Mabilis na tatlong araw ang lumipas, tuwing papasok ako ay tahimik lang ako sa klase.
During my review, during my exam, during my recitations. Lahat nalang ay hindi pwedeng hindi niya masasagi ang isipan ko. Hindi pwedeng hindi ko siya naaalala sa isang araw, kahit nga isang minuto ay hindi ako hinahayaan ng isip ko.
"Nakakabwisit din 'yang si Xevier, e noh? Akalain mo 'yon! ikakasal pala pero nag-pakita ng motibo, asus!" Palatak ni Jea sabay kagat sa mansanas niya.
"Dapat sa mga ganiyan iphase-out na!" Si Raizen.
Napailing ako sa kanila, "Mga sira."
Pati sila ay natawa.
"Basta pokpok kahit anong mangyari lagi mo lang tandaan na nandito kami!" Ani Jea at niyakap nila akong dalawa.
"Lagi 'yan sis!"
"Napangiti ako sa dalawa, totoo ngang kapag tunay na kaibigan, kahit anong mangyari nandiyan 'yan.
"Since natapos na ang exam natin, tara club?" Nagkatingin pa kaming tatlo dahil sa plano ni Raizen.
"CHEERS!" Tumunog ang aming mga shot glass kasabay ng malakas na tugtog, nakaupo kami sa sofa at nakapatong naman ang mga alak sa table namin.
Napangiwi pa ako nang gumuhit ang bahagyang pait nito sa lalamunan ko.
"Mahinang nilalang! nakangiwi! hahahahaha!!!!!" Halagak na tawa ni Jea kaya pati si Raizen ay nakitawa.
Inirapan ko sila, "Sana saktan din kayo ng mga magiging jowa niyo."
"Ulul! kayo nga walang label pero nasasaktan ka! asan ang karapatan, beh!" May tama na 'tong si Raizen dahil kanina pa sila nag-sisimula. Hindi ako hinintay ng mga loka!
Nakasuot lang ako ng fitted dress, kulay gray ito at black high heels. Naka-kulot lang ang buhok kong hanggang bewang. Nag-lagay na din ako ng make-up para naman hindi ako mag-mukhang pale sa kaputian ko.
"Sexy ohhh!" Ukit ni Jea sa katawan ko gamit ang dalawa niyang kamay at napasandal sa sofa habang tumatawa.
Muli akong nag-salin ng black label sa baso ko.
"Shet!! buti pa yung alak may label!"
Halos mabuga ko ang alak dahil sa sinabi ni Raizen, epal!
Naubos na namin 'yong isang bite at 'yung pangalawang black label ay napangalahati na namin.
"Shot para sa mga single!!" Ang lakas ng mga bunganga, ang babaho ng hininga!
Malakas ang music kaya obligadong mag sigawan kami para magkarinigan.
Ngayon lang naman 'to ulit, bukas wala na-
"Yuck kadiri putangina!" Diring-diri na sabi ni Jea matapos kong masuka sa sahig.
Shit! hindi ko napigilan, nakakahiya!
Nahihilo na din ako, dahil na din siguro sa kanina pa ako nag-iisip kaya mabilis akong tinamaan ng alak.
Nang maramdaman kong may kasunod ulit ay napa-takip na ako sa aking bibig at dumiretso sa cr ng mga babae, dire-diretso lang ako hanggang sa nakarating na ako sa isang cubicle at walang mano-manong sumuka doon.
Ang pait!
Sa sobrang hilo ko ay napatid ako at nag tuloy-tuloy ako sa pag abante kaya napahawak ako sa sink.
Hand sensor iyong gripo kaya itinapat ko lang ang kamay ko at nag-mumog. Naisandal ko ang dalawang kamay ko sa tiles ng sink at nag-simula humikbi.
Hindi ko mapigilan, mabuti nalang ay mag-isa ako ngayon dito sa cr. Kahit ako mismo ay baliw ang tingin sa sarili ko ngayon! Parang akong bata na aping-api!
BINABASA MO ANG
You Can't Just Buy Love (MMxMB) - JX Series #1
RomanceJX Series #1 Love is a pain and misery. Totoo iyon at pinatunayan nina John Xevier Mirvalles at Kracielle Acedre. Hindi man naging maganda ang simula ng nararamdaman nila para sa isa't-isa pero may kasabihan na... Kapag may tiyaga, may nilaga. Ano k...