UNA

48 11 39
                                    

Maraming salamat anak XenontheReaper sa Book Cover.

Hi mga anak, bago nyo simulan ang pagbabasa nais ko lamang sabihin na ang kwento na ito ay may maseselan na parte, meron ding mga hindi kaaya-aya para sa mga ibang mambabasa na pababa sa bilang 15.

Jeremiah POV

"Isa pa!" Sigaw ng aking ama. Nanginginig na ang aking mga braso dahil sa hindi makayanan na pagod at hirap, tagaktak na pawis ang patuloy na bumubuhos sa aking katawan na halos maligo na ako sa sariling katas ng pagod.

Ngunit sa pagkakataon ng i-angat ko ang sarili ay bumigay na ang aking katawan at kamay, nabitawan ko ang hawak sa bakal kaya daretsyo akong nahulog sa lapag. Hingal na hingal ako dahil sa pagod, sobrang sakit ng aking katawan.

Kita ko ang pagkadismaya ni papa kung kaya hindi ako nakaimik. Tumalikod ito at naglakad paalis, naiwan ako sa silid na nakatingin sa ding-ding at hindi ko mapigilan na makaramdam ng galit. Malakas akong napasigaw at kahit na sumasakit pa rin ang katawan ay hindi ko na iyon ininda ng suntuk-suntukin ko ang sahig.

Umecho ang aking boses sa tahimik na kwarto habang nagmantya ng dugo ang basang sahig na puno ng aking pawis. Nang humupa ang aking galit ay muli kong naramdaman ang sakit ng aking katawan lalo na ang aking kamay bagamat napwersa sa training na aking ginawa kasama ang pagsuntok sa matibay na semento.

Eto ang lintik na naging buhay ko sa puder ng aking ama. Strikto sa lahat kung bagamat wala akong magagawa doon, kahit na sobrang galit ay hindi ko magagawang mag rebelyon sa kanya. Mas malakas sakin si papa, mas matatag at wala akong kaya. Kahit na pinapabatak nya ako sa lahat ng pagsasanay ay wala pa rin ako sa kalingkingan niya.

"Bwisit!!" Malakas kong sigaw at pinilit makatayo. Sanay na ang katawan ko sa sakit, hindi lang basta-basta ang aming ginagawa, dahil dugo at pawis ang dumtagaktak sa araw-araw na pagsasanay na aming ginagawa.

Dumako ako sa kwarto at napaupo sa sahig. Kinuha ko ang benda sa ilalim ng kama bago pinuluputan ang aking kamao na sugatan at duguan. Malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago muling tumayo at pinilit na makapasok sa CR upang maglinis ng katawan.

Habang naglilinis at umaandar ang tubig at tulala akong nakatingin sa pader hanggang sa mapaupo ako sa tiles ng banyo, hindi ko napigilan ang sarili kong mapa-iyak at mapahagulgol dahil sa hirap at sakit na araw-araw kong dinadanas.

Kung sana ay buhay si mama ngayon ay hindi ganto ang magiging lintik na buhay ko! Kontrolado, nasasakal at walang kalayaan!

Daniel POV

ANG sakit ng panga ko. "Ayos ka lang?" Napatingin ako kay Mylin na pinsan ni Rocky sa side ng nanay niya. "Yeah, masakit lang panga."

"Ouch, napaaway ka na naman? Pag yan nalaman ni Tita Aliana ay siguradong hindi ka papalabasin non." Tinignan ko naman siya ng masama. "Basta huwag mo na lang ako sumbong, bibili na lang ako ng bandaid at gamot."

"Oh, san ka naman bibili? Wala ng bukas na tindahan ngayon."

"Seven Eleven." Sagot ko bago kumuha ng pera at jacket. "Iwan mo na lang bukas yung gate at pinto." Lumabas na ako ng Kwarto at nadatnan ang pinsan kong si Rocky na tahimik lang sa sulok habang hinahaplos ang pusa niya na natutulog sa kanyang hita.

Tinignan ako nito pero bumalik din sa kanyang pusa. Hindi na lang ako nagsalita at lumabas na ng bahay, gabi at tanging ilaw ng poste lang ng nagsisilbing ilaw ng daan.

Hindi naman ako takot maglakas magisa. Takot lang nila, sanay na kaya ako sa away at kaya kong depensahan sarili ko kahit may patalim pa yan o baril. Ramdam ko ang malamig na hangin na dumidikit sa akijg mukha na nagpapanginig sa buo kong katawan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Matikas Ngunit BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon