Daven's POV
Malapit na matapos ang buong araw ko rito sa aking café, kaya nga lang wala naman ang atensiyon ko sa trabaho, halos buong araw lang din kasi akong nakatingin sa cellphone ko at tinititigan ang order ko na namali ng address.
"Boss! Bakit parang problemado ka yata?" tanong sa akin ni Troy nang makarating siya sa counter matapos niyang magserve.
Sina Tanya at Troy ay magpinsan. Si Troy ang isa sa mga barista rito sa aking café, samantalang si Tanya naman ay ang cashier. Kahit na kaunti lang kaming nagtratrabaho sa aking café ay ayos lang dahil nagagawa naman namin ng maayos ang trabaho ng bawat isa. Tinutulungan ko rin silang dalawa sa kanilang mga ginagawa kapag natapos ko na ang mga bagay na dapat kong gawin dito sa café.
"Wala," walang gana kong sagot at napahilamos sa aking mukha. "Malapit na pala tayo mag closing."
Napakunot naman ang kaniyang noo nang dahil sa aking sinabi. "Boss, iniiba mo naman ang usapan eh!" reklamo niya.
Napasimangot naman ako. "Wala naman kasi akong magagawa sa problema ko eh,"
"Ano nga kasi ang problema mo, Boss? Sabihin mo na oh! Baka matulungan kita!" pagpupumilit naman niya.
Wala naman akong choice kung hindi sabihin na lang sa kaniya ang problema ko dahil sigurado naman akong hindi niya ako titigilan sa pangungulit niya.
"Inutusan kasi ako ng kapatid ko na umorder online," panimula ko.
"Oh? Tapos?" sabi naman niya. "Tuloy mo lang, Boss, makikinig ako."
Tulad ng sabi niya ay ikinuweno ko sa kaniya kung ano ang nangyari.
Matapos kong ikuwento sa kaniya ang nangyari ay hindi rin siya makapagsalita, kahit siguro siya ay hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.
"Hala ka! Mukhang mahirap nga 'yan, Boss! Bakit kasi sa ex mo pa napadala 'yon!" Iiling iling niyang sabi.
"Totoo ba 'yong narinig ko?! Kay Ate Ayana mo ba talaga naipadala 'yong inorder mo online?!" hindi makapaniwalang sabi ni Tanya na nasa gilid ko lang pala.
Mukhang kanina pa yata nakikinig ang babaeng 'to ah? Kung sabagay, si Tanya pa ba magpapahuli sa chismis?
"Oo, ganoon na nga, sana nga hindi totoo, kaso wala eh, totoo, sa kaniya ko talaga napadala," malungkot kong sabi. "Hindi naman niya malalaman na galing sa akin 'yon 'di ba?"
"Hindi naman, Kuya! Bakit naman niya malalaman 'yon? Tsaka puwede bang patingin ng inorder mo?" sagot ni Tanya.
Kinuha ko naman ang aking cellphone mula sa aking bulsa at ipinakita sa kaniya ang inorder kong pabango online.
"'Yan. Alam na rin ng Kuya ko ang nangyari kasi tinext ko siya kanina, tapos sabi niya ang tanga tanga ko naman daw at siya na lang daw ang bibili ng regalo para sa girlfriend niya."
Bigla namang napahalakhak si Troy dahilan upang bahagya ko siyang hampasin, bigla kasing napatingin sa amin ang mga customers na payapang umiinom ng kape.
"Ang ingay mo naman!" sita ko Troy.
"Sorry, Boss!" bulong niya at agad na napatakip sa kaniyang bibig.
Tapatingin naman ako kay Tanya na biglang hinablot ang aking cellphone upang mas tingnan ang binili ko. Pero ang pinagtataka ko lang ay kung bakit parang ang tindi niya kung makatingin sa cellphone ko.
"May problema ba, Tanya?" kunot noo kong tanong sa kaniya.
"Boss, buti na lang mali ang nailagay mong address, mali rin naman kasi ang na-order mo eh," wika ni Tanya habang tutok na tutok pa rin sa aking cellphone.
BINABASA MO ANG
The Fragrance of Love (Love Potion Series #2)
RomanceSome relationships end without a proper goodbye, and that's what happened between Daven and Ayana. Ayana Valdez is a florist who inherited her family's flower shop and a girl who's not been into romance ever since she broke up with her ex-boyfriend...