Singpula na nang kamatis ang mukha ni Celestine pagkatapos niya ikwento sa tatlong dalagang nasa kaniyang silid ang nangyari sa pag-uusap nila ni Lucifer kahapon."Tititigan mo lang ba ako, binibini?" wika nang lalaki na nagpabalik sa huwisyo nang dalaga. Nag init muli ang pisngi ni Celestine dahil huling huli siya sa akto kung tumitig sa binata. Paano ba niya maiiwasang mapatitig dito kung ito'y saksakan ng gwapo!
"Ako? T-Tinititigan ka? Nananaginip ka yata!" buwelta nang dalaga tsaka tumawa nang pilit. Hindi niya ibig na makahalata ang lalaki sakanya. Hangga't maaari ay ibig niyang itago ang nararamdaman nito para sakaniya. Baka mamaya ay hindi pala siya gusto nito. "Sigurado ka bang hindi mo ako tinititigan? Halos limang minuto ka na ngang nakatitig sa akin, eh." bawi nang binata na may malaking ngisi ang mukha. Nanlaki ang mga mata nang dalaga. Ganoon siya katagal nakatitig sa binata?!
Dahil wala sa bokabularyo nang dalaga ang magpatalo, bumwelta siyang muli. "May dumi kasi ang iyong mukha, ginoo." unti unting nawala ang ngisi ni Lucifer at tsaka tumalikod sa dalaga upang alisin sa mukha ang sinasabing dumi nito. Humalakhak nang pagkalakas lakas ang dalaga. Hindi niya akalaing mauuto niya ang binata nang ganoon kabilis. "Uto-uto!" ani nito habang dinuduro ang lalaki.
Naging maganda ang pag-uusap nilang dalawa ni Lucifer kaya kaniyang nakalimutan na may kaibigan siyang naghihintay sakaniya. Naalala niya lamang ito nang tumunog ang kaniyang telepono at doon nabasa ang mensahe ni Riessha na kanina pa raw siya hinihintay sa kantina. "Patay!" tarantang saad ni Celestine. Napakamot siya sa kaniyang ulo at tsaka kumuha nang maliit na piraso nang papel at isinulat ang kaniyang numero.
Inabot niya ito kay Lucifer na ngayon ay nakakunot ang noo dahil sa ikinikilos ng dalaga. "Pasensya ka na. Mauuna na ako!" ngumiti si Celestine sa binata at tsaka dali daling tumakbo papuntang kantina.
Naiwan naman ang lalaki na ngayon ay nakangisi habang pinaglalaruan ang papel na ibinigay sakaniya nang dalaga. "Ang mabuti pa ay tawagan ko nalang siya mamaya. "
"Umiibig na ang ating kaibigan!" ani ni Carla habang hinahampas ang braso ni Riessha. "Riessha, umiibig na si Celestine! Ahh, kinikilig ako!" saad nito at muling hinampas sa braso ang katabi.
"Oo na! Kinikilig ka na! Tigilan mo na ang kakahampas mo sa akin!" reklamo ni Riessha. Agad namang humingi ng tawad sakaniya si Carla at idinahilang siya'y nadala lang sa kaniyang emosyon. "Kung ibalibag kaya kita at sabihin kong nadala lang ako sa aking emosyon?!" pabirong saad ni Riessha na siyang naging sanhi upang mabalot ng tawanan ang buong silid.
"Masaya ako para sa iyo, pinsan. Ngunit mag-iingat ka diyan kay Lucifer ha! Balita ko'y matinik daw iyan sa mga babae!" ani ni Hillary. Magsasalita na sana si Celestine nang ungusan siya ni Carla. "Ha! Subukan niya lang lokohin ang aking kaibigan, kakalbuhin namin siya ni Riessha at ipapabugbog ko siya kay Elio!" taas noong sambit nito at tsaka sinuntok suntok ang sariling palad.
Naputol ang usapan ng apat na dalaga nang kumatok si manang Rosa sa pintuan. "Mga hija, magsibaba na kayo para sa hapunan." ani nito gamit ang malambing na boses. "Bababa na ho!" sagot ni Celestine at tsaka tumayo na sa kama para ayusin ang nagulong higaan.
Pagkatapos maghapunan ay agad na pumanhik sa kaniyang silid ang dalaga upang mag-aral. Habang nagbabasa nang libro, biglang tumunog ang telepono si Celestine.
"Isang tawag mula sa hindi rehistradong numero? Dapat ko ba itong sagutin?" tanong niya sa kaniyang sarili. Dahil rin sa labis na kuryosidad, sinagot niya ang tawag pagtapos makipagtitigan sa kaniyang telepono nang ilang minuto.
"Sino ito?" mahinahong wika ni Celestine. "Buti naman ay iyong sinagot ang aking tawag. Akala ko ay wala ka nang balak sagutin ang iyong telepono. " agad na namula ang pisngi nang dalaga nang marinig ang boses ni Lucifer.
YOU ARE READING
The Art of Love
Roman d'amourIsang masayahin at palangiting babae. Iyan ang isa sa mga katangian ni Celestine. Siya ay mayroong mataas na ambisyon para sa kaniyang sarili at sa minamahal na pamilya. Ngunit sa isang iglap, naglaho lahat ang kaniyang mga pangarap dahil sa isang k...