*sa sementeryo, habang nakaupo sina Liam at James sa harap ng puntod ng mama ni Liam...
James: Bakit andito ka pala Kuya? At bakit mag-isa ka lang? Dapat may kasama ka dito. Nakakatakot kaya na mapag-isa dito sa sementeryo.
Liam: Wala. Hindi naman nakakatakot dito sa sementeryo eh. May araw naman ngayon eh. At tsaka umuwi ka na. Baka hinihintay ka na ni mama.
James: Mamaya na. Makakapaghintay naman yun si mama eh.
Liam: Hay naku. Yan ka naman palagi eh.
James: Kuya naman eh. Sabihin mo na kasi sa akin kung bakit ka andito at tsaka bakit mag-isa ka lang dito para naman makauwi na rin ako.
Liam: Eh kahit naman sabihin ko sa'yo eh hindi mo pa rin ako maiintindihan eh.
James: Loko ka talaga Kuya. Paano naman kita maiintindihan kung hindi mo sasabihin sa akin.
Liam: Basta. Gusto ko lang na mapag-isa.
James: Mama mo pala to. Hindi ba sya asawa ni tatay?
Liam: Asawa naman. Bakit?
James: Eh bakit hindi sya pumupunta dito? Bakit hindi ka nya sinasamahan dito?
Liam: Hayaan mo na. Madami namang gawain dun si tatay sa bukid eh.
James: Ipakilala mo naman ako kay mama mo oh.
Liam: Para ano pa? Eh aalis ka din naman eh.
James: Sige na. Gusto ko lang makilala ang mama mo eh.
Liam: Hay naku. Sige na nga. Mama, eto nga pala ang napakakulit pero napakabait kong half-brother na si James. James, si mama ko Nida pala. Sya lang naman ang pinakamagandang babae para sa akin.
James: Maliban nga lang dun sa isa na kilala ko.
Liam: Ha?
James: Hindi mo ba natatandaan Kuya? Diba pumunta din ng syudad yung first love mo? Sino nga ba yun...si...si...Katie! Si ate Katie!
Liam: Baliw ka ba? Sino namang Katie yang pinagsasabi mo?
James: Si Kuya naman pa-etchus² pa. Alam mo ba tita, nakilala na ni Kuya Liam ang first love nya. Naku tita, pag naabutan mo lang yung first love nya na si Ate Katie, naku magagandahan ka din sa kanya. Kaso pumunta na sya ng syudad eh matagal na. Iniwan nya dito si Kuya na luhaan at sugatan.
Liam: Hay naku. Sana pala pinauwi nalang kita.
James: Kuya naman. Hindi pa ako tapos magkwento eh.
Liam: Pumunta ka lang ba dito upang guluhin ako?
James: Ah. Halata naman pala na hindi ka nagsasabi sa nanay mo tungkol sa first love mo.
Liam: Para saan pa? Baka kinalimutan na ako nun eh.
James: Weh? Mukhang hindi naman ganun eh. Sabi nga nila, "first love never dies" diba?
Liam: Nge. Uso pa ba yun?
James: Bakit? Totoo naman ah. Yung barkada ko nga hindi nya pa rin kinalimutan yung first love nya. Edi ngayon magjowa na sila.
Liam: Hay naku. Kaya ka hindi nagkakajowa eh.
James: Kuya naman. Nandadamay ka pa. Eh pareho lang naman tayo na walang jowa dito eh. Palibhasa kasi may first love ka na kaya meron ka nang babalikan anytime.
Liam: Ayoko na ngang balikan yun eh.
James: Eh paano kaya kapag sya na ang nakipagbalikan sa'yo? Ah hindi. Paano kapag nagkita kayo ulit sa syudad? Ano kaya ang mangyayari sa'yo dun?
Liam: Hay naku. Para kang bakla kung magsalita eh.
James: Ah basta Kuya. Basta may kutob ako na magkakabalikan kayo at magkakatuluyan kayo in the future.
Liam: Future mo mukha mo. Aral muna bago landi.
James: Bye, Kuya. Uuwi na ako. Baka langgamin pa ako eh ahhaha
*saka naman umalis si James na masayang-masaya...
Liam: Sarap hambalusin ng basket yung mukha nya eh. Bwiset. By the way ma, pasensya ka na pala dun sa half-brother ko ha? Daw bwiset kasi yun minsan eh. Tinitiis ko na nga lang. Basta ma, lahat ng sinabi nya kanina, kalimutan nyo na yun ha? Wala na sa akin yang mga first love na yan. Importante matupad po yung pangarap nyo po para sa akin. Yun lang po ang goal ko sa buhay. Promise.
*hinimas-himas ni Liam ang puntod ng mama nya...
Liam: Sige ma. Aalis na po ako. Magliligpit pa ako ng gamit ko para sa lakad ko bukas eh. Ma, gabayan nyo po sana ako. Mahal na mahal ko po kayo, ma.
*saka naman lumuha si Liam nang halikan nito ang puntod ng kanyang mama...
Liam: Bye, ma. I love you. I love you so much.
*niligpit na ni Liam ang lahat ng kanyang mga dala at umalis na sya. Pinapahiran nya naman ang kanyang mga luha habang naglalakad sya pauwi. Nag nakauwi sya ay naabutan nya ang kanyang pamilya na kumakain ng tanghalian...
James: Oh Kuya late ka na naman. Tara humabol ka pa sa pagkain oh.
Liam: Ok lang. Busog naman ako eh.
Ama ni Liam: Kamusta yung lakad mo anak?
Liam: Maayos naman po, pa. Sige po pupunta muna po ako sa kwarto ko.
Ina ni Liam: Titirhan lang kita ng pagkain dito kung sakaling magutom ka.
Liam: Opo.
*saka naman pumasok ng kanyang kwarto si Liam. Pagpasok nya ay napahiga sya kaagad sa kanyang higaan. Pagkahiga nya...
(LIAM POV: Hayst nakaka-suffocate naman...)
PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.
YOU ARE READING
CATCH ME I'M FALLIN'
FanfictionMAIN CAST: Kim Jun Myeon (EXO Suho) as Liam Bae Ju Hyun (Red Velvet Irene) as Katie SUPPORTING ROLES: Kang Seul Gi (Red Velvet Seulgi) as Lily Kim Jennie (Blackpink Jennie) as Trixie Choi Minho (SHINee Minho) as Henry Kim Jong In (EXO Kai) as Noah P...