Chapter 1: Wrong Address

72 6 6
                                    

Daven's POV

"Love! Look oh!" Ayana said with a smile on her face.

She's standing in front of me, flexing her new floral dress that I bought for her.

"It suits you so well, Ayana," I mumbled.

"Ang galing mo talaga pumili!" she said as she looked herself at the mirror.

Her beauty was so breathtaking that I am now speechless. The floral dress suits her, especially with her straight long brown hair.

"Ang ganda mo talaga, love," wala sa sarili kong sabi.

She smiled at me the way she almost does, and that smile makes me fall deeply in love with her.

"I love you, Daven!"

"I love you to-"

*CRING!!!* *CRING!!!* *CRING!!*

Bigla akong nagising mula sa napakagandang panaginip na 'yon, bagay na sana ay hindi na lang nangyari.

"Kainis naman! Sino ba ang tumatawag sa akin?! Anong oras na oh!" Kamot ulo at naiinis kong wika.

Inaantok pa ako at wala talaga akong balak na bumangon pa, kaya nga lang ay walang tigil ang pagtawag sa akin ng kung sino man na ito.

"Bwisit naman oh!" Inis akong napabangon sa aking higaan at kinapa ang aking salamin sa side table. Sinuot ko ito at tiningnan kung sino ba ang makulit na tumatawag sa akin sa mga oras na ito. Mas lalo pa akong nainis nang makita ko kung sino ang tumatawag sa akin. "Kainis ka naman kuya! Anong oras na oh!"

Hay naman! Ano nanaman ba ang gusto ng magaling kong kapatid?!

"Ito naman! Sorry naman oh!" natatawang sagot ni Kuya mula sa kabilang linya. "Naistorbo ko ba ang masarap mong tulog? O ang maganda mong panaginip ang naistorbo ko?"

Hay, ito nanaman siya, aasarin nanaman niya ako.

"Both, Kuya," pabalang kong sagot.

Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa mula sa kabilang linya, nararamdaman ko nanaman tuloy na pagtatawanan nanaman niya ako.

"Still dreaming of her? Bakit hindi ka pa kasi mag move on? Sabi ko naman kasi sa'yo marami akong irereto sa'yo eh!" natatawa pa ring sabi ni Kuya.

Heto nanaman siya, ipipilit nanaman sa akin ang salitang move on. Akala niya kasi ganoon lang kadali ang mga salitang 'yon.

How can I move on kung hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya? How can I move on kung si Ayana pa rin talaga ang tinitibok ng puso ko hanggang ngayon?

"Kuya naman eh! Ano ba kasi gusto mo! Anong oras na oh! Nakakaistorbo ka na!" inis kong wika.

"Okay fine!" pagsuko niya. "Nagluko kasi 'yong shopping app ko, anniversary na kasi namin ng girlfriend ko sa susunod na araw, nakalimutan kong bilhin 'yong gusto niyang pabango, eh sa online lang kasi 'yon mabibili. Baka naman puwedeng ikaw na lang ang mag order tapos ipadala mo na lang dito sa address ko?"

'Yon lang? Dahil lang sa ganoon kaliit na bagay iistorbohin niya na ako? Ayos lang sana kung sa umaga niya ako bulabugin eh, kaso oras pa ng tulog ngayon!

"Okay sige, oorderin ko 'yan bukas," inaantok kong sabi at tinanggal na ang salamin kong suot.

Ibababa ko na rin sana ang tawag kaya nga lang ay bigla pang nagsalita si Kuya.

The Fragrance of Love (Love Potion Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon