1.

8 1 0
                                    

"Wala, ewan ko bat ako tinatanong mo?" Kasalukuyan akong nakikipagtalo sa nobyo kong si Christian ang kulit e, saakin ba naman itanong kung saan yung charger nya e kakalabas ko palang galing banyo.
"Hindi pwedeng wala yun, ssob e. Tamang tama pagpasok mo sa banyo nawala yung charger ko! Alam mo bang limited edition yon?"Hangos nito at tila'y di mapakali sa paghahanap ng charger nya "Ano bang limited edition sa charger mo ha? e kung tutuusin pwede naman tayong bumili bukas at luma na rin naman yon!" anas ko nang muntik nya ng baliktarin ang kama.

 "May autograph yon ni Nayeon Okay! ni NAYEON babe ni NAYEON! may autograph yun ng asawa ko!"  sabat nya saakin at talagang tinawag nyang asawa si Nayeon? what the hell does that make me? his fucking mistress? buti talaga at tinago ko yung charger! "Ahhh asawa mo? so ano ako kabit mo? ha Christian? kabit mo ako ganon?" Naiinis kong turan sa nagpapacute nitong mukha "Babe hindi naman po sa ganon, ang saakin lang ay paki balik na nung charger ko kung hindi talagang magtatampo ako sayo, please?"  at talagang nag papacute pa? agad kong kinuha ang charger sa cabinet ko, "Ayan! linisin mo ang kwarto ha! ang kalat" saad ko at lumabas na ng silid

Hayy buhay, nakakainis alam ko namang mas maganda si nayeon, like duh? naulol din ako dun pero nakakaselos kasi wala lang trip ko lang, pinagmasdan ko lang ito nung lamabas siya sa kwarto ngiting ngiti pa, hmp! "Ngiti ngiti mo jan?" inis kong sabi.

"Wala naman, narealize ko lang na nagseselos ka pala sa isang taong malabo ko namang maabot"  saad nito na para bang nang aasar, "Malabo mo ngang maabot pero kung angkinin mo bilang asawa mo wagas" Inirapan ko ito  "Eto naman si selosa, sorry na kiss nalang kita as a friend" sabi nito "Ano? as a friend? mukha mo!" saad ko rito mapag asar talaga naiinis na nga e , ngumuso ito na tila ba ay nag pipigil ng tawa ang tukmol  "Sorry na po" pagsusumamo nito "Letche!" sigaw ko rito.

"Adi? mag skin care na tayo? sorry na" nakanguso parin ito, ewan ko bah? ang hirap tanggihan ng lalaking toh, porket mahal e nangaabuso! "Sige na nga tara na!" ngumisi ito na para bang nanalo sa lotto, pamasok na kami ng banyo at talagang nauna pa siyang kumuha ng headband! anak ng! "Adi! Akin yan!" alma ko ng kuhanin nya beige na headband sa cupboard "For now it's mine. Please, Love?" saad nito na parang nag p-puppy eyes pa "Ok fine po" kinuha ko nalang ang headband na black at isunuot ito, at inunahan na naman ako ng kumag sa sabon lintek na!

"Sorry po" saad nito at binasa ko na lamang ang mukha ko, at nang bumangon ang ulo ko agad naman nitong sinabunan ang mukha ko "As an apology, My love" sabi nito at pinatuloy ang pagsabon sa mukha ko, I'm staring at him with a blank face but seriously I'm itching in the inside, gusto ko siyang halikan "Stop staring" saad nito "Edi san mo ako gustong tumingin? e hawak hawak mo ang mukha kong tukmol ka!" nginitian lang ako nito at binitawan nya na ang mukha ko at sya namang nag sabon rin, nagbanlaw na ako ng mukha at ganon din sya, laking gulat ko na naman ng inunahan nya akong kumuha ng isa pang sabon at sinabunan naman ang mukha ko, hinayaan ko nalang sya kasi mukha namang nag eenjoy itong paglaruan ang mukha ko.
"Ang ganda mo"ang random naman neto 

"Ang random mo tol, nakakawala ka ng angas, gago"  tumawa lamang ito at nag sabon rin ng mukha nag banlaw ako ulit at ganon din sya at ilang beses ko narin siyang namumura sa utak ko kasi palagi nya nalang inaagaw saakin ang mga gusto kong kunin, "Let me put it on you" saad nito, hindi ako kinikilig beh like NO.

"Dahan dahan naman beh, may galit yan?" saad ko pero ang light lang nag p-pahid ng sa mukha ko para bang baby ako kung ituring "Sorry, masakit bah?" nagpapanic nitong tugon "Char lang! eto naman" sabat ko at nagbago ang mood ni mayor " Don't joke like that" napangusong sabat nito " Akala ko, I was too harsh sa skin mo" saad nito ng matapos "Joke lang po, halika't ako ang maglalagay ng mask sayo" 

Pinahiran ko na ang kanyang mukha ng peel off mask at titig na titig lang ito saakin. "Stop staring, Adi" saad ko "Why not?" tugon naman nito "It's making me fall deeper stop" banat ko " It's ok, I like it that way, sasaluhin din naman kita"  tugon nito sa banat ko, Iba din ang kamandag ng tukmol natoh haaa "I love you" gulat pa ito sa sinabi ko "I love you more Miss, Maam."  animo'y kinikilig nitong turan.

