XIII

44 1 0
                                    

Dark Conqueror Meets the King of Death

"Emperor, it's confirmed. Narito nga po ngayon sa Underground Fight Club ang taong tinatawag nilang Dark Conqueror..." pang-iimporma ni Zeus kay Arren na kausap nito ngayon sa telepono. "And just like before, he's wearing the same thing as yours again tonight."

A small sinister smirk slowly plaster on Arren's stoic face. "I see..." mabagal na sambit niya habang pinagmamasdan ang kaniyang repleksyon sa salamin.

Ngayon ay nasa Underground Fight Club si Zeus dahil sa utos ni Arren na tiyakin kung totoo nga ang bali-balitang kumakalat na pupunta roon ang tinatawag ng mga taong Dark Conqueror. "At mukhang kanina pa siya nandito dahil may mga ilang fighters na rin ang napatumba niya... Nakita ko rin kung paano siya makipaglaban at masasabi kong hindi siya basta-basta. In speed, skills, quick thinking, he is a match for you," mahabang dagdag pa ni Zeus.

"Really? That's great then. This night is indeed going to be exciting and wonderful..." he said in a mysterious and dangerous tone of voice.

Pagkatapos ay kinuha niya na ang gintong maskara at ang kaniyang dalawang katana na kanina pa nakahanda at uhaw sa dugo at laman ng kalaban. "I'll go now Ackerman. Hindi na ako makapaghintay na makaharap at patayin siya..."

"I'll see you here then, Your Majesty."

Matapos ang kanilang pag-uusap ay agad nang nagtungo si Arren sa malawak na garage ng palasyo. Doon ay sinalubong siya ng isa sa kanilang mga driver at agad na yumuko sa kaniya. "Which car, Your Majesty?" pormal at magalang na tanong niya.

"I'll use the Bugatti La Voiture Noire this time," sagot ni Arren saka inabot ang susi sa driver. Agad naman itong tumalima para kunin ang nasabing kotse.

Ang ibang mga tauhan na naroon na abala sa paglilinis sa ng ilang mga sasakyan ay agad na huminto sa kanilang ginagawa upang magbigay galang kay Arren. Some of the autos being cleaned are mostly owned by him. Arren has over 50 car collections aside from his motorbike collection in their garage. Bukod pa iyon sa mga sasakyang pag-aari ng kaniyang kapatid at ng kanilang pamilya.

Arren is very fond of cars and bikes. All of his autos are extremely pricey and out of reach for most people. The majority of his collection is the most expensive in the world, special editions limited to only a few people. He also owns cars that have been customized and gold-plated exclusively for him.

Sa dami ng kaniyang sasakyan ay laging iba-iba ang gamit niya sa bawat araw. Nakapende kung ano ang gagamitin niya sa kung anong ganap o sa kung anong klaseng lugar ang pupuntahan niya. Minsan ay depende rin sa mood o kung anong natipuhan niyang gamitin.

Hindi naman nagtagal ay dumating na rin ang sasakyang gagamitin niya. "Sasamahan ko po ba kayo, Kamahalan?" tanong ng driver pagkababa sa sasakyan.

"No. I'll drive myself," tipid na sagot ni Arren saka sumakay sa kotse. Muli namang yumuko sa kaniya ang driver bago nito paharurutin palayo ang sasakyan.

Pagkarating sa Entertainment District ay agad na dumiretso si Arren sa Underground Fight Club. At bago bumaba sa sasakyan ay sinuot muna niya ang kaniyang gintong maskara at hood ng suot na cloak saka kinuha ang dalawang katana.

"DARK CONQUEROR! DARK CONQUEROR! DARK CONQUEROR! DARK CONQUEROR!"

Pagkapasok ay sinalubong kaagad siya ng hiyawan ng mga tao. Kasalukuyang may nagaganap na labanan sa gitna kaya ang atensyon ng lahat ay nakatutok doon. Isang malapad at malademonyong ngisi ang kaagad na sumilay sa labi ni Arren nang mapatingin siya malaking LED screen kung saan doon ay malinaw niyang nakikita ang nagyayaring labanan sa gitna.

The Great Empire of Levexon: The Beginning Of The End Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon