"MEOW!" Masuyong hinaplos ni Milkshake ang kanyang mahahaba't mapuputing balahibo sa hita ng kanyang tagapangalagang tao habang nagmamaneho ito ng sasakyan. Tumugon naman ito sa pamamagitan ng paghaplos nito sa kanyang balahibo.
"We're almost there, Milkshake," may kinuha itong isang Tupperware mula sa harapang compartment ng sasakyan. Binuksan nito iyon at iniabot sa kanya. "Here, eat this para hindi ka maglililikot."
"Meow!" sinunggaban naman niya ang inalok nitong pagkain na kung tawagin ng kanyang tao ay filet mignon o karne ng baka na hiniwa ng maninipis. Ito ang nakasanayan niyang pagkain simula noong siya'y isang lumalaking kuting. Ito rin ang isang bagay na nagpapatino ng kanyang sistema. Persian cat ang tawag kay Milkshake. Isang lahi ng pusa na nagtataglay ng mahahabang balahibo at bilugang mukha.
Kanina bago sila umalis ng mansyon ay nasabi ng kanyang tao na may pupuntahan silang kasiyahan, na sa tingin niya ay gaya rin ng mga kasiyahan na madalas nilang puntahan. At hindi nga siya nagkamali, nang makarating sila sa isang malaki't maliwanag na hardin ay nakita niya ang mga taong may karga-kargang iba't-ibang lahi ng pusa. Narito na naman sila upang ipamalas ang kanilang karangyaan. Bumaba ang kanyang tao at tumungo sa likurang bahagi ng sasakyan. Kinuha nito ang kanyang pinasadyang mini-Rolls Royce Corniche–pinaliit na bersyon na sasakyan ng kanyang tao–na para lamang sa kanya.
"Here, kitty kitty! Hop on!" magiliw na tumalon siya sa maliit na sasakyan at pumuwesto sa mapanghalinang paraan. Agad naman itong nakatawag-pansin sa mga taong naroroon.
"Finally, the fanciest cat of the night is here," wika ng isang taong may mahabang damit. Nakipag beso-beso muna ito sa kanyang tao bago dumako sa kanya.
"Aren't you the cutest thing?"
"Oops! No touch, Audrey. Maselan si Milkshake," pigil ng kanyang tao rito nang akma siya nitong hawakan.
"Come on, Margaux. It's as if I have germs or something. Now come here you little furry fella," bago pa man siya makuha nito ay bumaba na siya sa kanyang behikulo at lumayo rito. Narinig niyang humagikgik si Margaux at nakitang nakanganga ang inabandunang taong nagngangalang "Audrey" nang lingunin niya ang mga ito.
"Meow!"
KASALUKUYANG kumakain si Milkshake gamit ang kanyang personal golden platter nang lapitan siya ng ibang pusa. Malaya silang nakakapaglakad sa hardin na wala ang kani-kanilang mga tao. Batid niyang ang nagaganap na kasiyahan ay ekslusibo lang para sa mga pusang aristocrat na gaya nila.
"Wala ka nang ibang ginawa kundi ang kumain, Milkshake," puna sa kanya ng pusang Siamese. "Impatso ang kahahantungan mo niyan."
"Don't worry, I have plenty of space inside this thick furry stomach of mine. Hindi ako kaagad maiimpatso."
"Ganyan din ang sinabi ni Gaston noong nakaraang taon pero tingnan mo ngayon, hindi siya nakapunta dahil sa sobrang bigat ng katawan," singit ng isang maliit na pusa habang dinidilian ang sariling balahibo.
"Nandito kaya siya," pagtatama niya sabay nguso sa isang matabang British Shorthair na pusang nakaratay sa basket na nababalutan ng puting tela. "Hindi nga lang siya makatayo."
"So hihintayin mo pa bang maging ganyan?"
"No."
"Then stop eating too much!" sabay pang bigkas ng mga ito.
"Hindi pa naman ako gano'n kalaki, ah! 'Tsaka anong magagawa ko? Eh, sa hinahatiran ako ng tao ko ng iba't-ibang pagkain. Sino ba naman ako para tumanggi?"
BINABASA MO ANG
Spoiled Milkshake (A Hi5InBooklat Contest Entry)
Fantasi3rd and last entry for the contest inspired from the song "Ain't it Fun" by Paramore. Balak ko rin siyang i-extend :)