Chapter 29

666 43 5
                                    

Carmella Pov

Dahil sa napaganda ang paguusap namin ni Liam ay nalimutan ko yung pag r-review para sa exam; putanginang bata na toh halatang kampanteng papasa sya habang sumasagot sa test habang ako naman ay problemadong problemado

"Bahala na si Batman" Pabulong na sabi ko at mukha namang narinig ng kumag sa gilid ko

"Hindi iyon kasalanan ni Batman, in fact walang kinalaman sumi Batman" Pabulong na sabi ni Liam sa akin kaya naman palihim ko syang kinurot dahil sa inis kaya naman napadaing sya

"Tangina mong bata ka, dahil sayo babagsak tayo ang daldal mo kasi" Inis na sabi ko

"Anong tayo?? Tangek baka ikaw lang" May ngise na sabi ni Liam kaya naman napatingin ako sa paligid ko, mas lalo akong nagpanic ng makitang halos lahat na sila ay tapos na sa pagsagot

"Luh? hula hula lang ng sagot" Sabi ko sa sarili ko, oo tama self baka hinulaan lang nila.

"Oi Carl! Pasa mo na lang daw yan kay Sir pagkatapos mo" Narinig kong sabi ni Hunter kaya naman tumango nalang ako. AHHHHHHH at sa wakas natapos ko din yung test kaya naman ipinasa ko na ng may ngite sa labi

"Finally! Tapos na" Masaya kong saad

"Tagal mo namang matapos" Asar sa akin ni Liam

"Tara! gala tayo tutal at deserve natin yon dahil kakatapos lang ng exam" Excited na sabi ko kaya naman napa agree ko sila

"Sige ba, basta libre m--" Bago pa man matapos ang sasabihin nila ay agad ko itong pinutol

"Anong libre?? Wag nalang kayong sumama kung magpapa libre kayo plus may kamahalan yung pupuntahan ko" Saad ko gamit ang mataray kong boses bago kuhain ang gamit ko at lumabas sa room, sumunod naman sila sa akin hehehe

"Sige na nga, sama pa din kami tsk damot mo" Pabulong na sabi ng iba pero napatawa nalang ako pero habang tinitingnan yung mga kumag ay lumanding yung mata ko kay Ace na nakasunod din, sasama ba sya?? Napansin nya naman na nakatingin ako sa kanya kaya naman napatingin din sta sa akin kaya nginitian ko nalang bago ko ibalik ang tingin ko sa dinadaanan ko, buti naman at walang tao sa hallway ng school

Tagumpay naman kaming nakarating sa Star City kung saan ako mismo ang nag recommend, buti nalang hindi ako sinundo ni Kuya Arian kaya nakarating kami dito

"How about sa snow world?? Papasok ba tayo??" Tanong naman ni Lucas, jeez nandito pa talaga sila hindi ko sila napansin

"Sige lang, as long na kaya ng budget ko" Nakangite kong sagot ng may biglang tumulak kay Ace papuntang counter, ehh ako yung nasa harap so bali katabi na kami

"Anong pera?? Si Ace na yung magbabayad" Nakangiteng sabi ni Liam na ikinagulat ko; what the heck-?!

"Hehehe ako na bahala sa akin" Sabi ko kay Ace bago ilabas yung aking wallet at nagbayad, nakakahiya naman kasi plus na hindi ko sinasanay sarili ko sa libre.

Nang makabayad na ay nagpaunahan ng pumasok silang lahat habang ako naman ay tinutulak yung mga kaklase ko na nasa daanan ko, bakit ba? Gusto ko manulak eh

"Vikings muna?" Aya ko na may ngite

"Ehh ayoko, weak maliit lang yan" Sagot naman ni Liam kaya naman napataray ako bago pumila sa pilahan pero sinundan naman nila ako, buti nalang wala gaanong tao kaya naman after ng isang ride ay nakapasok na din kami, sa pinaka dulo ako umupo at napapagitnaan ako ni Kapal kilay (Ace) at Salamin boy  (Lucas) kaya naman ay napahawak ako sa hawakan ng nagsimula na etong gumalaw

"Boring naman" Ano ba yan kakasakay lang eh

"Ano bayan sayang oras" Hindi kaya!

"Pambata lang to" Ewan ko lang kung hindi kayo tumili mamaya, at wow hah Liam galing pa talaga sayo?

Marami pa akong narinig na reklamo pero habang tumatagal ay pataas na ng pataas yung pag gakaw at mas lalong bumilis iyo kaya naman napasigaw ako habang yung kaklase ko ay mukhang kinakabahan maliban sa dalawa kong katabi habang si Ethan naman ay maputla na

"GAGOO!!" Tili ni Josh

"BABA NYO NA AKO!!" Sigaw naman ni Mike

"TANGINA SISIRAIN KO TO!!" Galit na sigaw ni Kris

"WAHHH TAMA NA MASISIRA YUNG DUYAN!!" Sigaw ni Liam

Yung iba sa kanila ay sumisigaw din kaya naman yung mga taong nakapila ay halatang nagpipigil ng tawa kaya naman ay napalitan yung takot ko at bigla akong natawa, ang OA naman nila hahahahhaa. Natapos naman agad yung paggalaw kaya naman bumaba na kami, parang nagenjoy naman silang lahat pero buti nalang agad na hinawakan nila si Kris na plano talaga sugudin yung  nag kokontrol ng rides Hahahaha hindi ba naman tinigil agad eh.

Marami pa naman kaming nasakyan na rides since kaunti lang ang tao ay wala gaanong pila pero habang naglalakad ay hinatak nila ako papunta sa pangbata na rides, andaya ako lang hinila pero hindi hinila sila Ace at Lucas

"Tangina nakakahiya kayong kasama" Nahihiyang bulong ko ng makasakay kami pero tinawanan lang nila ako. Mabilis namang natapos yon dahil nga pambata kasi mabilis mainip ang bata kaya namna after non ay pumila na kami sa horror house, medyo may kahabaan ang pila kaya naman naghintay pa kami bago kami makapasok sa loob, hindi ko na namalayan na may hinawakan akong kamay since madilim ay hindi ko nakita kung sino ito pero lalaki kaya pumasok sa isip ko na isa ito sa mga kumag kong kaklase. Habang naglalakad ay bigla nalang may humatak sa akin kaya naman nadala din yung hawak hawak ko, agad ko namang tiningnan yung humatak at nung tiningnan ko din ang hawak hawak kong kamay...... Kung minamalas ka nga naman oh!

"She hold my hand first" Nakangiteng sabi ni Eros kay Ace na nakatingin ng masama sa kanya......

The only girl in Section CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon