Bllughh!!
Hic!
Bllergh!!
Sa loob ng isang maliit na apartment, tanging ang pagsuka lamang ni Freesia ang maririnig. Ang kaniyang paghikbi at pagduwal lamang ang nagsisilbing ingay sa loob ng kaniyang maliit na tirahan.
Kring ~~ Kring ~~
Inabot ni Freesia ang kaniyang mamahaling cellphone sa lababo ng kaniyang banyo. Tinuyo ang kaniyang luha, nagmumog ng bibig, at binuhusan ang inidoro.
Kung siya ang tatanungin, ayaw niyang sagutin ang tawag ng kaniyang ama. Pinapatagal na nga niya ang kaniyang sarili sa paggawa para lang mapagod na itong tumawag ngunit hindi ata nito alam kung paano sumuko.
Lumabas siya ng kaniyang banyo bago pindutin at sagutin ang tawag.
"Hello, Father dear!" masiglang bungad niya. Mahinang mga hikbi ang maririnig ang sa kabilang linya, na para bang pinipigilan nito ang umiyak ng malakas.
"Anak..." sambit ng kabilang linya. Napahinto si Freesia at nagtaka sapagkat hindi ito ang kaniyang ama, kundi ang kaniyang ina.
"Ma? Magkasama kayo ni papa? Antaray, muling ibalik ang tamis ng pag-ibig ba ang hanap niyo?" muling masiglang sagot niya matapos makabawi sa pagkabigla.
Lalo lamang lumakas ang mga hikbi ng kaniyang ina. Dahil doon ay nawala ang ngiti sa kaniyang mukha at napalitan ito ng pagkabahala. Nagsimula ng manginig ang kaniyang kamay kung kaya't napakapit siya sa malapit na lamesa sa kaniya.
'Hindi ako pwedeng mag-panic, kailangan ako ni mama at papa.'
"Ma, ano po ang nangyari? Ayos lang po ba kayo? Si papa po? Nasaan siya?" mabilis ang kaniyang pagtatanong.
"Punta ka dito sa [Hospital Name], anak. Kailangan ka namin ng papa mo." mahina ang boses nito ngunit mababakasan mo pa rin ang kaniyang mahihinang hikbi.
"Opo, papunta na. Mag-iingat po kayo, sandali lang po, parating na." dali-daling sagot ni Freesia habang ang kaniyang mga kamay ay nagmamadali ng kunin ang kaniyang bag at ang kaniyang mga gamit. Nagdala din siya ng pamalit sapagkat balak niya ng duon matulog.
Hindi siya mapakali habang nasa daan. Nagsisimulang lumikot ang kaniyang mga mata at naghahanap ng dahilan kung bakit magkasama ang kaniyang magulang, bakit umiiyak ang kaniyang mama, at kung bakit hawak nito ang telepono ng kaniyang ama.
Nang makarating siya sa hospital ay nakita niya kaagad ang kaniyang mga magulang sa labas ng delivery room. Napahinto siya, sapagkat kung wala sa kaniyang mga magulang ang nasa kapahamakan, sino ang dahilan ng pagpunta niya rito?
Napansin siya ng kaniyang ama at masayang lumapit sa kaniya. Bakit ito masaya? Ano ang nangyayari?
Niyakap siya ng ama, "Salamat at nakarating ka, Freesia." sambit nito na parang sobrang importante ng kaniyang pagdating.
Napatingin siya sa kaniyang ina na nakaupo lamang at nakatulala sa sahig ng ospital. Bakas ang luha sa kaniyang mga pisngi at namumula pa ang kaniyang mga mata.
Bumitaw siya sa pagkakayakap sa kaniyang ama. "Anong mayroon, pa? Bakit tayo nasa ospital?" tanong niya.
Tumikhim at lumunok muna ang kaniyang ama bago sinabi ang mga salitang nagpalambot ng kaniyang tuhod.
"Yung bagong kasintahan ko kasi ay nanganganak na, anak, magkakaroon ka na ng kapatid!" masayang banggit nito na parang dapat ko ikatuwa iyon.
Putangina.
Kagagaling ko lang sa sobrang pagod mula sa pag-aaral ko, tapos dumagdag pa yung nakakapunyetang trabaho ko, tapos malalaman ko na magkakaroon na ako ng kapatid? Wala na bang ikapupunyeta tong araw na to?
BINABASA MO ANG
Of Broken Hearts and Forced Smiles
General FictionFreesia Queenie Zalor loves the world. How the birds chirp in the morning, how the curtain flows as if it's inviting her to another day. She loves shopping and collecting toys. She loves her friends and her family. She's smart and is a popular stude...