Heart Broken Syndrome

22 0 1
                                    

Alam naman natin na nagsisinungaling ang lahat ng tao.
Minsan para sa kanilang pansariling interes o kaya naman para sa kanilang minamahal.
Pero paano kung paulit ulit nalang nagsisinungaling ang isang tao sayo kahit na alam mong para sayo iyon, mapapatawad mo pa kaya?

Well, it's called SACRIFICE? Ewan!

....

....

Magbabarkada tayo ng mga kaibigan mo at kaibigan ko. Hindi inaasahang tayong dalawa ang aasarin nilang nanay at tatay sa barkada. Pero dahil sa walang kj sa barkada ay go with the flow naman tayo.
At that time my nililigawan ka, at napaka seryoso mo sakanya. At as a friend sabi mo "takot ako na baka lokohin ako" dahil sa baguio siya mag-aaral kaya bilang payong kaibigan sabi ko "wag mo na ituloy. Masasaktan ka lang." Ang tanga tanga ko talaga.
Hindi nagtagal naging mas malapit tayo sa isa't isa ng hindi inaasahan. Nagtatawagan buong gabi hanggang sa makatulog. Pero sa hindi ring  inaasahan, nahulog ako sa isang kaklase ko at todo suporta naman kayong magbabarkada. At that time, nahulog ka na rin pala saakin pero binalewala ko dahil ang nasa isip ko ay that love you have for me was just temporary. But, I was wrong...
Hanggang sa hindi ko na naging crush yung kaklase ko ay gusto mo parin ako. Umakyat ka pa ng ligaw saakin, at pumayag naman ako dahil yung mga barkada natin sabi sakin "go! I swear hindi ka niya sasaktan, hindi tulad ng iba diyan." That's why pumayag akong manligaw ka.
Ilang months kang nanligaw sakin pero hindi parin kita sinasagot.
Kitang kita ko naman na sobra ang effort mo para sakin. Pinapakita mong mahal at karapat dapat na sagutin kita, pero deep down inside me ayoko. Dahil ayokong patulan yung best friend ko. Ayoko. Dahil ayokong mawala yung best friend ko kung mag-away man kami. At ayoko, dahil hindi ko deserve yung pagmamahal na binibigay niya sakin dahil ako, masasaktan ko lang siya. Dahil, hindi ko siya kayang mahalin. Kaibigan lang talaga at wala ng hihigit pa.

And then, pinatigil ko panliligaw niya because I don't want it  anymore. Ayoko na yung boy best friend ko ay ligawan ako dahil gusto kong manatiling ganun parin kami sa isa't isa. BEST FRIEND.

At oo, ready ako sa kakalabasan ng sitwasyon. And 2 months mo kong hindi pinansin at hindi nagparamdam. Ang sakit mawalan ng boy bestfriend.

Then, after that months, nagpakita ka ulit pero hindi ka lumapit. Ako na ang nagkusang tawagin ka. Pumayag ka namang kausapin ako.
Sorry,  yan ang unang salitang sinabi ko sayo. Ang sabi mo naman "okay lang." Sinabi ko lahat ng gusto kong sabihin sayo at ayun yung araw na yun ay nagkaayos ulit tayo.
Naging mas malapit na tayo, mas malapit pa kaysa nung dati. Andiyan ka, andito ako. Tinuloy mo panliligaw mo sakin at pumayag na ako dahil alam kong handa na akong mahalin ka gaya ng pagmamahal mo sakin. Ilang months mo ulit akong niligawan, todo effort ka talaga. Sundo dito, hatid diyaan. Hays! Yung mga pinapangarap ko sa isang lalaki nasasaiyo na.
One time, nagparamdam si ex crush and I was like OMG! At nakita ko sa sarili ko na pag si crush sobrang saya ko kahit sa simpleng text niya. And then I realized it can't be happening again. It can't be.
But I was so stupid! Habang nagpapaligaw ako sayo, tinetexsan ko siya. Habang katawag kita, chinachat ko siya. Geez! Ang sama-sama ko talaga. I'm so stupid enough to realize that, dapat ikaw ang mahalin ko dahil sobrang effort mo. Ang dami mong ginawa sakin para lang mapasaya mo ko. At ako naman itong si tanga, pinili yung lalaking torpe at duwag.
After kong marealize yun, yung kinakatakot ko naman ay dumadating na. Iyon ay ang, mawala ka sa parte ng buhay ko. Nasaktan ako, pero uulitin ko nanaman bang saktan ka? Well, nasaktan na kita. At ayoko ng masaktan ka pa kaya iniwasan kita ng isang linggo hanggang sa nalaman mong mahal ko parin siya.
You said: Rebound lang pala ako.
I said: Hindi kita ginawang rebound.
You said: Pupunta ka lang saakin kung walang sasalo sayo, at aalis ka kung alam mong meron ng sasalo sayo.
I said: Sinubukan ko naman pero ayaw talaga e.
You said: Para sayo madaling mag-move on dahil yung taong mahal mo mahal ka, e papaano naman ako?

Masakit! Pero it was all my fault. I was stupid and I still am. I was so stupid not to even realize that, you deserves to be love than to be hurt but what I did was hurt you.
At ang huling salitang sinabi ko sayo ay sorry at wala man lang akong narinig na mga salita mo nung sinabi ko yun. Luha mo lang, ang mata mo lang ang nagsilbing labi mo nung nasaktan ka ng sobra.

Sorry! Mahal kita, pero bilang kaibigan lang talaga.

Heart Broken SyndromeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon