🌹SIXTEEN 🌹

4 0 0
                                    



ALVIN

"PLEASE, 'wag mo siyang saktan!" sigaw ni Ara sa na nag-aalalang boses.
Pero naputol na ang linya nito.

Lumingon ako kay Ara, "Anong gagawin natin?" kinakabahan na kong tanong kay Ara.

"Kailangan na talaga nating masabihan si Eunice, baka makatulong siya," suhestiyon ni Ara.

"Alright, pero bukas na alam kung hindi niya pa gagalawin sina Andrew at Andria," sabi ko dito napabuntong hininga ito at umupo sa sofa. Umupo din ako sa kanyang tabi at hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya palapit sa akin.

"Salamat sa pagpapatawad sa akin," ngumiti siya at hinalikan ako ng magaan sa labi.

"Alam kong nasaktan din kita, maniwala ka man sa hindi Alvin, may puwang kana sa puso ko, ngunit hindi tulad ng pagmamahal ko kay Andrew pero sa pagkakataon na ito. Hindi na ako hahabol pa kay Andrew dahil tanggap ko na, na may mahal na siyang iba at sana gan'on ka din Alvin.Subukan nating bigyan ng chance ang isa't isa, iyon ang wala sa atin. Kaya pagkatapos ng pagkatapos ng lahat ng ito. Bigyan natin ng oras ang sa atin." nakangiting saad nito sa akin, kaya napangiti din ako at nakahinga ng maayos. Niyakap ko siya ng mahigpit at ganoon siya akin.

GINISING ko si Ara kina-umagahan na natutulog pa rin sa aking mga braso ngunit sobrang lalim pa rin nang pagtulog nito kaya marahang ko na lang inilagay ang ulo niya sa unan at hinalikan ko siya sa kanyang pisngi bago ako bumababa sa kusina at gumawa ako ng kape at aalmusalin namin at saka matiyaga ko siyang hinintay na magising.

Ilang minuto lang lumipas ay sa wakas ay nagising na siya, alas syete 'y medya pa lang naman ng umaga kaya may oras pa kami para gumayak papunta kina Eunice. Ngumiti sa akin ito ng makita n'ya akong naka-upo sa hapag kainan.

"Morning beb," sabi ko sa kanya at hinalikan ko siya sa kanyang noo, kinuha niya ang kape na ginawa ko na mainit pa. "Dress up we would see Eunice." sabi niya habang kumakain ng agahan.

"All right, but after eating breakfast, okay?" sabi ko at tumango siya.Pagkatapos naming kumain ay pinagbihis na niya ako dahil siya na raw ang maghuhugas ng aming pinagkainan. Nakabihis na ako ng bumaba ako ay naghihintay na siya sa may sala, uuwi na muna kami sa bahay nito para makapagbihis din siya.

Nakarating kami sa bahay ni Eunice ng alas nuwebe ng umaga. Natuwa siya nang makita niya ako.

"Anong ginagawa ninyo dito?"

"Kailangan nating pag-usapan ang lahat, ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat." sabi ko.

"Anong ipapaliwanag mo?" tanong ni Eunice habang naguguluhan.

"Pakinggan mo muna sila, Eunice." sabi ni Aneth, huminga muna ng malalim si Eunice bago tumango at na una nang pumasok sa amin.
Pinayagan kami ni Eunice na pumasok sa bahay nila.
Isinalaysay ko ang lahat sa kanila at humingi ng tawad kaming dalawa ni Ara na nakayoko lang simula ng magsalaysay ako kanina, samantalang ang dalawang magkaibigan ay natahimik ng ilang sandali bago nagsalita.

"Napakasama mong kaibigan, paano mo nagawa ang ganyan, alam mo ba kung paano siya nagsasalita ng mabuti tungkol sa iyo madalas sa tuwing napag-u-usapan ka namin.Sinayang mo ang pagkakaibigan n'yo ng matalagal na panahon. Mas masahol ka sa isang demonyo. Sa palagay mo ba patatawarin kita ng gan'on-gan'on na lang. Maghintay ka lang dito at walang aalis, iuulat ko ang lahat ng ito sa mga ulis, alam n'yo bang may kaso ang kahaharapin n'yo dahil nanira kayo ng puri ng isang tao. At ikaw naman Ara, nakita mo na pala hindi mo man lang binalaan ko pinagsabihan, hindi ba pangungunsinte ang tawag doon. "sabi niya kay Alvin at Ara, na hindi makatingin kay Eunice ng ayos. Kaya hinawakan ko ang kamay ni Ara na nanginginig.

"Huwag kang mag-alala, karapat-dapat ko itong pagbayaran dahil ako ay nagkasala. Pero 'wag mo na idamay si Ara sa galit mo," sabi ko kay Eunice.

Pero bago ako sumama sa mga pulis ay kailangan natin iligtas si Andrew sa kamay ni Alice.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong nito kaya sinabi ko na dinukot ni Alice di Andrew. Kaya siya na lang bahala kong maniniwala sila sa amin ni Ara bago kami pumunta sa presinto para ireport ang nawawalang si Andrew.





"OKAY, ka lang ba?" tanong ni Aneth kay Eunice. Dahil mukha siyang nalilito.

"Gusto mo ring bang kasuhan din siya?" tinutukoy nito ay si Ara na kanina pa kumakatok sa kanilang pintuan.

"Wala siyang kinalaman dito, ang kasalanan lang naman niya ay pinagtakpan niya ang kademonyuhan ng mga taong nakapaligid sa kanya at dahil sa kasakiman nina Alvin." si Eunice.

"Naniniwala ka na bang si Alice talaga ang masama dito at ginamit sila nito. At nagkaroon siya ng apportunity sa mga plano ni Alvin para magkasira kayo ng tuluyan ni Andrew, dahil sa labis ng pagka-obbesses niya kay Andrew noon pa man. Paano kung nagsasabi sila nang totoo na kinidnap ni Alice si Andrew? Anong gagawin mo?" Pagpapaliwanag pa ni Aneth kay Eunice.

"H-hindi ko alam." naguguluhang sagot naman ni Eunice sa kaibigan.

"Okay, sa tingin ko kailangan natin puntahan siya kanyang bahay para masigurado natin na nagsasabi sila ng totoo." si Aneth. Kaya napabuntong hininga ito.

"S-Sige, kausapin mo muna si Ara at magbibihis lang ako para pupuntahan natin si Andrew sa kanila." pagsang-ayon naman ni Eunice sa kaibigan.

Naglakad na si Eunice paaktay sa kanyang silid habang si Aneth naman ay patungo sa pintuan, binuksan nito ang pintuan para kay Ara at tinanong ang tungkol kay Andrew.

"Promise, kinuha talaga ni Alice si Andrew at pinagbantaan niyang papatayin ito. Kung magsusumbobg kami sa mga pulis. Sana maniwala kayo 'di na ito plano ni Alvin ang gusto lang ni Alvin na mapasakanya si Eunice at mapasakamay naman ni Alice si Andrew, pero iyong balak ni Alice na kukunin si Andrew ay hindi namin alam ang mga iyon." nalulungkot na sagot ni Ara.

"Ano! totoo ba 'yang mga sinasabi mo?" sabi ni Aneth kay Ara. Kung gusto mo puntahan n'yo si Alvin at kausapin. Sige na umalis na tayo at baka kung ano na ang nangyayari kay Andrew." nagaalalang sambit ni Ara at mukhang natatakot.

"Sige, hintayin lang natin si best at nagbibihis lang." sang-ayon naman ni Aneth.

"'Wag na muna natin hintayin si Eunice kailangan muna natin mailabas si Alvin dahil siya lang ang nakakaalam kung saan na ngayon na katira si Alice."
Sagot naman ni Ara kay Aneth kaya sumang-ayon din ito. Nang hindi na nagpapaalam pa kay Eunice, dahil galit pa ang dalaga kay Alvin kaya mas mabuti na munang sila muna ang gumawa ng paraan. Hindi pa iyon makikinig lalo na sa taong nagluko sa kanya, ganyan katigas ang damdamin nito kapag nasa ganyang sitwasyon. Pareho silang sumalubong kay Alvin pagkarating palang nila doon. Kaya napangiti ito nang makita silang nandoon sa presinto.

"Ano ang ang gagawin natin para mailigtas si Andrew?" tanong ni Aneth.

"Pupuntahan natin si Alice sa bahay niya. Pero bago iyon ay magpiyansa na muna ako saka ko na haharapin ang kasalanan ko pagakatapos nating mailigtas sila."

"Hindi naman gaanong mabigat ang kaso mo kaya makakapag piyansa ka pa." sabi naman ni Aneth.

"Pero bakit sila may kasama pa ba si Andrew ng dukutin ni Alice?" naguguluhang dugtong pa nito sa sinabi.

"Oo, pero saka ko na ipapaliwanag ang lahat." sabi naman ni Alvin kaya tumango na lamang si Anth.

"Kailangan ba nating sabihin ito kay Eunice, may karapatan siyang malaman ito?" Si Aneth ulit kay Alvin.

"Oo, pero mag iingat tayo lalo na si Eunice dahil hindi basta-basta si Alice siya ay isang mapanganib na babae. Nalulong ito noon sa pinagbabawal na gamot, baka mamaya niyang ay bumabalik na siya sa dating gawain, mahirap na lalo na't dagdag pa ang sakit nito noon na hanggang ngayon ay nasa kanya pa rin ang pagiging phsycopath.

ITUTULOY

What If I'm Loving YOU- COMPLETE (edit version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon