Chapter 1- The Hanky

11 0 0
                                    

"Maggie!" Tawag saken ng kung sino mang nilalang na tumatawag sakin. Nilingon ko sya pero hindi pa rin ako sure kung ako ba talaga yung tinatawag. Well Maggie ang pangalan ko, yun nga lang hindi lang ako ang nag iisang Maggie sa university na'to.

"Magdalene Elizabeth Payne." Sho*t. For sure ako nga yung tinatawag. Tae naman. Sino bang pwedeng tumawag saken dito. Wala naman akong maalala na taong nakakakilala saken. Depende na lang kung high school classmate ko yun. Pero imposible yun. Wala akong high school classmate na mag aaral dito.

Binilisan ko na lang yung paglalakad ko since first d... F***. First day, kaya pala andaming tao. May flag ceremony. Takte talaga. Tinuloy tuloy ko lang yung paglalakad ko. Nasa may kung saang part na ako ng university. For sure wala ng makakapansin sakin dito. Since then, wala naman talagang nakakilala sakin ee. Which is fine. Okay na okay!

"Awww!!!" Sh*t. May tao pala dito. Patay ako neto. Pagtingin ko sa likod ko may tao nga. Di ko napansing dumudugo pala yung kamay ko. Antanga tanga ko naman. Tae. Ano ba yan.?

Papalapit sakin si kuya.
Ngayon ko lang napansin. Si Gilbert Arch Dy pala to. Anong ginagawa ng ganitong nilalang sa ganitong lugar.

"Miss, okay ka lang ba. Your hand. Its bleeding." he said.

"Ahhh, yeah. Oo nga ee. Sige, I better go." Yes. As much as gusto ko magtagal sa lugar na to kasama ang magandang nilalang na to, hindi ko rin maatim na mag stay. Kailangan ko ng umakyat sa room ko. Ayokong maubusan ako ng upuan no. Natuto na ako. Dati medyo naluluha luha pa ako kapag pumapasok ako sa klase tas wala ng upuan para saken. The perks of being on a state U. Kapag hindi mo inagahan mauubusan ka!

Walking up to my room is a real challenge. 4th f*cking floor without a goddamn elevator. Grabe. Halos buong klase na yung nasa room. Daldalan to the max sila about vacations.

"Maggie!" tawag nung isa sa mga "kaibigan" ko daw??/!!! saken. Kumaway siya so I waved back. Since first day ngayon, for sure walang prof na papasok. O kaya naman may papasok pero aalis din agad. Mema lang kumbaga.

Narinig kong nagsisigawan sa labas ng room. If it wasnt my 4th year here I wouldnt know. Ayun, si Gilbert Arch Dy. Naglalakad papunta sa Office ng org namin. For sure freshies would drools kapag nakita siya. Well he looks hot lang naman. Kahit na nakasuot lang siya ng simpleng White shirt and denim jeans. He looks normal but different.

Bawat room na dinadaanan niya,nagsisigawan yung mga tao. Kahit siguro mga lalaki nababakla na sa kanya ee. Pagtapat nya sa room namin, biglang nagsigawan yung mga kaklse kong babae, well except me.

He's not exactly the perfect kind of guy type. He's just Gilbert Arch Dy. Im not bothered with his presence. Ilang taon ko na rin naman sya nakikita ee.

Nakaupo ako sa may pintuan ng room namin. Waiting for our prof. Wala kase ako masyado close sa room ee. Dati meron. But not until our summer class started.

Seryoso ako sa pakikinig kay Baby Ed Sheeran ng biglang may kumalabit sakin. Nakatingin lahat ng kaklse ko sa may pintuan. Akala mo mga nakakita ng anghel. OA sa pagka OA. If I know mag RTR lang tong kumakalabit sakin. And so hindi ko sya nilingon.

"Miss, pwede bang mag RTR sa inyo?" sabi nung kuyang kumakalabit sakin.

I hate RTR's as in room-to-room. Peace. Yun yung gusto ko habang naghihintay ng uwian.  But my blockmates dont think so.

"Yess!!!!!" Sigaw ng mga classmate ko. And with that said, dumaan sa may gilid ko si kuyang nangalabit and to my surprise, si Gilbert pala yun. Kaya naman pala maka Yess! tong mga kaklase ko OA. Tskk.

Since narinig ko na rin naman kung ano yung sasabihin nya I decided to put my earphone back on and listen to my baby Ed. (NP. Photograph by Ed Sheeran)

"Photograph"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Broken StringsWhere stories live. Discover now