Takot

127 1 0
                                    

.
.
.

Si Jonathan ay isang freelance writer. Siya yung tipo na walang direktang pinagtatrabahuhan. Pagkatapos niyang magsulat, saka siya maghahanap ng bibili ng kwento niya para i-publish sa publiko. Nagsusulat din siya sa wattpad minsan, mga one-shots lang at short stories kasi wala siya masyadong oras para igugol sa ibang mga kwento.

Horror at mystery ang genre ni Jonathan. Meron na siyang tatlong published na libro (Nightmare in a Dream, Death in Kalye Masilang, at Maria Santa Clara: Anghel ng Kamatayan) na binebenta na sa mga bookstores. Hindi masyadong mabili ang mga libro niya, at hindi siya kilalang manunulat, pero kumikita pa rin siya kahit papaano.

24-anyos na siya - 16 siya nang unang sumulat ng mga nobelita at ng isang nobela (Dugo sa Tulay) na limot niya na kung saan niya itinago, at 21 nang subuking maging freelance writer nang makapagtapos ng kursong BS-Mathematics - at nanunuluyan sa isang maliit na apartment type na boarding house sa likod ng eskwelahan. Pinili niya yung lugar kasi tahimik sa umaga - nasa eskwelahan na ang mga estudyanteng nagboboard - at ganun din sa gabi - gumagawa ng mga assignments o projects yung mga estudyante, o kaya tulog na sa mga kwarto nila. Tamang tama ang ganito kasi mas nakakapag-concentrate siya kapag tahimik.

Madilim sa kwarto niya kahit umaga, kasi nilagyan niya ng itim na kurtina ang bintana na nasa likod ng kama niya. Maliit lang din ito, sapat para lang sa kaniya, tutal hindi naman siya magalaw at mas gusto niyang hindi maluwang ang kwarto, dahil mas mahirap daw mag isip pag malaki ang space. Buong araw siyang nasa loob ng kwarto niya at nagta-type sa laptop niya ng kwentong nakatakda niyang ibenta sa mga publishers pagkatapos.

Lumalabas lang siya kung kakain, o kung maliligo siya sa CR na nasa kanan ng kwarto niya. Ito lang ang hindi niya gusto sa kwarto niya dahil, rinig na rinig niya ang buhos ng tubig pag may naliligo (madalas sa umaga at gabi) at rinig niya rin kapag may nag-uusap sa labas ng CR, pero hindi naman madalas na may ganito.

Wala rin naman kasi siyang pagpipilian dahil may mga gumagamit na ng ibang kwarto, at yung ibang wala naman, merong mga bagay siyang napupunang ayaw niya (kwartong nasa gitna ng ibang mga rooms, nakaharap sa kalsada ang bintana, katapat ng pinto ang hagdan) kaya mas pinili niya nalang yung kwarto sa tabi ng CR dahil ito yung pinakadulo ng mga rooms, at hindi naman palaging may gumagamit ng CR kaya hindi siya palaging madi-distract.

Mula pagkabata, hilig na ni Jonathan ang pagbabasa ng mga horror stories sa mga pocket books at pakikinig sa radyo ng mga programang pangkatatakutan gaya ng Gabi ng Lagim. Kahit palagi siyang nakikinig, o nagbabasa ng mga nakakatakot, hindi niya pa naranasang bangungutin, o matakot ng husto.

Hindi naman kasi totoo, lagi niyang sinasabi pagkatapos sabihing hindi, kapag tinatanong siya kung natatakot ba siya kapag nagbabasa ng horror. Nang mauso ang mga nakakatakot na palabas sa TV, taas noo niyang sinasabing hindi siya natakot, ni katiting man, sa mga kasama niyang nanginginig o naiiyak na sa takot.

Naisip niyang biyaya ang ganoong bagay, na hindi madaling makaramdam ng takot dahil mas nagiging matatag ang utak niyang harapin ang mga bagay-bagay. Naranasan din naman niyang matakot, isang beses, nang atakihin sa puso ang tatay niya, at siya lang ang tao sa bahay. Takot na takot siya dahil hindi niya alam ang gagawin. Mabuti nalang at naisip niyang humingi ng tulong sa mga kapit-bahay pagkapatapos mataranta. Pero yun na ang huling pagkakataong natakot siya ng totoo.

Pagdating niya ng high school, nagsimula siyang matutong magsulat ng nga nakakatakot na kwento. Ipinapabasa niya ang mga gawa niya sa mga kaklase niya, at tuwang-tuwa naman siya kapag nakikitang natatakot sila. Isang malaking achievement para sa kanya ang makapang-takot. Pero kahit siya, hindi niya magawang matakot ang sarili niya. Wala siyang imahinasyong sumapat para pabilisin ang tibok ng puso niya.

Takot (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon