Ifonlypigscanfly
One shot
All rights reserved***
Xien Martinez— ang playboy na kayang pangitiin ang bawat babae sa balat ng lupa, ang playboy na walang girlfriend, ang playboy na nabubuo ang araw sa tuwing nakikitang ngumingiti ang mga kababaihan, ang playboy na 'unique', ang playboy na walang ginawa kundi ang magpangiti, ang playboy na laging iniintindi ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili niya, ang playboy na namomroblema kung paano mapapangiti si Kylie Fabian, ang playboy na nangkikidnapp makausap lang si Kylie, ang playboy na 'muntik' nang mahulog sa puso ni Kylie, pero sa 'di kalaunan, nahulog din, ang playboy na puro na lang 'Kylie'
Ang playboy na once in a life time niyo lang makikita.
Kylie Fabian—ang valedictorian ng 4th year, ang pinaka-matalino sa lahat, ang babaeng hindi marunong ngumiti, ang babaeng nagmumukha ng manang sa sobrang pag-aaral, ang babaeng 'extra-ordinary', ang babaeng hindi marunong makipag-socialize, ang babaeng hindi uso ang pangalang Xien Martinez sa vocabulary niya, ang tanging babaeng nakaka-alam ng buhay ni Xien.
Ang kaisa-isang babaeng nagtataglay ng pinaka-magandang ngiti
***
"Bukang-liwayway na pala, ang bilis ng araw dear, parang kahapon palang, katabi kita, tapos ngayon, tinatanaw ko na lang sa langit ang mukha mo, ang mata, ilong, tainga, pati na rin ang pinaka-maganda mong ngiti."
Ako si matandang Xien, pustiso na lang ang gamit ko sa tuwing ngumingiti, 'di na gaanong kaganda, kalinaw at kaputi ang mga ngiti na 'to, pero kahit wheel chair na ang tambayan ko, mahal na mahal ko pa rin si Ms. Valedictorian, si Kylie Fabian.
Tandang-tanda ko pa ang mga araw na lagi akong pinapalibutan ng mga kababaihan, nabubuo ang araw ko dahil sa mga ngiti nila, 'ang pogi mo Xien' dito, 'ang pogi mo Xien' doon, ang saya-saya ko, kasi kahit nakikita pa lang nila ako at wala pa akong ginagawa, masaya na agad sila, palibhasa, ako ang number one playboy ng Crawford's Academy, mayabang na kung mayabang, kaso gano'n talaga. Mahirap talagang maging gwapo.
Sa mga araw din na 'yon, namroblema ako, kahit masakit na ang mga kasu-kasuan ko, 'di ko pa rin makalimutan ang mukha niya no'ng senior days namin, 4th year kami noon, nasa 3rd section ako, 1st section siya, running for Valedictorian at hindi ko ma-reach, alalang-alala ako na baka hindi ko siya maging kaclose, kailangan ko kasing gumawa ng paraan para mapa-ngiti ko siya, hindi niya kasi alam kung paano ngumiti, and that bothers me a lot.
Akala ko lahat na ng babae napa-ngiti ko, but I was wrong, mayroon pa kasing isa, and her name's pretty as she is, Kylie, Kylie Fabian, a girl that makes me wanting her more, not in a bad way, but for her own good..para mapa-ngiti siya.
I stalked her, para naman makakuha ako ng maraming impormasyon tungkol sa kanya, sinubukan kong mapalapit sa kanya, dapat pala hindi nalang, nasaktan pa ko.
Because she doesn't know my name, I'm the number one playboy of Crawford's Academy right? in fact, I hate her, puro nalang pag-aaral ang inatupag niya, hindi man lang siya nagpapaganda or something, magsuklay man lang, o magsuot ng fit na uniform, baka hindi niya afford? at umaasa lang siya sa scholarship because she's smart?
Ang Crawford's Academy kasi ang pinaka-mayamang school. Kumpleto rekado ang school na 'to, nakakahiya mang sabihin, pero mayaman ako kaya madali akong nakapasok.
Nag-isip ako nang nag-isip pero wala akong maisip!
My brain was so frustrated at that time! Pagod na ang utak ko at wala na 'tong mapiga, but then, I came up with the stupidest plan ever, ang kidnappin siya.