya.

"Ano namang gagawin ng iyong nobyo dito sa Maynila?" tanong niya sa kaibigan. Nagtataka ito dahil wala naman siyang makitang dahilan upang magtungo nang Maynila si Elio. "Siya'y nakapagtapos na noong nakaraang taon. Kaya malabong mag-aral din siya dito." muling saad ng dalaga.

"Dito raw siya magtratrabaho sa Maynila. Akala ko ay sa San Francisco lang sila may negosyo, dito rin pala sa Maynila!" napanganga si Celestine sa sinabi nang kaniyang kaibigan. Namangha ito sa kaniyang natuklasan mula sa nobyo ng kaibigan. "Gulat ka, ano?" nakangising tanong ni Carla sakanya. Tanging tango lang ang naisagot niya.

Kinabukasan, maagang nagising si Celestine upang samahang muli si Flora sa pagdidilig ng mga halaman. Tulad ng dati, panay kwentuhan ang dalawang dalaga habang masayang dinidiligan ang mga malulusog at magagandang halaman sa hardin ng pamilya Racazza. Pagkatapos ay pumanhik na rin sa loob ang dalaga upang maligo at mag-ayos dahil may klase pa siya.

Habang naglalakad ang apat na dalaga ay napansin ni Celestine na magkahawak kamay ang kaniyang pinsan at si Riessha. "Bakit kayo lang dalawa ang magkahawak kamay?! Sali ako!" agad niyang kinuha ang kanang kamay ni Riessha at hinawakan ng mahigpit.

"Sali rin akooo!" wika ni Carla at tsaka hinawakan ang kaliwang kamay ni Hillary. Natawa nalang ang dalawang babae na napagigitnaan ni Carla at Celestine. Lingid sa kanilang kaalaman na may relasyon ang dalawang dalaga kaya ito magkahawak kamay.

The Art of Love Where stories live. Discover now