krrriiiiing!!!
KRRRRRIIIIIIIINGGGG!!!
KRIIIIIIIIING!!!
nagising ako sa napaka tinis na tunog ng aking alarm clock..
dahan dahan na binuksan ang aking mga mata 4am..masyado pang maaga..5 mins pa...
2hr and 15 mins later...
LATE NA AKO!
agad akong pumasok sa banyo at nag madaling mag ayos
mamaya nalang ako kakain ng agahan..
agad kong tinungo ang kwarto ni kuya para mag paalam..
kaso wala na sya nauna na atang umalis ang daya di man lang ako ginising..
halos patakbo na akong nagtungo sa paradahan ng sasakyan
"patay 30 mins nalang baka di na ako papasukin ng guard"
nag aantay at di na mapakali..
ang tagal ng mga sasakyan
medyo naiinis na ako pero relax lang maaga pa, ilang sasakyan nadin ang dumaan pero halos lahat ata puno..
15mins nalang...
agad akong nabuhayan ng loob na may humintong sasakyan, medyo siksikan pero ayos na to, ilang minuto lang at nakarating nadin ako saking paaralan, medyo pagod at medyo pinag pawisan pero ok lang
bumaba na ako ng sasakyan at nag lakad papuntang gate ng may sasakyan na biglang sumalubong sakin akala ko mababanga ako pero sa halip ay napatumba ako..
natumba ako sa putikan, agad na bumaba ang sakay neto
si jake pala..
oh!? kelan pa naging swimming pool ang putikan? HAHAHA...
agad ko syang sinuklian ng matatalim na tingin.
pero tumalikod na sya at pumasok na ng gate..
tumayo ako at inayos ang sarili ko,
kaso di talaga madumi parin...
pumasok ako na puno ng putik ang damit..agad akong nag tungo sa c.r
nag hugas buti nalang me hand dryer at me ditergent soap ang cr kaya medyo luminislinis at natuyo ang damit ko,
8:30 na at alam ko absent na ako sa first subject, pag akyat ko ng 2nd floor nakasalubong ko si maam gonzales..
our class start's at 7:30 end's at exactly 8:30 why are you absent?
bago ko masagot ang tanong nya..
walang kung ano-ano, bigla nalang nya akong pinapunta ng office before lunch..
sabay alis
pabuntong hininga naglakad papuntang room, pinto palang nakikita ko medyo kinakabahan na
ano kaya ang susunod na mangyayari?
pagpasok ko ng silid agad nagtinginan lahat sakin, medyo nakakailang at weird alam ko nasa isip nila marahil nagtataka kung bat ang dumi ng damit ko
agad kong binaling ang tingin ko kay jake..
sige lang kahit anong gawin nyo di ako magpapatalo...
2nd subject na nung nakapasok ako at may game quiz, halos lahat sila may ka partner na ako nalang wala pero
ayos lang kaya ko naman ang trigo, di man halata pero may konting talino naman ako sa subject nayun
hindi pala konti sobra lang..
'' ok guy's go to your chosen partner na and we will start''
uhh..maam wala kasi akong ka partner..pwede ako nalang mag work mag isa?
ahh ganon ba? wait..
attention sino pa walang ka partner jan? meron ba?
biglang may nag taas ng kamay..di na ako nagulat..kung sino...bukod kay jake wala na kasi akong kilala kundi sya,
aaa.ako wala pa..medyo pa utal na sagot nito, sige na ok na sya kesa naman isa sa grupo ni jake maka partner ko mas worth it naman to..
oh.. me partner kana wag choosy..
opo maam..
pinuntahan ko na sya sa kina roroonan nya at nagpakilala, medyo may pagka paranoid ang taong to kase tinaas ko lang yung kamay ko para makipag shake hands, gulat na..
ako nga pala si marco, mac for short..ahh ikaw??
uhm.. ako nga pala si jazper kinagagalak kong makilala ka
tara mag simula na tayo..
nag simula na ang mini game quiz namin, nag start na mag bigay ng problem sets si maam, nag simula na kameng gumawa ng graphs at equation (ako lang pala) 10 mins per problem di sa nagmamagaling pero wala pang 10 minuto ehh natapos na namin at nakasagot na sa blackboard, (iknow right ang galing ko)
konting busisi at konting check ng guro namin
abah ang galing ahh me candidate na tayo para sa math wizards
pinuri kame ni maam at ng ibang classmates namin, pero di pala kinatuwa ni jake..
lunch time na
medyo nagugutom nadin ako, inaya ko si jazper na mag sabay na kame kaso may gagawin padaw sya kaya sa susunod nalang, papunta na ako ng kabilang room para sana ayain si jenny kaso sabi ng mga kaklase nya absent daw sya kaya ako nalang muna mag isa ang kakain..
alone....again..
pababa na ako ng room at dadaan sa locker room para kunin ang lunch money ng makasalubong ko sila jake bigla ba naman akong binanga buti nalang di ako natalisod ano kaya problema ng mga yun?
pag dating ko ng locker room agad kong binuksan ang mini drawer ko at me nahulog na sulat
huh? ano to?
pinulot ko ang sulat medyo binusisi ko ang laman medyo nagulat teka? love letter??
Hi marco
magkita tayo after class sa likod ng gym, unang kita ko palang sayo nagustuhan na kita, sana wag mong balewalain ang sulat ko..
sincerly your's
secret admirer <3
seryoso ba to?
ako may secret admirer?
medyo di ako makapaniwala sa nabasa ko, pero basta diko maintindihan ang saya..
buong tanghali yung sulat lang at yung taong nag sulat ang mga bagay na nasaisip ko
After class-
medyo kinakabahan pero ayos lang, agad kong tinungo ang gym
medyo napaaga ata ako ng dating..
nag hintay ako halos 30 mins pero tila wala ng dadating, ano bayan..
napakamot nalang ako ng ulo, pauwi na ako ng makasalubong ko ulet ang grupo nila jake
teka?? di kaba mag bibigay galang samin?
huh? pasensya na sige uuwi na ako..
agad akong hinawakan ng mga kasamahan nya at kinaladkad papasok ng gym
Teka? ano bang problema nyo?
nag pumiglas ako at di sinasadyang na tamaan ng siko ang muka ni jake..
oops..
maslalo syang nagalit at sa pangalawang pagkakataon nakatikim ako ng sipa nya..
gano ba talaga kabigat ang paa nya at sobrang sakit nya atang sumipa..
napatumba ako pero agad naman akong tinayo ng isa sa mga kasamahan nya at dinala sa banyo
ipinasok ako sa janitors stock room sabay lock ng pintuan hindi ako makapalag sa sobrang sakit ng tyan ko pero pinilit kong tumayo at buksan ang pinto..
...
BINABASA MO ANG
The Bullied
AdventureAng storyang ito ay hango at dedicated sa mga nakaranas na masaktan, mainsulto, matapakan ang buong pagkatao, at higit sa lahat nakulong sa takot.. gano ba kahirap ang buhay ng naapi??.. sana masubaybayan nyo ang una kong katha.. likha ng aking napa...