Xyrene's POV
bumalik ako sa loob ng gym, nabigla ako ng may sumalubong sa'king spotlight ngunit pinagpatuloy ko ang parin ang aking paglalakad, hinanap ko naman si Zee. Nang mahagilap ko siya ay agad akong lumapit sa kanya
"Zee, ano 'to? ba't may spotlight?" tanong ko kay Zee
"ewan. di ko nga rin alam eh" sagot niya
"ganun bah? kanina pa kasi 'to nakatutok sakin nakaka-ewan lang"
"bayaan mo na. baka may gusto sayo ang operator. nga pala, ba't namamaga mata mo?" tanong niya sakin
"ah——
"ui Xyrene, hiramin ko muna si Zylarah ah" biglaang singit ni Edreian kaya hindi ako nakasagot sa tanong ni Zee
"sige, alagaan mo 'yan ah?" bilin ko sa kanya
"oo naman." pagsisiguro ni Edreian saakin at naglakad na paalis.
nakakailang hakbang pa lang sila nang biglang lumingon pabalik si Zee.
"Xy, let's talk later." seryosong sabi ni Zee saakin. kaibigan ko nga siya.
naglakad ako pabalik sa table namin, naalala ko na naman si Myckel. bakit ba kasi kailangan pa niyang umalis? kung kailan nasanay na rin kami sa presensya niya.
"malulunod ka na yata ah?" nilingon ko ang nagmamay-ari ng pamilyar na boses..
"Oh...bakit naman?" matamlay kong bati sa kanya, di pinansin ang sinabi niya.
"lalim kasi n iniisip mo" siya
"ahh wala, may naalala lng ako"
"ganun ba?" I just give him a weak smile.
"bakit ka nga pala andito?" tanong ko sa kanya
"nakita kasi kitang mag-isa, eh wala naman akong kasama kaya nilapitan nalang kita"sagot niya sakin
"ahh" *akward silence*
"sayaw tayo?" bigla niyang sabi saakin pagkatapos ng nakakabining katahimikan. iniabot ko naman sa kanya ang aking kamay.
sabay kaming nagpadala sa himig ng kanta. naaalala ko na naman si Myckel. :(