Chapter 6

373 8 0
                                    


Naging clingy si Astrid sakin simula ng araw na yun. Sabado na ngayon at Special day na ni Mommy Eva.

Kahapon pala kumuha na ng Maid si Astrid para daw may kasama ako. Hindi ko maiwasan kiligin sa pakikitungo nya sakin parang nagbago na sya hindi na sya yung taong parang nandidiri sakin pero mahirap umasa masaya na'ko na ganito kami.

Inaayusan ako ng kaibigan ni Astrid na babae para sa birthday party ni Mommy Eva mamaya.

Kinulot nya ang aking mahabang buhok and nilagyan nya ko ng Red Lipstick naglagay din sya sakin ng fake eyelashes then contact lens na color blue madami pa syang nilagay sa muka ko.

"Done, ang ganda mo Flaire nagtataka nga ako kung bakit mo nagustuhan si Astrid ginayuma kaba nya?" natatawa nyang sabi baliktad ako ang may gusto sa kaibigan mo sasabihin ko sana yan sa kanya pero nginitian ko nalang sya.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin hindi parin ako makapaniwala ako ba'to? Hinawakan ko pa ang aking muka. Tinignan ko din ang binigay ni Mommy Eva sakin na damit bumagay ito sakin kita ang cleavage ko kaya naiilang ako. Hindi ako sanay na magsuot ng ganito.

"Thankyouu po." nakangiti kong sabi kay Lea natural ang beauty nya kahit hindi sya mag ayus ang ganda nya padin I'm sure na madaming nagkakagusto sa kanya.

"I have to go Flaire, kita nalang tayo mamaya." ngiti nyang sabi sakin kumaway pa sya bago umalis. Pupunta rin pala sya sa Birthday party ni Mommy Eva napangiti ako.

"Ma'am." napalingon ako kay Manang Doris sya yung kinuha ni Astrid na maid namin matagal na syang nag wowork sa family Monvalle.

"Manang wag na pong Ma'am para ko na po kayong Mama e, Flaire nalang po." ngiti kong sabi sa kanya.

"Sorry." ngumiti sya" Dumating na si Astrid hintayin ka nya nalang daw sa baba."

Bigla akong kinabahan naiilang ako sa suot ko.

"Opo Manang susunod po ako."

"Sige Hija." sabi ni Manang at umalis na sya.

Tumingin muna ako sa salamin at huminga ng malamin bago lumabas.

Nadatnan ko si Astrid na nakatalikod dahil may kausap sya sa Phone.

Hindi nya alam na nasa Likod nya na'ko nakita kong binaba nya na ang kanyang Cp.

"A-Astrid." tawag ko sa kanya humarap sya sakin agad.

"Damn." hinapit nya ang bewang ko palapit sa kanya. "Why your so Sexy." bulong nya.

Napalunok ako "A-Astrid bitawan mo'ko baka makita tayo ni Manang."

"I don't care, bakit ganyan suot mo?"

"B-Bigay s-sakin 'to ni Mommy Eva."  shit bat ako nauutal.

"I told Mom na hindi ganyang damit ang ibigay sayo." mariin nyang sabi.

"P-Panget ba? Hindi ba bagay sakin? Magpapalit nalang ako." napapikit ako ng mariin.

"Wala akong sinabi na hindi mo bagay, you look so fucking hot Wife." sabi nya na nagpataas ng balahibo ko.

Nakalagay parin ang kanyang kamay sa bewang ko napansin ko ang suot nyang tuxedo na itim na bumagay sa kanya. Sobrang gwapo nya sya yung pinapangarap ko na mahirap abutin.

Until the End (Ongoing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon