Delaney
I am packing my things right now. Buong akala talaga ni Tine ay may Tree Planting kami but the truth is ngayon na ang flight ko papuntang US. Isa o dalawang linggo siguro ako mawawala at sina Miss Khea na ang bahalang magpaliwanag kay Tine dahil iyon ang napag-usapan. Pinipilit nila ako na dapat may kasama ako, even Miss Bea insisted na sasamahan niya ako but I refused. Kaya ko naman sarili ko. Hindi na ako bata. I know what to do.
Nalulungkot ako dahil hindi ko makakasama si Tine ng isang linggo o higit pa. Sana nga'y makakita agad ako ng donor niya dahil kung hindi, hindi ko kakayanin ang maaaring mangyari kay Tine. I even can't imagine myself without her. I just can't.
Napabalik ako sa ulirat when my phone rung. Someone's calling and when I checked who is it, it's Pat.
[Are you sure ayaw mo magpasama?] Eto na naman siya. Kagabi si Reiz ta's ngayon siya na naman. Ang kukulit e.
"I can handle myself, Pat. Thanks for your concern. Uuwi akong may nahanap na donor." Pilit na ngiti ko kahit hindi nito nakikita.
[I hope and we'll pray about that.] Even though I can't see her right now, I know she's smiling. [O siya, seems like hindi na talaga magbabago iyang isip mo. I'll be ending the call dahil may klase pa ako. Bye, gal. Safe trip!]
"Thanks, gal."
[Don't forget our pasalubong.]
Natatawang umuo naman ako dito. Kahit kailan talaga. Hays, natutuwa akong masaya ang puso ng aking mga kaibigan. Ngunit hindi ko pa alam kung kanino. Mga mapaglihim, lol.
Agad kong tinungo ang private plane na sasakyan ko papuntang US na pagmamay-ari ng magkapatid na Guadalupe.
Sa totoo lang, natatakot akong umalis mag-isa. Pero kailangan kong tatagan ang loob ko. Kaya ko na 'to. Ayoko ng makaabala pa sa iba kaya mas ginusto ko na lamang na ako na lang mag-isa ang umalis.
Umupo na ako sa gilid ng window. Earphones in, volume up, ignore your surroundings. But before I closed my eyes, naaninag ko pa ang isang pamilyar na babaeng kakapasok lang ng plane. What the heck is she doing here?!
Don't tell me---
"Hey! We'll be flying together. Yey!" Nagagalak na saad nito pagkarating pa lang sa harapan ko.
Hindi ko siya pinansin bagkus mas nilakasan ko pa ang volume ng earphones ko and shut my eyes to rest. Wala ako sa mood to entertain anyone. Kani-kanina lang ako umalis pero naho-homesick na agad ako. Jusko, po!
Ang akala kong peaceful na byahe ay nasira dahil dito sa kasama ko. Sa kadaldalan ba naman. Imbes na matulog ako hindi ko magawa dahil binubulabog niya ako. Tsk, nasasapian ito ng masamang espirito. Hindi madaldal ang Natalia'ng kilala ko. She's behave and quiet most of the times.
"Umalis ka sa katawang iyan kung sino ka mang masamang espirito!" Biglang sigaw ko na ikinagulat niya. Kaya ako rin lang naman ang natawa sa katarantaduhan ko pero ginagawa ko lang iyon sa isip ko. Baka masira plano ko.
"What the actual freak are you saying?" Taas kilay na tanong ng magandang katabi ko.
"Ma'am, baka po may masama kayong nakain kanina or kagabi. Maybe you have fever? Oh gosh." Best actress na bwelta ko na ikinasimangot naman nitong tinutukoy ko.
Lintik lang ang walang ganti. Ba't pa kasi nang-iisturbo wala naman palang matinong sasabihin.