A week before Averrie's birthday ay kumpleto na lahat ng nga gagamitin at giveaways. Meron akong maliit dining hall sa gilid ng bahay ko. Pinaparentahan ko din ito lalo na kapag may pamilya na dadayo at magbabakasyon sa Bantayan. Nagpapasalamat ako dahil maganda ang place na nakuha ko, malawak din siya. Sa ngayon yung dining hall palang ang available. Ang plano ko ay gumawa na 4 storey na apartment hotels, yung first 3 floors nga rooms tapos sa taas ay yung cafe at restaurant ko with a roof deck na may overlooking view. Nakaplano palang siya ngayon, pagkatapos ng birthday ni Averrie maghahanap na ako ng tao para maisakatuparan ang negosyo na gusto ko. It will be my gift ka Averrie.
Actually, I already designed the whole apartment/hotel complex na gusto ko. I just need a quotation kung magkano ang magagastos ko.
Ang bilis ng araw, madalas akong nasa cafe kasama ni Errie to finalize din ang plano sa birthday niya.
Trolls ang theme ng party.
Pinagpipilian ko talaga kung Shrek or Trolls pero sa huli I let Averrie pick kung anong gusto niya.
I chuckled when I remember her silly reaction ng ipakita ko ang picture ng family ni Shrek.
"Nay-Nay, mumu?" Sabay turo kay Shrek at siksik sa kilikili ko. "No mowster... Eh-wie scare."
No monster daw, Errie scare daw.
"But Nanay love Shrek when you're still in my tummy."
"No.. Shwek is scawy." Bulol talaga si Errie pagdating sa 'R'.
"Okay. No Shrek. Poppy it is."
"Yes, Nay-Nay, Poppy is pwetty. Poppy haiw is like this." She sounds so happy while describing Poppy's ponytail which is in upward position. Siya daw ang magiging si Poppy on her birthday dahil parehas silang pretty.
A day before Errie's birthday ay nagbake na ako ng two-layer cake na Trolls theme padin. Gabi na nang matapos akong magdesign, nakakapagod pero I know it's worth it kapag nakita ko ang reaksiyon ng baby girl ko.
Kapag malungkot o umiiyak si Errie, nanonood lang kami ng Trolls, ayun masaya na siya. Her laughter and giggle is so priceless.
Pagpasok ko sa nursery room ay nakita ko si Tess at si Errie na nakahiga at natutulog. Naalimpungatan si Tess at dahan-dahan na umupo.
"Ate Debs, gabi na po kayo natapos."
"Oo. Kumplikado kase ang design ng cake ni Errie. Pero maganda at alam kong magugustuhan niya." Nakangiti kong sabi at umupo sa gilid ng kama at hinaplos ang pisngi ni Errie.
"Talaga, ate? Naku! Ako din excited na ako. Nga pala ate, mga alas kuwatro ng umaga magsisimula si Inay, Kuya Drako at Ate Celle na magluto. Tutulong din ang ibang mga kapitbahay natin."
Napangiti ako kay Tess.
Si Tess ay anak na dalagita ni Aling Marina na pinapasama at pinapatulong pabantay kay Errie habang wala pang pasukan. Si Drako naman ay ang nakakatandang kapatid na lalaki ni Tess, nanligaw ito pagkadating na pagkadating ko, wala daw siyang pakialam kung may anak ako.
Pero lagi lang siyang basted sakin. I wanted to fall in love again, alam ko namang kaya ko pang magmahal ulit. Pero sa ngayon hindi pa ako handa, hindi pa ulit buo ang puso ko, aaminin ko may konting takot dahil nadin sa lalim na sugat na iniwan sakin ni Archon.
Natatawa din ako pagnaalala ko na sobrnag pursigido si Drako na ligawan ako pero napikot lang ni Celle, ang tomboyin naming kapitbahay na matagal nang gusto si Drako. Ang kulit lang ng story ng dalawa.
"Ako din. Salamat nang marami sa tulong niyo."
"Naku, Ate Debs, wala yun! Baby naming lahat si Errie eh. Maiba ako ate, hindi mo ba iimbitahin ang Papa ni Errie, yung mga tita, tito at lola't lolo niya." Walang prenong tanong ni Tess.
BINABASA MO ANG
Just a Little Bit of Your Heart
RomanceArchon and Debs' Story ------ Bata palang gusto ko na siya. At ginawa ko ang lahat para mahalin niya ako. But I will always be the least pagdating sa kanya.