Ma, I’m going. paalam ko kay mama
Take care. sabi naman nito, narinig ko rin na nag paalam si Gab kay mama tapos dali daling lumabas. pumasok na ako sa kotse ng biglang sumulpot si Gab don.
Ihatid mo ako sa school.
Kung maka utos, driver mo ba ako? hindi ito sumagot at inabala ang sarili sa paggamit niya ng phone, wala kasi itong kotse dahil pinagbawalan na ni dad ng minsang umuwi itong lasing. Nag concentrate lang ako sa pag da drive at binigay ang buo kong atensyon sa daan. I heard Gab phone ringing, kahit hindi iyon naka loudspeak dinig na dinig ko pa rin ang pag uusap nila ng lalaki sa phone.
Binasted ka daw ng nililigawan mo? sabay tawa nito sa kabilang linya
Fuck you! you called me for that?
Sorry bro, ang sarap mo kasing inisin. sabat naman ng isa
Humanda kayo sa akin mamaya.
Oh, We are so scared. tawa ulit ng mga ito. Pinatay na ni Gab ang tawag at hindi maipinta ang mukha nito ngayon. Ang daling magalit. Napangisi ako ng dahil don.
Are you laughing at me?
Yes. diretsang sagot ko sa kaniya
Bilisan mo nalang ang pag da drive, I’m late. sabi nito
bibilisan ko na sana ang pag da drive ng biglang may mabunggo akong kotse, hindi naman masiyadong malakas ang impact at buti nalang ay naka seatbelt kami.
Sandra! sigaw ni Gab sa akin
Patay! mahinang sambit ko at napatingin sa kaniya
Dali-dali akong lumabas ng kotse para makita ang nakabangga ko, I know it was my fault hindi ko namalayan ang biglang pagsulpot niya. Dun ko lang na realize na sana hindi nalang ako lumabas ng kotse.
Ikaw?/You. sabay naming sabi.
siya lang naman yung lalaking na meet ko last week, parang kailan lang ay dinasal ko na huwag na kaming magkita.
We’ve met again. sabi nito ngunit walang reaksyon ang mukha. hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo don at nakatitig lang sa kaniya ng dahil sa pagkagulat, buti nalang at lumabas si Gab.
Sandra, Do you know him?
No. mahina kong sambit, narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
I’m sorry, for what my sister did, Can we just settle this? sabi ni Gab sa lalaki
Gab, Naku! ma la late na pala ako, may exam pa kasi ako ngayong umaga, sige ikaw na bahala dito ha.
Nagmamadali akong pumasok sa kotse at pinaandar ito, total si Gab na naman ang mag se settle ng lahat. Hindi ako mapakali sa biglaang pagkikita namin ng lalaki, Naka bussiness attire ito at parang nagmamadali rin, tapos, tapos, ang gwapo niya sa suot niya. Parang hindi ako makapaniwala kung naka one night stand ko ba talaga siya. Ang swerte ko sa part nayun. Naku! ano batong pinag iisip ko. Pinarada ko ang kotse sa gilid ng kalsada at tinawagan si Dad about sa nangyari, pinagalitan ako nito at nagpupumilit na pumuntang hospital. Sumakay ako ng taxi at pinakuha ko nalang ang sasakyan sa isa sa mga driver namin. Saktong pagdating ko sa school ay nakita ko si Davin at Lorraine, so sila na pala talaga. pinilit kong huwag magpalabas ng kahit anong emosyon at naglakad ako na parang walang nangyari. buti talaga hindi ako natapilok.
Sandra! napalingon ako sa tumawag sa akin
Chim! I said at niyakap ito, kasama na pala niya si Rhyme
Marami ka pang i kwe-kwento sa akin.
Akala ko naikwento na ni Rhyme lahat sayo? sa sobrang chismoso nito? napatingin ako sa kaniya
So mean. sagot naman ni Rhyme
At yun nga kwenento ko lahat kay Chimberlyn ang nangyari, she keeps on yelling at me na parang nanay ko, wala na akong tinira at sinabi ko na lahat sa kaniya, including ang pagkikita namin ng lalaki kanina, sabi pa niya It’s destiny at may pakislap–kislap pa sa mga mata nito.
Excuse me, oh hi Cassandra. napahinto ako sa ginagawa ko.
Anong kailangan mo Lorraine? si Chim na ang sumagot, may inis sa tono ng kaniyang boses
Relax Chim, I am here because I want to invite you to my Birthday party, Lahat ng student dito sa school invited.
Ayo-
Pupunta kami, Thanks for inviting Lorraine. pagputol ni Rhyme sa sasabihin ko.
You’re welcome. sabi ni Lorraine at bahagyang hinaplos ang dibdib ni Rhyme at saka umalis
Eww. nasusukang sabi ni Chim
Bat mo yon ginawa Rhyme? You accept her invatation. I said
Look Sandra, magiging bitter ka kung aayawan mo ang invitation niya, magmumukha kang kawawa at parang hindi pa naka move on kay Davin kung ganon.
He’s right, Pupunta tayo don Sandra.
Rhyme is right, ayokong magmukhang bitterng ex.
Kung makapagsalita, parang hindi pinsan ah.
I don’t like her, just simply as that, at for sure hindi din sila magtatagal ni Davin, look how he touch Rhyme. Gross!
Natawa kami sa inasta ni Chim, since nagtungtong kami ng college ay mag bestfriend na kaming tatlo, ako si Rhyme at Chimberlyn, para na nga rin kaming magkakapatid. Just like Lorraine, Chimberlyn is beautiful hindi makakaila. Rhyme is handsome too, katulad ng kuya nitong si Beat. I’m so blessed that I have a bestfriend like them. Among us three ako yata ang pinakasakit sa ulo.
BINABASA MO ANG
(Learo Series #1) Hello Stranger
RomanceAfter a heartbreak cause by her ex-boyfriend, Cassandra woke up one day with some random guy. She admitted that it was her fault by dragging this man last night. but, after a week their path crossed again, masiyadong ginugulo ng lalake ang isipan...