Kabanata 10

20 9 26
                                    


Sumakay na sa kotse nang binata si Celestine. Bago tuluyang umandar ang sasakyan ay natanaw niya ang kaniyang tatlong kaibigan sa balkonahe nang ikalawang palapag na ngumiti nang nakakaloko habang nakatingin sa kaniya.

"Saan nga pala tayo mamamasyal ngayong araw?" tanong ng dalaga kay Lucifer na nakatuon ang buong atensyon sa kanilang dinaraanan.

"Sa Intramuros," sagot nito habang deretso parin ang tingin sa harapan. Hinahangaang lubos ni Celestine ang Intramuros dahil sa taglay nitong kagandahan at kasaysayan. Kahit kailan ay hindi pa niya napupuntahan ang lugar na ito kaya naman laking tuwa nang dalaga na dadalhin siya nang kaniyang kasama doon.

Matapos ang isa't kalahating oras ng byahe ay narating na nila ang lugar. Pagkababa na Pagkababa ni Celestine ay agad niyang inilibot ang kaniyang tingin at halos mapunit na ang kaniyang labi sa pag ngiti. Hindi niya lubos akalain na mas maganda pala ang Intramuros sa personal. "Nagustuhan mo ba ang lugar na ating pinuntahan ngayon?" tanong ng lalaki na ngayon ay nakatayo sa kaniyang gilid.

Lumingon naman ang dalaga sakanya at tumango nang tatlong beses. "Sobra! Maraming salamat at dinala mo ako dito ah. Alam mo ba, matagal ko nang ibig puntahan ito!" masayang wika niya.

"Talaga? Bakit?" muling tanong ni Lucifer bago yayain ang dalaga na maglakad lakad. "Dahil isa ito sa mga makasaysayang lugar ng Pilipinas." sagot ni Celestine habang patuloy pa ring nililibot ang paningin sa buong lugar.

Ang dalaga ay mahilig magbasa nang mga libro na may kinalaman sa kasaysayan ng Pilipinas. Simula nang ituro sa kanila ni ginang Fe, kaniyang guro sa ika anim na balitang, ang mga mahahalaga't makasaysayang pangyayari sa bansa ilang daang taon na ang nakalipas ay nabalot siya nang kuryosidad kung kaya't iginugol niya ang kaniyang mga libreng oras noon sa pagbabasa at pananaliksik.

"Mahilig akong magbasa at manaliksik tungkol sa mga naging kaganapan sa ating bansa ilang daang taon na ang nakalilipas. Kung kaya't ganito na lamang ako katuwa nang sinabi mo sa aking sa Intramuros mo ako ipapasyal." dagdag pa nang dalaga.

"Ganoon ba? Kung gayon, ikwento mo nga sa akin ang dahilan kung bakit naging makasaysayan ang lugar na ito." panghahamon ni Lucifer habang nakangisi. Hindi naman siya inatrasan  ni Celestine dahil agad itong nagsimula sa pagkwekwento.

"Taong isang libo limang daan at animnapu't apat, sa pamumuno ni Miguel Lopez de Legazpi, ang mga manlalakbay na espanyol ay naglayag mula New Spain (Mexico) hanggang sa marating nila ang Isla ng Cebu noong ika-labing tatlo nang Pebrero, taong isang libo limang daan at animnapu't lima, kung saan nitatag ang unang kolonya ng Espanya sa Pilipinas. Narinig ni Legazpi mula sa mga katutubo na ang Maynila ay mayroong mayamang yaman kung kaya't agad niyang ipinadala ang kaniyang dalawang tenyente-kumander na sina Martin de Goiti at Juan de Salcedo upang tuklasin ang Isla ng Luzon." pumasok ang dalawa sa tarangkahan na may ngalang Puerta Real habang patuloy parin sa pagkwento ang dalaga.

Ang bagay na ito ay ikinagulat ni Lucifer dahil hindi niya lubos akalaing ang mga bagay na iyon ay saulo at kabisado nang dalaga. Ang kasaysayan ng Pilipinas maging ng Intramuros ay naituro narin sa kaniya noong siya'y nasa ika-unang taon sa sekondarya ngunit limot na niya ang bagay na ito. Bukod sa hindi niya paborito ang paksang hekasi, panay tulog lang siya sa kanilang klase.

"Dumating ang mga kastila taong isang libo limang daan at pitongpu sa Isla ng Luzon. Sinubukang kausapin at kumbinsihin ng mga kastila ang mga katutubo ngunit nauwi lamang ito sa hindi pagkakaunawaan dahil kanilang pinaglalaban ang kanilang kontrol sa bawat lupain at pamayanan. Nauwi iyon sa isang digmaan kung saan natalo ang mga katutubo at napilitang makipagsundo para sa kapayaan. Sa pamamagitan ni Rajah Sulayman III, Lakan Dula, at Rajah Matanda, tuluyang naibigay at napasakamay ng mga kastila ang lungsod ng Maynila." naupo ang dalawa sa isang mahabang bangko upang magpahinga. Sa tabi nila ay may isang mamang sorbetero kaya naman agad na bumili ang binata nang dalawang sorbetes para sa kanila.

The Art of Love Where stories live. Discover now