<Hailey's POV>
"Hoy! Bilisan mo namang maligo. Kanina pa ako nangangalay dito kahihintay sayo." Kinalampag ko ang pinto ng banyo kung saan kasalukuyang naliligo ang magaling kong kaibigan.
Kada umaga routine na talaga namin ito. Siya ang mauunang magigising kaya siya ang mauunang makakagamit ng banyo para maligo. Pagkagising ko, ako na ang mag-aayos ng higaan naming dalawa. Take note, hindi kami natutulog ng magkatabi sa iisang kama pero natutulog kami sa iisang kwarto. Ako ang natutulog sa kama habang siya naman ay sa sahig pero paminsan nagpa-palitan kami.
Ang siste, ako ang lalangawin kakahintay sa mokong kung kailan siya matatapos maligo. Kalalaking-tao ang tagal-tagal maligo. Ang pinakamabilis niyang pagligo ay kalahating oras. Samantalang ako na babae, kaya kong maligo sa loob lang ng sampung minuto.
"RAYLIE!!!"
"Oo! Ito na nga! Tapos na!" Nagmamadaling lumabas si Raylie ng banyo.
Nakatapis lamang ng towel ang kanyang pang-ibabang katawan at expose ang pang-itaas. Tumutulo pa ang butil ng mga tubig sa kanyang buhok pababa sa kanyang dibdib. Halatang hindi siya nakapag-punas ng maayos dahil sa pagmamadali.
"Ang bagal mo. Male-late na naman ako dahil sayo." Naiinis kong sambit habang papasok ng banyo.
"Kasalanan ko bang ang tagal mong gumising?" Sarkastikong bawi niya bago ko pa maisara ng padabog ang pinto ng banyo. Umirap nalang ako sa kawalan.
Mabilis lang akong natapos maligo at nagbihis. Mabuti nalang tapos nang magbihis ang loko bago pa ako matapos maligo dahil kung hindi, sabay na naman kaming magda-damit sa loob ng kwarto.
Wala namang malisya. Normal na sa'ming makita ang katawan ng isa't isa dahil magkapatid na ang turingan naming dalawa.
Lumabas ako ng kwarto para magtungo sa kusina. Naabutan ko si Raylie na kumakain sa hapag-kainan habang nagse-cellphone. Huminto siya sa ginagawa nang mapansin niya ako.
"Kumain ka muna bago umalis. Baka magutuman ka sa klase." Pag-yaya niya sa'kin. Inilapit niya ang plato na may lamang pandesal. Pinagtimpla niya rin ako ng gatas.
Palihim akong napa-ngiti. Maswerte pa rin naman ako sa kaibigan ko dahil maasikaso siya at hindi niya ako pinapabayaan.
Kumuha ako ng isang pandesal at sinawsaw sa mainit na gatas bago kainin. Umupo na rin ako sa harap ng upuan niya.
"Nakita mo na ba yung si-nend ni Ma'am sa group chat natin?" Tanong ni Raylie habang humihigop ng kape. Umiling-iling ako.
"Bakit? Ano bang meron?" Tanong ko habang kumakain ng pandesal.
"May exchange student daw na darating sa'tin." Chismosong panimula niya. "Lalaki. Aeron Tyler Smith ang pangalan. Tapos ang chismis ng mga co-marites ko, gwapo raw at mayaman. Fresh from America at may lahi, half-American and half-Filipino. Ang dami kong nasagap noh!" Madaldal niyang kwento.
"So?" Hindi ako interesado.
"Wala lang. Sinabi ko lang sayo para updated ka." Napapahiyang sagot na lang niya.
***
Nakarating na kami ni Raylie sa aming university at kasalukuyang naglalakad patungo sa aming room.
Nadatnan namin ang tumpok ng mga kababaihan at kabaklaan na silip ng silip sa loob ng room nanim. Nagtutulakan at nagtitilian sila na parang kilig na kilig.
"Mukhang nasa room na natin ang exchange student." Bulong ni Raylie. Tumango lang ako.
Nag-excuse kami sa mga nakaharang sa pinto para makapasok sa loob ng room. Dumiretso agad ako sa aking upuan para ilagay ang aking bag doon. Kaso napansin ko ang isang lalaking naka-upo sa tabi ng upuan ko.
Nakasandal siya sa backrest habang nakaunan sa kanyang ulo ang dalawang niyang braso. Nakapikit siya at mukhang natutulog. Sa tingin ko ay wala siyang pakialam sa mga nagkakagulong estudyante sa labas at sa ingay ng mga ito dahil nakasuot pa siya ng headphone.
Hindi ako magkakamaling siya ang exchange student.
Mayroong 49 na upuan ang room namin at may 1 vacant seat sa kaliwang side ng tabi ko pero occupied na iyon ngayon ng exchange student. Samantalang, si Raylie ang naka-upo sa kanang side ng tabi ko. Arranged ang chair in 3 columns and 7 rows, dalawang magkatabing upuan sa both side ng gilid at tatlong magkatabing upuan sa gitna. 14 - 21 - 14 by groups.
BLACKBOARD
◼◼ ◼◼◼ ◼◼
◼◼ ◼◼◼ ◼◼
◼◼ ◼◼◼ ◼◼
◼◼ ◼◼◼ ◼◼
◼◼ ◼◼◼ ◼◼
◼◼ ◼◼◼ ◼◼
◼◼ 👤👧👦 ◼◼"Gwapo nga talaga." Mahinang bulong ni Raylie sa akin habang pareho naming nilalagay ang aming gamit sa aming upuan.
Palihim akong sumulyap muli sa bagong kaklase. "Pwede na rin." Sagot ko. Humagikhik lang ang kaibigan ko.
Narinig ata ng lalaki ang usapan namin ni Raylie kaya dumilat ang mga mata nito, wala sigurong sound ang headphone niya. Nagkasalubong ang aming tingin.
🎶Not sure if you know this but when we first met I felt so nervous, I couldn't speak🎶
"Ayy! Sana all may background music ang very first eye contact." Echoserong sambit ni Raylie habang nanunukso ang kanyang tingin sa'min.
Napa-irap tuloy ako sa kanya. Anyare sa kaibigan ko? Kanina pa siya nagmumukhang bakla sa paningin ko.
Nag-play sa buong university premises ang isang kanta, hudyat na magsisimula na ang flag ceremony. Timing lang talaga na loko-loko ang operator dahil sa dinami-daming kanta, yun pa talaga ang napili niya.
Tumikhim ako. "The flag ceremony is about to start. Every student must proceed at the quadrangle." Paliwanag ko sa lalaki. Nag-English ako para siguradong maintindihan niya. Tumayo ang lalaki. Napa-tingala ako dahil sa katangkaran niya.
Tumango siya sa'kin at ngumiti ng bahagya bago naglakad palabas.
Sumilay ang charismatic dimples niya sa magkabilaang pisngi at kumislap ang kulay abo niyang mga mata. Bahagyang umangat ng kaunti ang parehong sulok ng kanyang mapulang labi dahil sa simpleng ngiti niyang iyon.
Natulala ang aking buong sistema. Ang gwapo!
"Hoy! May balak ka pa bang kumurap dyan???" Nagising ako sa boses ni Raylie. Pinitik niya rin ang aking noo. "Magsisimula na ang love life mo. Be ready, pareho na tayong may crush ngayon hahahahahaha!!!" Hinampas ko ng malakas ang braso niya. "ARAY!!!" Malutong niyang sigaw.
"Matagal na akong may crush, di mo lang alam. At saka loyal ako. Di ako attracted sa gwapo lang." Mataray kong dahilan.
Nauna na akong lumabas ng room at iniwan siya sa loob. Patakbong hinabol naman niya ako kaya sabay pa rin kaming dumating sa pila ng flag ceremony.
BINABASA MO ANG
Who's the Father?
RomanceNaglakas-loob siyang pakinggan at sundin ang isinisigaw ng kanyang puso sa kauna-unahang pagkakataon ngunit sa maling sitwasyon. Nauwi ito sa isang mainit na pagkakamali at nag-bunga. Dahil sa takot niya, inilihim niya kung sino ang lalaking dahilan...