(A/N: Post Valentine Update. Sahree naman po medyo busy ang peg XDD
Ginawa ko ito kapiling ang mga korning kanta. HAHAHAHA Special Mention: Yakap sa Dilim XDD)
(PS: Ramdam nyo ba ang bitterness ni Author last Chapter? HAHAHAHAHAHA. Ako rin eh. HAHA. Ganon talaga pag </3 )
Masakit na masakit ang ulo ni Alia nang magising sya. Pakiramdam nya ay binibiyak at binabarena ang bungo nya ng sabay. Pumikit sya ng mariin upang mabawasan ng kaunti ang sakit na kanyang nararamdaman.
“Aargh.. Ang sakit sakit sakit sakit sakit naman ng ulo ko. Bakit kaya?”
Agad agad syang napadilat ng mata at pinagmasdan ang paligid nya habang kinakapa ang katawan nya ng maalala nya na nawalan nga pala sya ng malay sa bisig ng estrangherong lalaki dahil sa sobrang kalasingan. Nakahinga naman sya ng maluwag nang mapagtanto nyang nasa kanyang sariling silid sya. Teka? Paano naman kaya nangyari yun? Agad agad syang tumayo at lumabas ng silid nya upang magtanong sa mga kasambahay nila. Nagulat pa sya dahil pagpunta nyang kitchen ay nadoon ang Mommy nya at parang may inaantay ito. She flashed a smile and greeted her Mom.
“Good Morning Mom”
Ngunit nagulat sya dahil matalim ang pagkakatingin nito sa kanya.
“Kelan ka pa natutong uminom? IInom inom ka di mo naman pala kaya! Mabuti na lang at mabuting bata si Kirby. Paano na lang kung iba ang nakakita sa iyo nang mawalan ka ng malay? Sa tingin mo anong mangyayari sa’yo ha?.....”
Madami pang sinabi ang Mommy nya na panenermon sa kanya pero lumabas pasok lamang iyon sa tenga nya dahil nag focus na lamang ang utak nya sa isang pangugusap na sinabi ng Mommy nya.
“Mabuti na lang at mabuting bata si Kirby. “ Like oww Ehm Gee! So sweet talaga ng ISI ko.
“Alia, nakikinig ka ba?” putol ng kanyang ina sa pagmumuni muni nya.
“Yes, Mom. Sige po maghahanda na akong pumasok.” Pigil-kilig nyang sabi sa Mommy nya, na e excite syang Makita ang ISI nya.
“Nasubukan mo na bang tumingin sa orasan, Alia? It’s already 11:45 AM. Hindi ka na makakapasok.”
Agad nyang tinignan ang orasan at agad na nalungkot nang mapagtantong din a nga sya makakapasok. First time nyang makatulog ng ganun katagal, kahit naman kasi mayaman sila ay hindi siya sinanay ng parents nya na gumising ng masyadong late. Hay, anu ba yan? Sayang naman di pala kami magkikita ni Kirby ngayon.
“Don’t worry tumawag na ako sa school nyo at sinabi kong may sakit ka. Pero ayoko nang maulit ito Alia, nagkakaintindihan ba tayo?”
Tumango na lamang sya bilang pagtugon sa sinabi ng Mommy nya.
“Alright, fix yourself mag la lunch na tayo.” Bumuntong hininga na lamang sya at malungkot na umakyat sa kwarto nya.
Nagsusuklay na sya ng buhok nang mapadako ang tingin nya sa kalendaryo na nakapatong sa harap ng Vanity Mirror nya. Shucks. February 13 na pala ngayon, Valentine’s day na pala bukas! Agad naman syang napangiti nang may mabuong plano sa utak nyang oh-so-great. Okay lang din palang hindi sya nakapasok sa araw na yun.
***********************************************************************************************************
Trace gritted his teeth while looking at his friends, napasipol si Conradd habang si Kirby naman ay hindi na maipinta ang mukha nang mabungaran nila ang regalo na nakapangalan kay Kirby sa locker area.
“Ayos 'tol ah. Complete package na” iiling iling na sabi ni Conradd kay Kirby habang iniispeksyon ang regalong natanggap ng huli mula sa secret admirer nito. “May flowers, may maliit na bear, may M&M’s at may Love letter pang kasama. Lemme guess that’s from æ, right? Mukhang seryosong seryoso sya sa panliligaw sa’yo ah.”
BINABASA MO ANG
Vulgar, Lies and Everything Wise
Lãng mạnMeeting you was fate, becoming your friend was a choice, but falling in love with you was beyond my control. Si Alia ang tipo ng taong nagpapagaga pagdating sa pag-ibig lalo na sa kanyang sinisintang pururot nanagngangalang Kirby. For her, Kirby Ant...