Kabanata 10

8 3 1
                                    

Nakabibinging tunog ang narinig ko bago nasundan ng boses ni Dianne.

"Bes, gumising ka na. Bakit hindi mo man lang sinabi sa 'kin na ganito na pala ang nangyayari sa 'yo?"

Buong lakas kong iminulat ang nanlalabo kong mata at nakita ang bulto ng dalawang tao sa gilid ko. Nang tumagal ay umayos din ang aking paningin at nakita ko si mama na itinatahan ang kaibigan kong humahagulgol.

"Tita, okay pa lang siya noong tumawag ako nung isang araw. Hindi ko naman alam na mas masakit pala ang pinagdaraanan ng bestfriend ko."

Nanghihina kong inabot ang kamay ni Dianne kaya biglang tumingin sa 'kin ang namumula niyang mga mata.

"Reychelyn, gising ka na!"

Halos masakal ako sa yakap niya, natawa na lang ako nang narinig ko na naman ang kaniyang hagulhol.

"I'm sorry, dumagdag pa ako sa problema mo," bulong ko bago tinapik-tapik ang kaniyang likod.

Napakalas naman siya at sinamaan ako ng tingin. "Anong problema? Bilang kaibigan mo, dapat sinasabi mo sa 'kin ang problema mo dahil problema ko na rin 'yon! Bakit hindi mo sinabi na ganito na pala ang dinadanas mo?"

Ngumiti ako bago nagsalita, "Kahit naman sabihin ko sa inyo ay wala namang mababago."

Bigla siyang natahimik at napansin kong napatalikod si mama habang lumuluha.

Natawa ako sa sarili ko saka nagpatuloy, "Even if I tell you what I'm feeling, hindi naman mababawasan ang sakit."

Napatingala ako para pigilan ang pag-iyak, tumawa na naman ako para itago iyon. Para na akong baliw sa harapan nila. Siguro nababaliw na nga ako.

"Si Gian 'yon eh, losing him means losing myself too. Mahal na mahal ko 'yon, Dianne. Mahal na mahal ko 'yon," nanghihina kong usal bago napapikit kasabay ng pagtulo ng aking luha. "Bakit gano'n? Parang yakap ko lang siya kahapon tapos. . . Ngayon wala na. Iniwan niya na ako, pa'no na ako nito?"

Umiiyak na yumakap sa 'kin si Dianne at sa puntong iyon ay tuluyan na akong napahagulgol.

"Tatagan mo ang loob mo, nandito lang kami ha? Tatagan mo ang loob mo," bulong niya sa 'kin habang umiiyak.

Patuloy ako sa pag-iyak habang patuloy namang pinupunasan ni Dianne ang luha ko.

"Dianne, p-parang hindi ko kaya. Mahal na mahal ko siya, Dianne. Pwede naman ako na lang yung mamatay, bakit siya pa?"

Patuloy akong umiyak hanggang sa pumasok ang doctor at sinuri ang mga mata ko. Sabi niya ay dapat ko itong ingatan dahil na-operahan pa lang.

Tumango lang ako at nang lumabas siya ay natulala ako sa kawalan. Lumabas muna ang kaibigan ko dahil bibili raw muna siya ng pagkain at tanging tango lang ang naitugon ko.

Naiwan kami ni mama sa loob ng hospital room. Nakita ko siya sa gilid ng aking mata na nagbabalat ng mansanas.

Lumapit siya sa akin saka umupo sa gilid ng kama. Naramdaman ko ang pag-dampi ng kaniyang kamay sa aking pisngi, bigla ko itong tinabig.

"Kumain ka na, tatlong araw kang walang kain. Hindi ka ba nagugutom?" marahan niyang sambit.

"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin na wala na siya?" tanong ko rito.

Tumitig lang siya sa akin at nagpigil ng luha. Maya-maya pa'y tumayo siya saka inilapag ang platong may mansanas sa paanan ko. "Kumain ka na, kailangan mong kumain—"

"Why you didn't tell me?! Bakit hinayaan mo 'kong lokohin ang sarili ko?!" Umiiyak kong tanong.

"You wanna know, anak?" She weakly sat beside me. "Because that way, I can see happiness in your eyes."

Don't Say Farewell Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon