Pangalawang Kabanata: Panyo

4 2 0
                                    

(GAEL'S)

"Marami na palang nagbago sa kompanya." I heard my brother said.

Kaya pinagmasdan ko narin muna ang kompanya namin, oo nga malaki na ang pinagka iba ng dating kompanya, mas lumago pa ito, halatang hindi napapabayaan.

Ilang taon na nga ba kaming hindi nakauwi rito sa Pinas? Siguro mga limang taon na, marami rin naman kasing magagandang oportunidad ang binigay sa'min sa ibang bansa.

"Tara na bro." Napatigil naman ako sa pag-iisip ng mag aya na ang aking kapatid, tumango na lamang ako at naglakad na.

Kukunti ang mga empleyadong sumalubong sa'min, siguro ang iba ay kumakain pa, tanghali pa kasi ngayon, yung akala namin na matatagalan yung byahe namin eh napa aga, masiyado na kasing excited 'tong kapatid ko na makauwi't makapunta rito.

Sabagay, ako rin naman. Gusto muna ng katawan ko na magpahinga sa dami ng pinagka abalahan sa trabaho.

"Maligayang pagdating po sa inyo."

Bati ng mga nadadaanan naming mga empleyado. Niyuyuko ko lamang ng bahagya ang aking ulo tanda ng pag sagot sa kanilang pagbati, medyo pagod pa kasi ako sa biyahe pero bawing bawi naman sa kapatid ko na todo ang ngiti sa kanila.

Saktong pagdating namin sa main lobby ay ang paglabas rin ni Dad sa elevator galing sa 5th floor, kung saan naroon ang kaniyang opisina.

Pagkakita niya ay sinalubong niya agad kami ng ngiti at yakap ng makalapit.

"Welcome back my handsome sons." Bati niya bago kumalas sa yakap.

"Thanks dad, we've missed you." Sabi naman ng kapatid ko.

"We've missed you both too. How's your trip?"

"It was a tiring trip dad."

Sagot ko at humikab. Bahagya naman akong tinawanan ni dad at ginulo ng kaunti ang aking buhok na dahilan sa pagkunot ng aking noo.

"Oh sorry son, namiss ko lang gawin yun sa'yo." Paumanhin niya ng mapansin ang pagkunot noo ko, iba kasi noon mga bata pa kami nung palagi niyang ginugulo yung mga buhok namin. Syempre ngayon medyo ayaw ko na na may gugulo sa ayos ko.

"Buhok lang eh." Singit naman ng kapatid ko, ngunit inirapan ko nalang, nakita ko naman si dad na napailing nalang.

"C'mon let's go to the conference hall samahan niyo muna kami sa meeting at pagkatapos ay ipapakilala ko na kayo sa ating mga empleyado, marami naring bago rito at gusto kong makita't makilala nila kayo sa personal."

Sabi ni dad, ngunit gusto munang maglakad lakad rito.

"Susunod nalang ako dad, mag memeeting pa kayo diba? Maglalakad lakad lang muna ako."

Paalam ko kay dad.

"Yes son, may kaunti lang muna akong ididiscuss, sumunod ka nalang nasa third floor yung auditorium, okay?"

Sagot ni dad at nginitian ako.

"Yes dad, susunod ako."

Sagot ko, tumango nalang si dad at nagpa-alam na. Sumunod na rin ang kapatid ko at ang ibang empleyado sa kanila sa elevator, nagkasya naman sila kasi sabi ko nga kanina kukunti lang ang bumungad sa'min.

Nilibot ko muna ang aking paningin rito sa main lobby, tinitingnan ko ang mga disenyo, bumagay naman. Sakto lang ang kulay grey, tapos di rin masiyadong pale dahil sa mga artworks at halaman, mas maganda rin kasi kung may mga halaman sa loob nadaragdagan yung freshness.

Cornelia StreetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon