Carmella Pov
Kanina pa kami nagtatawanan sa loob ng kotse ng bigla nalang tumunog yung tyan ko kaya naman napatingin sya sa akin at ako naman ay nag iwas ng tingin, takte nakakahiya!! Sigaw ko sa isip ko tanginang buhay toh kainin na sana ako ng lupa
"Anong gusto mo kainin?"Tanong sa akin ni Ace
"Kahit jollibee nalang masaya na ako doon" Sagot ko kaya naman naghanap sya ng pinaka malapit na jollibee at nag pinarada na yung sasakyan bago kami bumaba at pumasok na sa loob ng fast food chain
"Ummm pwedeng paayos netong jacket?? hindi kasi ako komportable plus pa na abot sa ilalim ng tuhod ko ang hava" Savi ko pero hindi ako pinansin ni Ace at nagpatuloy lang sa pag order na seryoso ang mukha pero sumasagot naman ang loko nung tinanong na yung order, tinopak nanaman ba?
"Umm spaghetti nga po mga dalawa with fried chicken na din po iton tapos isang order ng burger steak at tatlong extra rice, isang medium fries din po and for drinks coke nalang po, at pang dessert po ay sundae" Nakangite kong saad at mukha namang nagulat si Ace sa dami ng inorder ko pero hindi ko nalang pinansin at pumunta na sa waiting area. Ilang minuto lang ang lumipas ay nagsidatingan na ang mga waiter dala ang mga pagkain, nilagay nila yung tray sa lamesa at ako naman tong amoy palang natatakam, ang inorder lang ni Ace ay spaghetti with chicken plus na mukhang hindi sya sa sanay sa pag kain ng madami ang nanonood kaya naman mahina akong napatawa bago magsimulang kumain
"Bibitayin pa ba bukas?? Ang dami naman nyan" Natatawang sabi ni Ace kaya naman muntik na akong mabulunan sa kinakain ko at tiningnan sya ng masama
"Gago" Bulong na mura ko pero ngumite lang sya sa akin bago kumuha ng isang chicken sa plato ko pero hinayaan ko nalang sya hanggang sa maubos na yung pagkain namin, nag take out pa nga si Ace eh mukhang nagustuhan yung chicken kaya naman napangite nalang ako pero nawala yung ngite ko ng biglang may tumawag sa phone ko at nung tingnan ko kung sino ay napalunok ako.
"Shit lagot ako neto" Bulong ko bago sinagot yung tawag ni Kuya Sevy
" Oi babae ka!! Nasaan ka nanaman!! Nag gagabi na at wala ka pa din sa bahay!!" Sigaw ni Kuya Sevy kaya naman napangiwe nalang ako
"Sorry na Kuya, umm mag s-stay po kasi ako sa apartment ko miss ko na din po kasi yung view doon" Sagot ko, well totoo naman na sa apartment ako mag s-stay and miss ko na yung magandang view doon
"Siguraduhin mo lang yang sinasabi mo" Nagbabanatang sabi ni Kuya bago nya pinatay yung tawag kaya naman itinago ko na yung phone ko at sinundan si Ace papunta sa kotse nya
"Umm Ace pwede mo ba akong ihatid?? Kahit hanggang apartment ko lang hehehe" Tanong ko pero hindi sya nagsalita kaya naman pumasok nalang ako sa kotse nya at nanahimik, nakakahiya!! Pero napatingin naman ako sa kanya nung hindi pa din sya nagpapanadar, ano problema neto?? Ilang sigundo ang lumipas bago sya tumingin sya sa akin na parang may gusto syang alamin
"What??" Nagtataka kong tanong
"Hindi ko kasi alam address ng apartment mo so hinihintay kitang sabihin yon para naman mahatid na kita" Sagot naman ni Ace kaya naman napatango ako sa hiya at sinabi yung address ng apartment ko, takte nakakahiya ka Carmella Carter
"Hmm i see, malapit lang pala sa village ng---" Naputol ang kanyang sasabihin ng bigla syang sumeryoso at nagsimula ng mag maneho, ang weird ano nanaman ba problema neto?
Hindi naman kalayuan ang apartment ko sa jollibee na pinagkainan namin kaya naman nakarating na kami ng hindi tinatapos ang kanyang sinabi kanina, na c-curious tuloy ako pero nawala naman yon ng biglang may text si Kuya Sevy na nag a-ask ng proof kung nasa apartment ko talaga ako kaya habang naglalakad papasok ay nag send ako ng picture at sinend sa kanya pero putangina na like zone lang kaya naman pinasok ko nalang yung cellphone ko sa bulsa ko sa inis.
Nasa harap na ako ng pintuan ng apartment ko kaya naman naglabas na ako ng susi para sana mabuksan pero hindi pa man ako nakakatapak papasok ay may biglang nagtakip ng mata ko kaya naman agad akong nanlaban at tiningnan kung sino iyon ang kaso bago pa man ako makatingin ay may isang bagay na humampas sa ulo ko na naging dahilan ng pagkahilo pero hindi pa sila nakuntento doon at may tinurok pa sila sa akin, pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas kaya naman ay natumba ako pero sinubukan ko pa ring tumayo
"S-sino kayo??' Nanghihina kong tanong, i know na hindj sila bobo para sagutin ako pero lahat sila ay nakatayo at hinihintay akong mawalan ng malay kaya hindi na ako nanlaban pa at bumagsak nalang ang katawan ko
BINABASA MO ANG
The only girl in Section C
Teen FictionA girl name CARMELLA, sounds innocent right? Is she look Innocent too? YES SHE IS but who know what she can do..... Isang babae na hindi tinanggap ng iba't ibang klaseng paaralan. Pero dahil sa connection na meron siya ay nakapasok sa isang magaran...