We got out of the bathroom to dry our peeling mask off, We went inside the kitchen because we planned of watching some random Netflix movie "Adi." tawag nito saakin "Yes po?" sabat ko rito at lumapit kasi sinenyasan ako ng kumag gamit ng kanyang mga daliri "Kreasha, wala akong maisip na lutuin"  nakangusong sabat nito at di ko na mapigilan ang sarili kong ubods ng landi at mabilisan itong hinalikan at siya namang kinagulat nito.

" Sorry nadulas" ang tanging rason ko at pinalagpas niya eto ngunit bakas sa mukha ang mapang asar na ngit nito, "So miss taga- pagnakaw ng halik, anong gusto mong lutuin?"  nakangusong sabat nito at iniyuko ang katawan upang mapantayan ako " I don't know" napanguso rin ako sa thought na kinailangan nya pang iyuko ang katawan para lang mapantayan ako, ganon na ba ako kapandak?

OO BEH

sagot ng bastos kong utak, oo na pandak na atleast gwapo ang na dekwat, ang cute cute talaga ng lalaking toh di talaga ako mag sasawa, mag ka bagyo man . "I love you" I randomly uttered, he smiled and replied with a fast kiss kasi kung tatagalan niya ito ay baka mag dikit ang mukha namin nang dahil sa peel off mask.  " I love you more, later na ang kiss na mahaba dahil baka pagalitan mo nanaman ako kasi madidikit ang mukha natin tas aawayin mo na naman ako" reklamo nito

Natuyo na ang mga mask at bumalik na kami sa cr and we bothed peeled each others mask "Ahh, Babe ansakit " magngiyak ngiyak nitong anas habang tinatanggal ko ang mask sa mukha nya "W-wait lang, s-sorry na" sa sobrang pigil ko ng tawa ko ay nauutal na ako, bakit naman kasi hindi eh halos araw araw na naming routine toh pero naiiyak parin sya sa tuwing peel off mask na ang usapan AHAHAHAHAHAH "I love you" I sweetly said as I pulled a big portion of the mask " Aray ko! Babee naman!" sigaw ulit nito 

"Sorry na konti nalang." I genlty  pulled the end and pulled it harshly because if I pull it gently he would probably cry more so I had no choice "I love you" I said again "Hindi moko mahal sinasaktan mo ako" nag iinarteng saad nito "Sorry na" I wiped his face with the wetted  face towel "I'm sorry" namumula ang pisngi nito sa sakit "I'm so sorry" paulit ulit kong turan dahil naiiyak na ito "I love you"  "I love you" parang batang nagtatampong sabat nito sa I love you ko "I smiled and applied some sleeping collagen mask sa mukha nito, I made sure I applied it gently kasi alam kong mahapdi pa ito.

After, I applied the sleeping mask and dried it off his face, he hugged my waist. " Ang hapdi parin, Adi. kahit pa araw-araw nating gawin to mahapdi parin paano mo nakakayanan toh?" lumuhod ako para mapantayan ito dahil naka upo sya, ginawaran ko ito ng halik at siya naman tinugon nito. "I love you, My dearest Tinatangi"

Kinaumagahan ay nagising ako nang dahil sa lakas ng hilik ng hinayupak! ano ba yan! I'm used to his snores okay but for me this is too much, I haven't got a good sleep last night because of him. He cutely sulked and did some stunt e but it was a fun night.

"Adi." I called to wake him up, but he did not move, ano ba yan! I kissed his cheeks and got up, I have no choice kasi, I'll make breakfast nalang for us. 

  Kumuha na ako ng mga sangkap ng mga gusto kong lutuin.  Garlic, onions for the sinangag.  Eggs, green onions,  and some cheese, pero para lang saakin since hindi naman masyado nag c-cheese si Christian not unless sa desert mo ilagay.  I took some hotdogs sa fridge.

I started cooking our meal na kasi baka maging grumpy si Adi pag baba kasi wala ako sa tabi nya pagkagising nya, I started making gisa ng bawang at onions  and sinunod ko narin yung kanin  and I sprinkled a pinch of salt and pepper at hinalo na ito,  sa kabilang pan naman I started cooking the omellette.

While I was coking the omellette I felt a pair of hands encircling my waist and someone sniffing my neck. "Are you almost done, Love?" He uttered huskily "Almost done, hotdogs nalang" I answered "Okay" He answered still smelling my neck "Adi, It tickles" I chuckled and he pushed his face deeper unto my neck and only answered me with his deep chuckle, Wala nakong nagawa at hinayaan ko nalang sya sa pwesto na gusto nya.

Tapos ko ng lutuin lahat ng dapat lutuin at inutusan ko itong mag handa na ng mga plates sa kitchen table, we don't usually eat sa dining table kasi maarte ako ang laki ng mesa dalawa lang naman kami sa bahay, I mentally rolled my eyes with the thought.

"Let's eat na!" I said and he smiled in response, then we started eating.

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Ok next chapter! Pag di na ulit busy haha <333

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A NOT so true &quot;Love Story&quot;Where stories live. Discover now