Autumn's PoV:
"Babygirl, why don't you take a sleep muna? Kahit nap lang oh."
Umiling-iling ako. "No, Mommy. I won't. Kapag ba natulog ako, nandito na kaagad si Paris pagkagising ko?"
Ibinalik kong muli ang aking tingin sa aking cellphone. Oh damn. She's not answering any of my calls and my messages.
Unti-unting tumulo ang aking luha. Parang walang katapusan sa pag-agos. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Nag-aalala na ako sa asawa ko. Ang daming what ifs ang tumatakbo sa aking isipan.
Halos dalawang araw na ang nakakalipas pero wala man lang akong natatanggap na balita mula kay Paris. Hindi na sya nagparamdam sa akin matapos ang araw na 'yun. Hindi sya dumating sa dinner night namin.
Hindi ko naman macontact ang family nya lalo na't wala akong number or connection mula sa kanila.
"Mommy, what if Paris got tired of me kaya iniwan nya na ako? She ran away from me." Hindi ko maiwasang masaktan dahil doon. My heart's throbbing in pain. If she's tired with me, pwedeng-pwede nyang sabihin 'yun. I can change myself for her.
But I doubt that's the reason. Paris keeps on saying that she would not get tired of dealing with me. In fact, tanggap nya ako kahit na napakarami kong flaws at imperfections sa life.
I'm scared about the other what if that keeps on lingering in my mind.
"Or what if may ginawa ang Dad nya sa kanya?" Argh! I knew it.
Umusbong ang kakaibang galit sa aking dibdib. Dapat talaga ay sumama na lang ako sa asawa ko para alam ko kung anong nangyari sa kanya. Hindi sana ako nag-ooverthink dito.
For the past few days, I keep on praying na sana ay walang nangyaring masama sa kanya.
Hindi ko namalayan na humahagulgol na pala ako ng iyak. Wala akong maayos na tulog. Nagstay na rin ako sa bahay namin, thinking na one day ay babalik sya.
"I missed her, Mommy." I said while sobbing. I missed her face, her kisses, her hugs, her 'I love you'. I missed everything about Paris.
You can call me OA for not seeing my wife for a matter of 2 days but I don't care. Natatakot ako na baka mamaya ay hindi na sya bumalik sa akin.
"Ssh... Stop crying na, babygirl. Gusto mo bang masee ni Paris na ganto ka kamiserable?"
Mabilis akong umiling bilang sagot. "No, I don't want to. Baka mamaya ay maghanap sya ng iba kapag pumangit ako sa paningin nya."
"Baby Autumn, you're not panget. Never. You're beautiful like me. Although, nabawasan lang ng 0.0001% ang beauty mo because you're not eating the right amount of food."
Mommy's right. Nalilipasan na rin ako ng gutom dahil wala akong ganang kumain. I should probably get back to taking care of myself.
"Here's your favorite food, baby. Kumain ka muna. Ako mismo ang nagluto nyan para sayo." Biglang lumitaw si Mama Avril dala-dala ang isang pinggan na naglalaman ng pagkain. It looks good.
"Eat now. After this, pupunta tayo sa house ng parents ni Paris."
Parang nabuhayan ako ng loob nang marinig ko 'yon.
"Really, Mama?" I asked in disbelief. I guess, it's the time para puntahan ko na ang bahay ng mga in-laws ko. I'm sure na may alam sila sa nangyari sa asawa ko.
"Yes, baby. We don't want to see you in this state. Atsaka, nag-aalala na rin kami kay Paris."
Napatango-tango ako. Agad kong kinain ang hinandang pagkain ni Mama Avril. It tastes so good and I think, nabigyan ako non ng energy. Nabawas-bawasan din ang bigat sa aking dibdib.
BINABASA MO ANG
Love-struck
Novela JuvenilAutumn Skylar Claveras, the brat. Sunod sa luho. Kailan man ay hindi sya lumuluhod sa kanino man. Marami ang nagkakandarapa sa kanya. She has a beauty of a goddess and a body to die for. She has an hourglass figure kung kaya't marami ang naiinggit s...