(AMIAH'S)
Nalintikan na napasarap ako sa tulog!! Ilang minuto nalang malalate na'ko! At ngayon pa'ko hindi agad nakasakay jusko naman walang humihinto!
"Kuya pasakay!" Aishhh! Ba't ba ayaw nilang magpasakay?!
Ano maglalakad ba'ko? Tangvna naman talaga oo ba't ngayon pa?!! Nagpapadyak pa'ko eh nakatakong pala ako stupida Amiah! Ang sakit tuloy ng talampakan ko tapos maglalakad pa'ko?!
Tangvnang umaga naman talaga, pero buti nalang at di pa masiyadong mainit kaya, kaya pa'to baka may magpasakay na maya maya.
Kung alam ko lang na gan'to ang aabutin ko sana nag sapatos nalang ako, katamad naman na bumalik sa bahay at mas matatagalan pa'ko kung babalik ako!
Sana may magpasakay na ayaw na ayaw ko talaga na ma late, at sa tinagal ko na sa trabaho ngayon lang as in ngayon lang ako malalate!
"Ba't ngayon pa'ko minalas? Lord bakit p-"
*Beeeppp
Muntik na'kong mapatalon sa gulat ng may bumusinang sasakyan sa likoran ko, akala ko mabubunggo ako!
Marahas akong lumingon sa likod at nilapitan ang sasakyan, tapos kinatok ko ang bintana.
"Ano bang proble- Sir Gael?!" Jusko naman boss ko pala! M-muntik ko nang masigawan ang amo ko!
"S-sorry po." Hinging tawad ko at yumuko, tangvnang kahihiyan naman to.
"Hop in." Napatingin naman agad ako sa kaniya ng magsalita siya.
"P-po?" Ba't ba'ko nauutal?
"Sumakay ka na, malalate tayo nito pareho." Huh??! Ay oo, bale magtatrabaho nga pala sila ngayon dun sa kompanya rin nila, ang gulo.
Kaya ito kahit nakakahiya eh sumakay nalang ako, sagot na'to sa panalangin ko noh pero ba't sa boss ko pa? Pero salamat parin lord at may nasakyan na hindi na'ko maglalakad.
Pero ganun nalang ang pagtataka ko nang mapansin na hindi pa umaandar ang sasakyan kaya tumingin ako sa front seat at laking gulat ko nalang nang makita na nakatingin sa'kin si Sir Gael, may dumi ba'ko sa mukha?
"Gagawin mo ba'kong driver mo, miss?" Napaawang naman ang aking bibig sa tanong niya. Di ko ma gets mga mamsh.
"Tsk, slow." Sabi niya at lumabas sa sasakyan, sa'n siya pupunta? Iiwan niya ko??!
Pero nagtaka ako ng buksan niya yung backseat kung saan ako nakaupo at lumapit siya sa'kin! As in amoy na amoy ko ang kaniyang pabango!
"Lumipat ka sa front seat, ayokong magmukhang driver." Yun lang pala? Ba't kailangan niya pang lumapit? Jusko naman ang arte naman ng boss na'to.
"O-okay po." Sabi ko nalang at tinanggal na ang seatbelt.
"Bilisan mo late na tayo." Malamig niyang sabi aba kasalanan ko pa, eh kung di nalang siya huminto noh?
Pagka-upo ko sinuot ko na agad ang seat belt, baka umusok na yung ilong ni Sir Gael. Napansin ko naman na napabuntong hininga muna siya bago pinaandar ang sasakyan.
At habang nasa byahe, ewan ko kung ako lang ba pero nakakabingi ang katahimikan, kaya kinuha ko nalang muna ang aking headset at sinaksak sa cellphone ko tapos pumili narin ng kanta.
Bago ko sinuot ang headset ay narinig ko pang tumikhim si Sir Gael kaya bahagya ko siyang tiningnan. Wala naman, inayos niya lang yung necktie niya at lumunok...
Adam's apple...
Para namang nanuyo ang lalamunan ko ng makita ko ang pagtaas baba ng Adam's apple niya.

BINABASA MO ANG
Cornelia Street
Romance"Anong meron sa pag-ibig? Bakit maraming tao ang gustong gusto pumasok sa isang relasyon? Bakit maraming taong nababaliw sa mga taong mahal kako nila?" Minsan talaga hindi natin maintindihan yung ibang tao kung hindi natin mararanasan ang naranasan...