I am Adonis and I am the rain, I live in humans world alone, I am the source of rain, sa tuwing tinatago ko ang sakit na nadarama ko ay siya ring pagbuhos ng ulan.
Parusa sa akin ang manatili rito hanggang sa itinakdang araw, kung kailan iyon ay hindi ko alam tanging si Bathala lamang nakaka-alam.
Nanunuod ako ng t.v ng magbalita ang weather forecast tungkol sa ulan na kasalukuyang nangyayari ngayon. Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung bakit araw-araw, minu-minuto at oras-oras ay kailangan kong makaramdam ng lungkot.
Paulit-paulit ganito ang takbo ng buhay ko sa mundo ng mga tao, malungkot, nag-iisa at walang naka-iintindi. At first nahirapan akong mag-adjust sa mundong ito, its so different to where I came from. Hanggang sa unti-unti kong niyakap ang kultura ng kinalalagyan ko.
Until I met this girl, Fraida, she can make me smile and appreciate every little things. Nabawasan ang lungkot ko dahil sa pagiging mag-isa. Kung noon I felt so different, dahil nga sa nagagawa ko, ngayon she make me realize that I can live like a human too.
We become close friends, a best friend, until one day came. Gumising ako na mahal ko na siya, at tanging dalangin ko ay ganoon rin siya.
"Fraida, can we talk?" Saad ko tsaka siya hinarap. She smiled sweetly bago sumagot.
"Ano 'yon?" sagot niya.
"I like you!" Saad ko habang nakatingin sa mga mata niya batid kong nagulat siya dahil sa pagkaka tigil niya.
"I'm sorry kung nabigla kita, it's our nature to be straight forward," saad ko ng hindi siya sumagot.
Yes, she knew na hindi ako taga-rito, she accept me wholeheartedly. Ngumiti siya at nagsalita.
"I like you too Adonis." Sani niya na labis kong ikinatuwa.
Nakahiga siya sa mga bisig ko habang nagku-kuwento ako tungkol sa tahanan ko, ang tunay komg mundo, kahit kung paano at bakit ako napunta rito ay sinabi ko rin. Tinanggap niya ako noon at ngayon, kahit pa alam niyang iba ako at babalik ako sa kung saan ang totoong mundo ko, ngunit sa ngayon habang hindi pa iyon nangyayari ay susulitin namin ang oras naming dalawa na magka-sama.
Ilang buwan ang lumipas at naging masaya ang relasyon namin, hanggang sa hindi ko, namin inaasahang pangyayari.
Nagpakita sa akin si Bathala, at nais niyang bumalik na ako sa mundo namin, ngunit umayaw ako, hindi ko siya sinunod, mas ginusto kong makasama ang babaeng mahal ko.Hindi ko ito sinabi kay Fraida, sinarili ko ito na nagdulot ng lungkot sa akin.
"Tell me Adonis, what's wrong?" Saad niya ng makitang umuulan ulit. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga, nagdadalawang-isip kung sasabihin ko bat o hindi, ngunit sa huli ay mas pinili kong itago ito sa kaniya. Hanggang muling nagpakita sa akin ang Bathala.
"Babalik ka o mamatay ang babaeng iyon?"
"Babalik ka o mamatay ang babaeng iyon?"
"Babalik ka o mamatay ang babaeng iyon?"
Paulit-ulit iyon sa utak ko, bumalik ako sa una, hiding the pain inside my heart my again.
"Magbreak na tayo," saad ko habang magkaharap kami.
"W-what?"
"Maghiwalay na tayo, I don't love you anymore." Saad ko kasabay ng pagbuhos ng ulan. Pumikit siya at batid kong dinaramdam niya ang kalungkulat ko.
Dumilat siya at ngumiti, tsaka tumalikod at dahan-dahang naglakad palayo sa akin. This is the only way para hindi siya mamatay, leaving her in the middle of rain is the saddest part. Unti-unting tumila ang ulan at kasabay no'n ang paglaho ko. Please live for a long time Fraida, I wish you all the best. I love you.
YOU ARE READING
One shot stories collection
Short StoryThis is a collection of my one shot stories. Hope you enjoy