Ang Yugto sa Buhay ni Trisha

9.5K 66 16
                                    

Paalala sa mga mambabasa

Ang akdang ito ay nagmula sa malikot na imahinasyon ng manunulat, ngayon palang ay binabalaan na ang mambabasa na ang akdang inyong babasahin ay nagtataglay ng tema at ilang mga salita na hindi angkop sa mga bata o sa mga taong hindi sanay sa reyalidad at may bukas na isipan para sa iba pang mga ideolohiya at pamantayan na nakakalat sa lipunan. Inilahad ng may-akda ang mga senaryo sa kwento sa pinakamabulaklak at maingat na daloy upang hindi negatibo ang maging dating nito sa mambabasa at maiwasang maging 'explicit.'

Hinabi ang akdang ito sa mahabang panahon at naipakita na rin sa iba't ibang mga tao gaya ng, nagkamit ito ng mahigit sa Ninety Thousand reads, at mahigit sa 350 na mga boto. (A/N: Iyon po ay bago ni-delete ng wattpad ang kwento kong 'yon na hindi ko alam kung bakit.)

Muli, ang dalawang maikling kwento na ihahain sa inyo ay hindi tulad ng inyong inaasahang mas magaang basahin, at binabalaan na maaari itong makasagsaga ng inyong mga paniniwala sa buhay, pauna na ang aking paunawa para sa lahat. Ginawa ito hindi upang maging isang kwento, kundi magkwento ng isang akdang makabuluhan at tumatalakay sa isyong pilit na tinatalikuran ng lipunang sila mismo ang humubog.

Ang Simula

Lumapat nang marahan ang dila ng brutsa—sa pisngiko, pilit na ikinukubli ang aking identidad mula sa orihinal na ako. Nagkukulayrosas ang pisngi ko dahil sa foundation, ito ang kailangan ko, kasama ng ilangconcealing nang sa gayon ay mapagtakpan ang mapait kong karanasan na syanghumubog sa akin na maging malakas at lumaban sa buhay sa mga hamon ng buhay.

Sumunod na humalik sa aking labi ang fuchsia lipstick, mga labing animo'y sinampal ng isang libo't kahihiyan ng atswete--ang isa sa mga puhunan ko. Ang sandata ko sa pakikipagtunggali sa kahihiyan. Kaharap ang aking sarili sa bilog na salamin at nalilibutan ng malalamlam na mga ilaw-dagitab at tahimik na nagmamasid sa akin. Inihanda ko ang sarili upang pumasok muli sa trabahong umakay sa akin paalis mula sa putikan. Ang nagturo sa akin sa landas na kung saan ang pilosopiya sa buhay ay dapat malawak, marikit at mapagpalaya.

Sa mundo, ang pagsuko at pagkatalo ay wala sa aming bokabularyo.

Ako si Trisha, dise-nuebe años. Walang mga magulang. Ang sabi ng mga nakakaalam, basta na lamang umano nila akong iniwan sa harap ng simbahan.

Kinupkop ako at lumaki sa kumbento hanggang sa mag-trese años. Mahirap ang maging batang simbahan, kalkulado ang bawat kilos, tugma dapat pananamit sa turo simbahan at ultimo ang pananalita higit lalo sa aming mga babae ay bantay-sarado. Kailangan naming isabuhay at sundin ang naging buhay ng karakter ni Maria Clara (mula sa Noli at El Fili ni Gat. Rizal)na hindi makabasag pinggan.

Katorse naman nang may umampon sa akin. Akala ko noong una ay maggiging maganda na ang takbo ng buhay ko. May pamilya. Subalit nagkamali ako nang akala. Siyanga: marami ang namamatay sa maling akala. Dahil ang akala kong mag-aaruga sa akin ay ang taong nagbinyag sa aking pagkadalaga. Wala syang patawad umaga hanggang gabi kung gapangin ako.

Sa mundong inakala ko ay maluwalhati't dalisay na puro mabuting pangaral, may itim palang nagkukubli kung hindi man sa apat na sulok ng lipunan ay sa puso ng bawat indibidwal nagbabalat kayo, na panaka-naka ay hinahabi ng mga taong may alibughang salat na asal.

Sa pamamagitan ng tibay ng loob at tatag ng damdamin, nagawa kong makatakas sa kamay ni G. Baltimore, hindi ko na matiis ang kanyang kamanyakan. Hindi ko sya makalilimutan sapagkat sya ang sumira sa aking puri't dignidad na hindi ko alam kung paano at sa anong dahilan ay marapat na panghandog sa magiging kabiyak pagdating ng araw.

Naging palaboy ako. Napadpad sa Quiapo. Ginalaw ng marami at natutong sumingot ng hindi ko mawaring amoy na nakapaloob sa isang supot, subalit isa lamang ang nararamdaman ko tuwing sumisingot nito, kaligayahang lagpas pa hanggang rurok ng aking pagnanasa.

TrishaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon