FOM 3:

26 2 0
                                    

"Dito na lang tayo sa hiphop." suhensyon ni Angel.

"Interpretative na lang tayo." sabi naman ni Kathy.

Naguusap usap kami ngayon kung anong group ang sasalihan namin. Kanina kasi matapos ang second to the last subject namin ngayong araw biglang inaannounce ni Louie na meron daw kami special project sa P.E, at ayun ay performing different classes of dance kaya heto kami ngayon nagdidiskusyon yung saan kami.

Ang napunta kasi sa section namin ay Hiphop, Waltz, Interpretative at Folk dance. Dahil ayaw namin maghiwahiwalay gusto namin iisang group lang ang salihan.

"Doon na lang tayo sa pinaka-konti ng group." suggestion ko sa kanila kaya ibinaling namin ang tingin namin sa mga naatasang maging leader bawat group.

"Doon sa waltz O, anim pa lang sila." puna ni Angel. Binaling ko ang tingin sa kanila at kumpara sa ibang dance group sa kanila nga lang halos walang member, halos lahat kasi gusto ang hiphop.

"Yun o, dito na kayo samin hindi kayo magsisisi." bungad ni Louie nang makalapit kami. Siya ang leader dito at kasama niya si Zelle bilang assistant.

"Sige mukhang mas kelangan kami dito." sabi naman ni Angel. Natuwa sila at pinalista na agad ang pangalan namin sa papel para wala na daa atrasan pa.

Sinabi nila ang plano nila tungkol sa gagawin namimg performance. At dahil waltz nga ito by pair ang sayaw kaya kekelangan na even ang bilang namin.

So far meron kaming 9 members, 6 na babae (ako, Zelle, Kathy, Beth, Innah at Kate) at 3 lalaki (Louie, Marion at Ronald).

"Kelangan by partner to, so if ever na mas mas lamang ang babae, yung iba magsusub as boy ok? Panget naman kung parehas naka-gown diba." sabi ni Zelle.

Nakikinig lang ako sa kanila habang pinapaliwanag ang mga plano nila.

Wala naman kasi akong maicocontribute, kung tutuusin ito ang magiging unang pagkakataon kong sumayaw ng waltz at mukhang constructed na nila ang gusto nilang maging flow ng performance. So well, just shut up na lang ako.

"Pwede ba kaming maki-join?" napukaw ang atensyon ng group namin ng may lumapit sa pwesto namin dito sa may blackboard.

Umupo sila kabilang sa circle namin. "Great kelangan talaga namin ng mga lalaki para maging magandang tignan tong perf. natin. Wala ng bawian ha." masayang sabi ni Louie at inabot sa tatlong lalaking lumapit sa amin ang papel ng list of members. Si Vincent, Harvey at Justin.

"Tayo na lang partner." bulong ng katabi ko kaya bumaling ako sa kany, si Ronald. Tumango ako sa kanya. Friends at komportable naman ako sa kanya kaya ayos yun.

"So ngayon meron tayong 12 members, kami na bahala sa kung sino ang magiging partner nino para fair at bukas na lang din namin sa inyo iaannounce. Iaupdate na lang din namin kayo." yun lang at pinabalik na kami sa kanya kanya namin pwesto.

Naramdaman ko ang ngalay ng binti ko kaya medyo nahihirapan akong tumayo. Tagal din kasing naka-indian seat. Tsk!

Nang maitukod ko ng maayos ang paa ko tsaka naman di ko inaasahang maapakan ang dulo ng paldang suot ko kaya hindi sinasadyang ma-out of balance ako.

Napapikit na lang ako dahil alam ko tatama ang pwetan ko sa sahig pero nakakapagtaka dahil hindi matigas na simento ang nabagsakan ko.

Binalingan ko ng may pagtatakang lingon iyon at nadiskubre na may napakalapit na mukha akong matatagpuan.

"Mag-ingat ka sa susunod." salita nito.

Napatitig lang ako sa kanya dahil narin sa gulat. Paano sya napunta jan?

"Pwede ka na bang tumayo?" tanong nito sakin kaya napakunot naman ako ng kilay.

Nakatingin din siya sa akin pero dahan-dahan nyang ibinaba ang tingin nya kaya sinundan ko ito.

Napatayo ako bigla ng marealize ko ang posisyon namin. Tumayo na rin siya at muli akong tinignan "T-thanks!" tanging salita na lumabas sakin.

Ngumiti siya at sinuklay ang buhok gamit ang kanang kamay nya "Ang bigat mo pala." sabay ngiti nya na nakakaloko habang nakahawak naman ng kaliwang kamay nya ang binti nyang naupuan ko.

"A-ano?" hindi makapaniwalang bulalas ko sa kanya. Ngunit di na nya ako pinansin at umalis na.

Ako? Mabigat na sa lagay na to? Sa katawan kong to? Kung mabigat ako ano pa si Majinbu?

Payatot lang siya. psh!

FRIEND OF MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon