ERRORS AHEAD
-
-
Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto. Ilang minuto akong nakatitig sa ceiling hanggang sa matanto ko kung nasaang kwarto ba ako.Sa pagkakaalala ko ay nawalan ako ng malay sa kalsada, pero sino naman ang mabuting loob ang tumulong saakin upang mapunta ako sa hospital?
"Gising kana." Mabilis na naipukol ko ang aking paningin sa babaeng nagsalita.
Naka-upo siya sa hospital bed habang nakasandal ang kaniyang katawan sa pader sakaniyang likuran. At katulad ko'y may nakasaksak na dextrose sakaniyang kamay at may oxygen sakaniyang ilong.
Ngumiti ito saakin habang ako naman ay nanatiling nakatitig sakaniya.
"Halos buong araw ka nilang sinusubaybayan, buti nalang nagising kana. Kung hindi ka pa nagising ngayon ay idadala kana sa morgue." Iiling-iling na sabi niya na ikinakunot ng noo ko.
"Morgue?" Nagtatakha kong tanong.
"Oo." Maiksing sagot niya na nagbigay saakin ng kuryosidad.
Nakipag-sukatan siya ng titig saakin hanggang sa sumilay ang ngisi sakaniyang makipot na labi.
"Magtanong ka lang." Pagbasag niya sa katahimikan.
Tumikhim ako at inayos ang sarili at tuluyan umupo upang maharap siya.
"B-bakit ako dadalhin sa morgue?" Utal na tanong ko.
Ang kaniyang magagandang mata ay nanatiling nakatitig saakin na para bang binabasa niya ang magiging reaksyon ko at nag-eenjoy siya sa nakikita niya ngayon saakin!
"Dahil hindi nila ma-detect ang pintig ng pulso mo. Wala ka raw heartbeat." Nagkibit balikat siya at umiwas ng tingin saakin.
Akmang magtatanong pa sana ako ng mawala ang atensyon ko ng marinig ang tikhim ng kung sino sa may bandang pintuan.
Agad ko itong tiningnan at isang matangkad na lalaki ang sumalubong saaking mga mata. Kunot na kunot ang noo niya habang nakatitig saakin kasabay rin ng pagbaba ng kaniyang mga mata saaking tiyan kaya napahaplos ako rito.
"I thought she was dead?" Lumipat ang kaniyang nagtatanong na mga mata sa babaeng nasa kabilang kama. Ang kaninang nakaka-intimidate na aura niya ay biglang lumambot ng pumukol ang kaniyang mga mata sa babae.
Mapait akong napangiti.
"No." Maiksing sagot ng babae at sinenyas ang kama niya upang maka-upo ang lalaki.
Nanatili akong tahimik habang iniiwasan ang mainit na titig ng lalaki na nakatitig ngayon saakin at sa aking tiyan.
Tumikhim ang babae upang kuhanin ang atensyon namin kaya napabalik ang mata ko sakanila. 'Yong lalaki ay tila hindi natinag sa pagtitig saakin habang naglalaro ang ngisi sakaniyang mapupulang labi.
"Anyway, I'm Taniella, Tanya for short and this is my boyfriend, Ryzen." Ngumiti siya saakin sabay sulyap sakaniyang boyfriend na nakatitig parin saaking tiyan habang malapad na nakangisi.
Sa totoo lang, kanina pa ako naiilang sa titig ng lalaking to—
"You are pregnant, aren't you?" Nagtama ang aming mga tama at sa hindi inaasahan, nakaramdam ako ng kakaiba sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
DS #2: Hiding from the Demon's Eyes [COMPLETED]
FantasyDemon Series #2: Naranasan mo na bang managinip na ikinakasal ka sa isang lalaking malabo ang mukha na halos hindi mo maaninag? Si Maliah Anzella Alisdan ay isang ulilang lubos na ang tanging Lola lamang niya ang nagsilbing kaniyang ama't ina. Simul...