★EPILOGUE★
ONE YEAR LATER
♡LYN POV♡
Isang taon na ang lumipas mula nang nangyari sa akin ang lahat. Napakabilis ang lahat ng pangyayari. Isang taon na rin ang lumipas mula nang nakaranas ako ng sobra at napakaimposebling pangyayari.
Nakangiti ako habang tinitingnan ang anak ko na naglalakad na ng paunti-unti. Today is her day, yes kaarawan niya ngayon.
Hindi maipagkaila na anak talaga siya ni Isaac, kamukhang-kamukha niya talaga. Isang female version niya. Naglalaro ito kasama ang tunay niyang papa, si Isaac. Wala ng isyu, okay na ang lahat. Siya ang ninong dad ni Irxylle, ang sobrang supportive nito. Pinapakita niya talaga ang pagiging sweet niyang ama. After this, aalis na rin siya, babalik na siya sa America.
Napakabongga at engrande ng first birthday ng anak ko, siyempre pinaghandaan ng mga tita mommy niya ehh.
"Hushhhh umiiyak ka na naman,"narinig kong malambing na boses niya na akala ko hindi ko na maririnig ulit. Yeah, Evans finally woke up after six months. May mga oras na gusto ko ng bumitaw, na para bang nawalan na akong pag-asa na gumising siya. Pero God hear our prayers, pagkagising niya ako agad ang kaniyang hinanap, umiyak talaga ako ng sobra dahil sa tuwa.
"Hmm masaya lang," sagot ko at niyakap siya ng sobra, niyakap niya naman ako at hinalikan sa pisngi. Ang dalawang taong napakaimportante ng buhay ko maliban sa mga pamilya at kaibigan ko .
"Asusss ano 'yan ha, nagdramahan na naman," narinig naming sabi ni Joli habang kasama silang lahat at mga jowa nila. Going strong pa rin silang lahat, yes si Xyrus ay nandito rin, vacation raw tapos babalik na naman. And good news Annah will be the next mother, yes buntis siya, si Kajic kasi raw kasalanan pfftt!
"Hindi masaya lang," sabi ko sa kanila habang tinitingnan pa rin si Baby Irxylle na naglalaro na kasama sila inay, itay at mga kapatid ko. Silang Inay din ang nag-aalaga sa kaniya pag pumapasok ako.
"Bilis talaga ng panahon, hanggang kailan lang nagtataka tayo sa mga ginagawa ni Lyn at ngayon kita muna ang laki na, napaka-sweet at bait na bata," sambit ni Jane, kaya nga eh. Gagawin ko talaga ang lahat ng makakaya ko para sa pamilya ko.
"Of course mana 'yan sa mama eh," proud kong sabi. Diba mabait ako? Tapos sweet, nagmana talaga 'yan sa akin.
Medyo dumidilim na rin, kanina pang umaga nagsimula ang party kaya konti na lang ang mga natitirang bisita. Ewan ko ba kung mayro'n pa mamaya. Ang dami ng natanggap niyang gifts, halos puno ang dalawang lamesa, mahihirapan talaga si baby nito mag-unboxing.
"Mha," tawag nito kaya lumapit ako sa kaniya at kinarga ito.
"Yes baby, ang pawis at lagkit muna ahh," sagot ko sa kaniya at tiningnan ang likod niya na sobrang basa na sa pawis.
"Ga paabot nga ng towel," utos ko kay Evans, kinuha naman niya ito at saka lumapit sa amin. Siya na ang nagpunas ng pawis ni Irxylle, how sweet diba.
"Hmmm, heads up ka nga," tumingala naman si baby at pinunasan ni Evans ang pawis niya sa leeg na may mga kiliti kaya napahagikgik ito ng tawa.
Mga tawa niyang napakasarap sa tainga, mga tawang bumubuo ng araw. Iba talaga ang feeling ng may anak ka na, may stress reliever ka, kahit gaano ka man kapagod buong araw, makita mo lang ang mga munting ngiti niya para kang mabuhayan at magka-full energy hayyysss.
"Ohhh napagod yata ang baby namin ahh," sabi ni Evans ng kinusot-kusot ni baby ang kaniyang mata sabay hikab, ang cute naman.
Tumayo at kinarga ito papasok, sumunod naman si Evans.
"Guys antok na si Baby, say bye to them baby," sabi ko sa kanila. Winawaygay na lamang ni baby ang kaniyang cute na kamay sa kanila.
"Bye Baby Xylle,"
" Happy Birthday,"
"Sleep well baby,"
"Bye!"
Paalam nila kaya tuluyan na kaming pumasok sa loob.
"Ga, basain mo na lang 'yang towel, punasan muna natin siya," utos ko kay Evans na pumipikit-pikit na talaga si baby, antok na talaga. Sobrang hyper at active kasi niya kanina.
"Hold on baby, punasan ka muna ni mama ahh," bulong ko rito at nilapag siya sa kama namin. Hinubad ko ang sandals niya na regalo sa kaniya ng lola ni Isaac. Then ang sky blue gown niya na gift naman sa kaniya ng mama ni Evans na soon to be my mother ayytt.
Me and Evans decided na saka na kami magpapakasal kapag malaki na si baby para maging flowe girl na siya. Hindi naman din isyu 'yon sa akin, aware naman lahat sila at agree sila, ang mas importante mahal namin ang isa't isa.
Nakapikit na si baby ng pinunasan ko ito ng maigi habang si Evans ay hinahanda ang susuotin ni baby na pangtulog.
After nabihisan ni baby, kinarga ito ni Evans at yinuyogyog sa kaniyang bisig habang kumakanta ng lullaby.
I never ever expected na mangyayari ito sa buhay ko. Magiging isang ina despite how pure I am. Nagiging ina in an accident way but a very wonderful outcomes. Ito ang masasabi ko na, isang magandang aksidenteng nangyari sa buhay ko, being the Virgin Mother of Baby Irxylle Madrigals at Eighteen.
"Tulog na si baby langga, total one year na siya, puwede na natin siyang sundan," lapit sa akin ni Evans at hinawakan ang pisngi ko, inayos ang mga iilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko.
"Shut up! Kung ikaw ang manganak puwede pa pfftt," asar ko sa kaniya. Ngumisi naman ito at saka ako hinalikan na tinugon ko naman. I love this man so much, who accept me wholeheartedly without pause and judge. I am Edelyn Sanchez, a proud Virgin Mother at Eighteen. Till we meet again, Bye-bye!
♡END♡
Authors note
Thank you so much for reaching this part. Maraming-maraming salamat sobra sa mga nagbabasa at sa magbabasa pa. Maraming salamat sa lahat ng nag-add to library ng storyang ito. Thank you very very much mwuah ♡
You can reach me with these following accounts and you can send me some feedbacks.
Fb page: Bloodygracey
Fb Account: Missy Gracey Wp
Gmail: bloodygraceywriter@gmail.com
BINABASA MO ANG
The Virgin Mother At Eighteen ✔ (COMPLETED)
RomanceCompleted ✔ What if isang araw magising ka na buntis ka na pala? Nabuntis ka na hindi mo alam kung paano? Paanong nangyari kung isa kang birhen? Never been touched, never been kissed and never ever had s*x? Is it impossibe? Meet Edelyn Sanchez, a co...