When I am down

1 0 0
                                    

Text: Psalms 34:18
The LORD is close to the brokenhearted and saves those who are crushed in spirit.

There are times na parang restless ako, in and out. Restless ako to the point na sukong suko na 'ko. When I say suko na ako, para na akong nasa dead end. Parang gusto ko ng isuko ang lahat. I feel like there's nothing for me. Isusuko ko na lahat, pati ang sarili kong pamilya. Pati sarili ko. Many times na ganuon ang nararamdaman ko. Many times, sumusuko ako na hindi nag-iisip. I was too shattered. Broken. Durog na durog. May mga times po ba na ganuon din po kayo? Then, here is the message for us.

God said, "He'll never leave us.". Makikita po yan sa Bible, written in Hebrew Chapter 13 verse 5b. Ang Panginoon na po ang nagsabi nyan sa atin, still, we find it hard na maniwala. Kasi hindi ba, sa tagal-tagal, you are still experiencing those hardship. Parati mo pa ring naaalala ang mga nakapanakit sa kalooban mo. I still remember yung movie na " The Shack". Kwento yun ng isang ama na hindi mapatawad ang kanyang sarili dahil sa nangyari sa kanyang anak. At dahil din dun, hindi nya rin tuluyang malimot ang taong gumawa ng malagim na bagay sa kanyang anak. Parang ganun tayo. Akala natin, nakalimot na tayo. Akala natin, okay na tayo. But little did we know, we are just faking it. We are just hiding it at the back of our heads. Kaya tayo nadudurog. Kaya tayo parang nahihirapan na. At the more na nangyayari yun, the more na lumalayo ang puso natin sa Panginoon. Pero dun mas lumalapit ang Panginoong Diyos. Kaso, pilit tayong lumalayo o nilalayo ng mga alalahanin natin. Patuloy tayong binubulag ng ating mga nagawa nuon.

Mahal tayo ng Panginoon. Gusto Nyang Siya ang unang masasabihan natin ng ating mga alalahanin. Patuloy Nya tayong pinapasan sa mga pagkakataong hindi na nating kinakayang lumakad pa sa ating mga lakarin.

Kaya nga nasusulat sa Psalm, the LORD is close to the brokenhearted and saves those who are crushed in spirit. Kung tayo po lamang ay lalapit sa Kanya sa mga panahong tayo'y nilulugmok ng mga problema. Patuloy na tinatangay ng ating mga problema. Nariyan Siya upang pagaanin ang nararamdaman ng ating mga puso. Para bigyang kalinawan ang ating isipan. Ang Diyos po ay tunay na mapagmahal at tunay na kabutihan po natin ang Kanyang inaalala. Kaya kung anuman ang ating pinagdadaanan, kumapit lamang tayo sa ating Panginoon. Kumapit at magtiwala. Huwag tayong basta susuko. Kung pakiramdam po natin na tayo ay nanghihina, He's just a prayer away. And accept Him fully in your heart.

Have a blessed night!

❤😇Gracee

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Saved by GraceWhere stories live. Discover now