March 7, 2009

2 0 0
                                    

March 7, 2009

Dear Diary,

Bumili na si kuya Carl ng mga water gun. Masaya daw kasi laruin 'yon dahil malapit na ang summer. Ang tagal namin yung pinag-ipunan para malaro. Kaso di naman ako pinayagan ni Papa kasi bawal daw ako mapagod ulit sabi ng doctor. At saka masyado daw mainit baka mahilo nanaman daw ako. Dapat talaga naghinayhinay ako magpractice ng bike nung isang araw eh. Di tuloy ako pinayagan.

Niyaya na lang ni kuya yung bago nyang kalaro. Yun yung apo nung lola dyan sa tapat. Diyan na daw yun titira. Pinapanood ko lang sila mula sa bintana ng kwarto ko habang kumakain ng pakwan. Naiingit ako sa kanila, gusto ko rin maglaro. Hawak nung bata yung blue kong water gun, ako dapat naglalaro nun eh. Tumakbo sya at nabulas, kawawa sya pero di ko napigilang tumawa ng malakas. At mukhang narinig nya 'ko kasi bigla syang tumingin sakin. Kumaway sya pero mabilis kong sinara yung kurtina. Grabe, nakakahiya yun! Mabilis akong umakyat sa kwarto ko at dun na lang nagkulong para kung sakaling pumasok sila sa bahay ay di nila ako makita. bumaba lang ako kanina nung hapunan na.

JUMPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon