Prologue

15 3 0
                                    

Disclaimer

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, Locales and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any Resemblance to actual person's, living or dead, or actual events is purely Coincidental.

****
Siya si Kimph Dion Ymarez 18 years old Isa siyang laki sa hirap at nangangarap na makapag tapos ng pag aaral at makapag hanap ng magandang trabaho para maihaon ang pamilya sa kahirapan. Dahil sa Pagiging masipag niya hinarap niya ang Hamon ng kanyang buhay kabilang na dito ang pagkamatay ng kanyang mama at papa dahil sa isang aksidente. Hindi naging madali sa kanya noon dahil ang mahalaga sa Buhay niya ay nawala at pakiramdam niya ay para narin siyang nawalan ng pangarap. Pero hindi siya mahina at hindi siya nawalan ng lakas ng loob. Pinaaral niya ang kanyang sarili at Naghanap ng trabaho sa Online Job Hiring

Siya si Mr. Davis yves Rivera he's an old famous Business man in the Philippines at age 40. Marami siyang branches like bar, Hotel, Restaurant, Resorts at Gas station. May tatlong branches din siyang kinikilala sa ibang bansa. Mayaman at Elegante siya. Pag dating sa trabaho Strikto ito at sa ugali naman siya ay isang ubod ng bait na parang ibinaba sa langit para ipagkalat ang kabaitan.
Bukod sa swerte ito sa negosyo, swerte din ito sa kanyang tatlong apo? Swerte nga ba?

Siya si Ashtine Carl Rivera. Mabait? Hindi. Gwapo?  Sobra pa sa oo. Seryoso? Kung sa ugali oo Kung sa Mga babae Hindi. Mayabang? Oo. Hilig niyang manakit ng damdamin ng iba at maglaro lamang na parang naglalaro na parang laruan. He's a mysterious Cold person? Pero sa mga ginagawa niya sa mga babae mysterious ba ang tawag sa kanya nu'n?. Lahat ng babae nangkandarapa sa kanya at naghahabol sa kanya pero kahit iisa hindi pa siya na inlove at nagkajowa!

Siya si Zherine rye Rivera. Gwapo? Oo, Mabait? Jusko sobrang bait nagmana sa lolo, Mayabang? Mabilang lang ang kayabangan. Hinahabol siya ng lahat at Gusto maangkin ng lahat, siya ang iba sa tatlo. Sa isang araw may tatlong Girlfriend ito at hindi niya kinakama. Pinapaasa lang niya at pinapaiyak jusko gawain yan ng magkapatid.
Pero kahit kailan hindi pa nahulog ang loob niya sa iba at yun ang Hinahanap niya na magpapatibok sa puso niya at yan ang hangarin ng isang gwapong Zherine Rye Rivera.

And Lastly si Ashton zake Rivera. Gwapo, mabait palamura nga lang, hindi Mayabang at syempre gawain ng magkapatid ang mag paiyak ng babae yun din ang gawain niya. Wala din sa vocabularyo niya ang Umibig ng Tama dahil dagdag lang daw iyon ng problema niya?

Yan ang mga ugaling meron sila at yan ang dahilan na hindi swerte si Mr. Davis pagdating sa kanyang apo. Masyado sakit sa ulo. Spoiled kasi ang tatlo pagbata dahil sa mga magulang nito. Kung paguusapan naman ang mga magulang nila? Yun ang naka kalungkot dahil bata pa lamang sila wala na ito at patay na dahil sa Car accident....

Dahil sakit sa ulo ang tatlo napag Desisyonan niyang gumawa ng hakbang para tumino ito. Nag plano siyang gumawa ng Job hiring para sa kanyang bahay na mag asikaso nito. pero ang mga plano na iyon ay walang katuturan dahil ang Buong plano niya ay Gusto niyang mapatino ang mga apo nito.. Plano niyang kumuha ng isang tao magpapabago sa tatlo at ang Hindi niya inasahang Makuha ay si Kimph ang Lalaking akala mo ay babae dahil sa lakas na parang gandang babae nito...

Dahil sa trabahong iyon tila ba nagbago bigla ang buhay ng tatlong lalaki at ang buhay ni Kimph...

***
"Hi po good morning Mr. Rivera" bati ni Kimph kay Mr. Rivera. Iba iba ang nararamdaman ni kimph sa mga oras na yun dahil kilala niya ang taong kaharap niya. Isang Sikat na Business man. Pilit niyang pinakalma ang sarili at hindi pinahalata iyon..

Kalmado lang siyang Nakatayo sa harap ng Businessman habang ini interview nito.

Hindi din maiwasang matawa si Davis sa Reaction ni kimph dahil halata sa mukha nito ang kabado. Iginuhit naman niya ang kanyang mabait na mukha para hindi ito mataranta at mailang sa kanya..

Alam na niya ang estado sa buhay ni kimph at naawa siya para nito at Gusto niyang tulungan ito.

Nagulat nga din siya ng makilala niya ang unang nakapag apply nito. At mas lalong nagulat siya dahil sa lalaki pala ito....

"Have a seat" anyaya niya nito sa lalaki. Tumango naman si kimph at umupo."I thought na babae ang unang makapag apply sa Job hiring namin? But I'm wrong it's look like a girl lang pala" biro nito. Nagulat naman si kimph sa sinabi ng Matanda at nahiya siya para nito.

Tumikhim naman ang matanda at sumeryoso ito "By the way, gusto ko Ipaalam sayo na hindi katulong ang trabaho mo" nagtaka naman si kimph sa sinabi ng matanda. So kung hindi katulong? E ano?

"Po? Akala ko po ba Naghahanap po kayo ng katulong?" tanong nito. Umiling ang matanda at ipinatindi nito sa binata.

"Gusto kita patirahin sa mansion ko kasama ang tatlong apo ko" sabi nito. Na mas ikanagugulat ni kimph.

"Po? Seryoso po kayo? Patirahin niyo ho ako sa mansion niyo? Kasama ang tatlong apo niyo?" pag uulit ng tanong nito sa sinabi ng matanda. Natawa naman si Davis sa reaction nito.

Tumango siya at ngumiti. "Kung naiintindihan mo hindi kona kailangan pang ulitin"

"Pero bakit po? So ang ibig niyo po sabihin ay titira lamang ako sa mansion niyo kasama ang tatlong apo niyo at wala akong trabaho?" tanong ni kimph na nagtataka parin? Ano na naman ang gawin niya dun? Dagdag sakit sa ulo? O jusko baka gawin itong Taga bantay nito. Siguro may tatlo itong batang bata? Kung sabagay mahilig din naman siya sa bata.

Umiling ang matanda at natawa. He thought na magaling mag advance mag isip itong si kimph.

Nagtaka naman si kimph at nag tanong ulit "Kung hindi po ako katulong? Siguro tagabantay po ako?"

Umiling lang ang matanda at pina intindi kung ano nga ba ang sadya niya talaga para dito
"No you're not a Nanny or whatever what we call that kind of Job... All you need to do is to make them falling in love with you" nanlaki ang mga mata ni kimph at hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Ano daw? Make them falling inlove? So babae ang apo niya? Mga bitter? Kaya mahirap paiibigin? At siya talaga ang gagawa?

"A-ano po? Hindi po ba kayo nagbibiro?"

Umiling lang si Davis
"No I'm not kidding and i Just want to remind you na lalaki ang mga apo ko at hindi lalaki"

Mas lalong hindi makapaniwala si Kimph sa mga sinabi ng matanda. Lalaki? Tatlo? Jusko hindi siya humanap ng trabaho para mga ganitong uri ng trabaho.

Napatayo si kimph at gulat ito. Natawa lang si davis at ang reaction talaga ni Kimph ang kanyang hinintay. Alam ni Davis na mahirap ang ganitong trabaho at hindi ito trabaho kundi totoo ito. Hindi niya kinuha si Kimph para lang magpanggap o gawin lang ang mission nito na paiibigin at kung mapa ibig man ang isa mga ito itigil agad. Pero iba iba ang nasa isip ni Davis gusto niya si Kimph at Gusto niya mapunta ito sa mga isa sa mga apo nito...

Hindi tutol si Davis sa Parehas na kasarian kung magmahalan hindi na niya pinakaalaman yun. Ang gusto niya ay magtino ang mga apo sa pamamagitan ng pag mamahal at Gusto niya magbago ang tatlo niyang apo dahil kay Kimph...

At ang mga planong iyon hindi niya pinag sisihan at mas gusto niya ito ang umibig si kimph sa isa sa mga apo nito......

***
At dahil dun nag iba ang takbo ng buhay nilang lahat... Lalo nasa tatlong binatang Rivera nagbago ang lahat simulan ng makita nila ang taong Hindi nila inasahan na  darating sa buhay nila...

***
Maging magulo kaya ang sitwasyon ko doon? Paano kung kabaliktaran ang lahat? Paano kung ako ang mahulog sa tatlo?

***
Simulan noong makita kita tila ba nagbago ang lahat at Gusto ko sa sarili ko na angkinin ka at Gusto ko akin ka lang....

***
Binago mo ang buhay na meron ako ang tigas na bato kung puso pinalambot mo ito..

***
Akala ko ganito na ako habang buhay pero hindi pa pala dahil noong una kitang nakita.... Binihag mo agad ang aking mga mata at dahan dahan na akong nahulog na hindi ko  namalayan..

*****
Author note: kamusta ang prologue? Okay lang ba? Vote and comment kung nagustuhan niyo.

Kahit walang nagbabasa ng kwento ko ipagpatuloy ko padin ang pagbuo nito!!

The Darling Of the Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon