Prologo

13 2 0
                                    

Sa buong buhay ko, naniniwala ako sa kasabihang "Kung para sayo, sayo.".

Kung gusto mo ang isang bagay at nakuha mo ito ng walang kahirap-hirap, ibig-sabihin, para sa iyo talaga ito.

Ngunit kung nahihirapan ka naman na makuha o makamit ang isang bagay. Iisipin ko na lamang na hindi ito para sa akin.

Lumaki akong ito ang naging paniniwala. Hindi ko ugaling pilitin ang mga bagay na alam kong mahihirapan akong makuha.

Hanggang sa makilala ko si Noah.

Doon ako nagsimula mapaisip...

Para sa akin ba talaga siya? Bakit ang hirap niya makamit?

O baka naman... hindi talaga siya para sa'kin.

PahimakasWhere stories live. Discover now