Date ba 'to?
Natanong ko sa sarili ng makarating kami sa Roxas Night Market. Ipinarada ni Evan ang motor sa gilid ng Ateneo. Hawak n'ya ako sa may siko ng tumawid kami para sa pila papasok.
Medyo mataas ang pila sa loob. Kadalasan mga magbabarkada ang nandito. Medyo mabilis lang naman ang usad, ang higpit kasi ng security kaya ganoon.
Ang dami n'yang kasamahan sa serbisyo ang nakapalibot sa lugar. May mga sundalo rin.
Bago pa nga kami nakarating sa entrance ang dami ng bumati sa kanya. Pagkatapos bumati sa kanya napapalingon sa'kin. Tinataasan ko lang kilay.
"Anong ibig sabihin 'nito, Pre? Handa ka na bang sumuko sa batas?"
Isa sa mga kasamahan n'ya.
"Hindi sa batas s'ya susuko kundi kay Ramirez mismo!" sabi naman ng isa, ang tinutukoy ay si Kuya.
"Gago, sinamahan ko lang." nakangiting tanggi ni Evan.
"Sige bro, hindi kami na niniwala."
"Okay lang 'yan Mazarriegos, walang makakarating kay Ramirez!"
I rolles my eyes until we reach the entrance. May pulis din kaming nakita doon.
Nakangising aso 'itong sumalubong kay Evan. Mabuti naman hindi naantala ang pila dahil sa daming bumati at kumausap sa kanya.
"Pamilyar 'yan bro ah!"
Lumapit talaga ito sa'min. Tiningnan ako tapos nagdududang tumingin sa'kin.
Umirap ako.
"Pambihira ito 'yong kapatid ni James na patay na patay sa'yo ah? Ms. Ramirez sa wakas napa-oo mo na rin 'tong parekoy namin?"
Umakbay pa ito kay Evan. Agad naman itong tinulak ni Evan tapos hinila ako sa tabi n'ya.
Ang daming asungot sa daan.
"Isa ka pa, sinaham ko lang nga. Pasok na kami."
Hinila na ako ni Evan. At least sa loob wala ng pulis kaya malaya kaming nakapaglibot. Ang daming pagkain sa loob.
"Anong gusto mong kainin?"
Naghahanap ako ng gusto kong kainin. Ang dami kasing stall the pwede kainan. Kaso medyo masikip sa dami ng tao.
"Barbeque?" tanong n'ya.
"Sige barbeque muna tayo tapos ice cream!"
I was so excited. Ang tagal ko ng 'di napapapunta 'diti dahil mga two years din itong hindi binubuksan. Bumili s'ya ibat-ibang ulam. Nagtuturo kasi ako kanina, may manok, hotdog, isaw at iba pa. Lahat 'ata ng tinuro ko kinuha n'ya.
"Chief, mga ten minutes tapos na'to." sabi ng binatilyong nagluluto ng barbeque.
Tango lang ang sinagot ni Evan. Dahil siksikan madalas tuloy ako nababangga. Ako naman si lampa halos matumba. Medyo sumiksik ako sa tabi n'ya.
Ilang siko at balikat na 'yong tumama sa'kin ah.
"Aray ko naman! Parang mga bulag ah, may tao 'dito oh!" I snorted silently.
Hindi naman ako pwedeng pumalag talaga. Natural lang 'to sa dami ng tao.
I saw Evan's eyes darted on me. His eyes were questioning what happen. When he realized it, he instantly position me in front of him.
My lips formed an O after I was place in front and his chest was on my back. The place smells food but I can only inhaled his acent. We're too close, I can't help to bit my lips. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Nakaw Na Pagsinta [COMPLETED]
RomanceHindi ko akalain na ang nakaw na pagtingin na 'yon ay siyang totoong pag-ibig ko. Evan x Paige