Kailangan pa ba nating magmahal? Kailangan pa ba na tayo ay nasa isang relasyon? Anong meron sa bagay na yan kung sa huli naman ay masasaktan lang? Bakit gugustohin parin nilang sumubok sa isang bagay kung alam naman na nila na masasaktan sila?
"Hay nako mga tao nga naman."
"Oh Miah anak ba't parang ang lalim naman ng iniisip mo?"
Napatingin naman ako kay mama habang pinagtitimpla na naman ako ng gatas.
"Ma naman, di ba ho sinabi ko na na wag niyo na'ko ipagtimpla? Kaya ko naman na ho yan eh."
Sabi ko at kinuha nalang yung iniabot niyang baso ng gatas.
"Hay nako, hayaan mo nalang ako nak, mahirap na kasing pigilan ang nakasanayan."
Mahirap ng pigilan ang nakasayan tulad ng...
"Pagmamahal?"
"Tama, isang halimbawa na jan ay yung pagmamahal."
Napatingin ulit ako kay mama ng sabihin niya yun, nasabi ko pala yung pagmamahal? Akala ko ba eh nasa isip ko lang yun?
"Eh ikaw nak kailan ka ba magmamahal?"
Muntik ko namang maibuga yung iniinom kung gatas dahil sa tanong ni inang.
"Ay nako ma di ba ho sabi ko matagal na akong nagmamahal." Sagot ko nalang.
"Sa amin kasi yang pagmamahal na sinasabi mo."
Panunudyo namang sabi ni mama.
"Alangan naman ho kung sino pa mama." Sagot ko at humigop ulit ng gatas.
"Hay nako Amiah malapit kana ngang lumagpas sa kalendaryo eh hindi ka parin nagkaka nobyo, maganda ka naman nak tapos marami na Ang nangligaw sa'yo, wala ba talagang pumasa?"
Hito na naman tayo sa usapang 'to.
"Mama hindi ba ho at sinabi ko na rin na ayokong magka nobyo."
"Ay nako anak hindi pwede! Paano ako magkaka apo niyan?"
Isa pa muntik na'kong mabulunan inang naman oo.
"Ma naman apo na naman? Nariyan naman si Amelia, siya nalang magbibigay sa inyo ng apo."
Sagot ko nang makita si Amelia na papalit rito sa'min ni mama, bunsong kapatid ko na nagpapantasyang meron nang nobyo.
"Ay ba't ako ate, Ikaw dapat mauna ano kasi gurang kana." Sabi niya habang kumukuha ng tinapay.
"Aba aba, anong gurang ha?" Sambit ko at matalim siyang tiningnan.
"Bakit? Totoo naman ah di ba ma?" Mukhang pagtutulungan na naman ako nitong dalawang 'to.
"Hindi naman sa ganun Ame, ang punto ko lang Miah anak, sa edad mong yan kasi dapat may nobyo na, may trabaho ka naman na anak, at sigurado naman na lahat ng nagkakagusto ay mayayaman, hindi kana mahihirapan niyan. Isa pa bakit itong kapatid mo yung magbibigay ng apo eh ang bata bata pa nito."
"Oo nga ate matagal tagal pa bago ko mabigyan sina mama't papa ng apo, dapat Ikaw na magbigay sa kanila."
Napabuntong hininga nalang ako, kahit naman ano pang sabihin ko eh hindi rin naman nila maintindihan, pwera nalang kay papa nasaan ba yun ng matulungan ako rito.
"Magandang umaga aking reyna at sa aking dalawang prinsesa." Ayun nandito na ang kakampi ko!
"Magandang umaga sa'yo mahal, maupo ka na't ipaghahanda kita ng kape."
"Maraming salamat mahal ko."
Ano ba naman 'to, oo mga magulang ko sila pero umiinit yung dugo ko kapag nakikita silang naglalambingan.
"Oh bakit nakabusangot ang isa naming prinsesa?" Malumanay na tanong ni papa habang nakatingin sa'kin.
"Gusto na kasi ni mama na mabigyan na ng apo ni ate." Sagot nitong bruhilda kong kapatid.
"Hay nako, hayaan niyo lang kasi na makapag desisyon ng mabuti itong si Miah. Tandaan walang magandang maidudulot ang pagmamadali sa isang bagay."
Yan ang papa ko, buti pa talaga 'tong si papa eh naiintindihan ako.
"Nako naman Guillermo matanda na tayo tapos hindi pa tayo nagkaka apo, baka hindi ko na maranasang mag alaga ng apo."
Ang tigas mo talaga mama, kumain na nga lang ako nang makaalis na.
"Oo nga naman anak, magkaka apo pa ba kami?" Ayoko na nga, tatlo na sila ano wala na'kong laban.
"Hindi ko ho kayo mabibigyan ng apo." Sagot ko kay papa at dumampot muna ng isang pares ng tinapay at tumayo na.
"Abay hindi pwede yan nak, gusto ko nang kumarga ng apo." Sabi ulit ni papa, ngunit nagmano nalang ako sa kanila ni mama para makalabas na.
"May bata ho yung kapitbahay natin pa hiramin niyo muna, bibigyan rin kayo ni Amelia ng apo, alis na ho ako salamat sa almusal!."
Sabi ko nalang at binitbit na yung bag ko at lumabas na sa hapagkainan. Bakit ba nagmamadali na silang magka apo? Ano bang meron sa apo? Hayys naman oh eh sa ayoko sa mga lalaki eh ano bang magagawa nila? Ay hindi naman sa ayaw ko sa mga lalaki, ayoko lang talagang magkaroon ng relasyon tama yun nga.
Masaya na'ko sa pagiging single noh, ba't pa'ko papasok sa isang relasyon kung sa huli eh tutulo lang ang luha ko.
(Maligayang pagbati sa aking mambabasa! Nawa'y nagustohan niyo ang prologo ng storyang ito, sana eh abangan niyo pa ang mga susunod na kabanata ng ating storya, sana rin eh samahan ninyo ang ating (mga) bida sa kanilang lalakbayin. Inaasahan ko rin ho pala ang inyong mga komento at ang inyung mga nais iparating sa akin bilang isang baguhan pa lamang na manunulat, sana'y sabihin niyo sa'kin kung mayroon man akong pagkakamali ng sa ganun ay maitama ko kaagad, maraming salamat🥀)
BINABASA MO ANG
Cornelia Street
Romance"Anong meron sa pag-ibig? Bakit maraming tao ang gustong gusto pumasok sa isang relasyon? Bakit maraming taong nababaliw sa mga taong mahal kako nila?" Minsan talaga hindi natin maintindihan yung ibang tao kung hindi natin mararanasan ang naranasan...