Chapter 3: Can't move on

21 3 0
                                    

Daven's POV

Pagod kong sinara ang pinto ng aking apartment nang makapasok ako sa loob.

Hanggang ngayon kasi ay iniisip ko pa rin 'yong napadala ko kay Ayana. Ayos lang talaga sana sa akin na naipadala 'yon sa kaniya kahit na nahihiya ako, kaso mas nahiya na tuloy ako ngayon dahil COD 'yong napadala ko!

"Buhay nga naman," pagod kong sabi at tinaggal ang aking salamin.

Mukhang kailangan ko na yata ng bagong salamin dahil parang mas lumalabo na ang aking mata, maling address ba naman ang nailagay ko.

Hayst! Pero kailangan ko nang mag move on sa bagay na 'yon! Ang dapat kong isipin ngayon ay kung papaano ko sosolusyunan 'yong COD order na 'yon. Sigurado talaga akong magagalit si Ayana, 900 ba naman ang halaga no'n.

"Hay! Bakit ba kasi nagkakaganito ang buhay ko ngayon?!" inis kong sabi at humiga sa aking kama.

Pinagmasdan ko ang madilim na kisame ng aking apartment.

Tinamad na akong buksan ang mga ilaw, tsaka sayang pa sa kuryente kung bubuksan ko 'yong mga ilaw 'di ba? Isa pa, mas gusto ko ngayon ang dilim, hindi ko nga lang alam kung bakit.

Napabuntong hininga naman ako at bumangon upang buksan ang lampshade na nasa bedside table ko. Kinuha ko rin ang envelope na binigay kanina sa akin ni Carrol at muling binasa ang mga nakasulat dito.

"Ito talaga ang sana all," natatawa ngunit mapait kong bulong sa aking sarili.

Ang sakit lang dahil hindi na maipaparamdam kay Ayana ang ganito. 'Yong tipong hindi na namin matutupad ang mga pinangarap naming dalawa.

"Pinangarap ko rin 'to para sa atin." At biglang nagbagsakan ang aking mga luha na tila ba kanina pa talaga nila gustong kumawala.

Ang sakit, sobra. Sa totoo lang tanggap ko naman na ayaw na sa akin ni Ayana kaya kami nagkahiwalay, tanggap ko ang galit niya sa akin noong nagkahiwalay kami dahil alam kong kasalanan ko rin naman at alam ko rin sa sarili ko na nasaktan ko siya ng sobra. Ang pinakamali ko lang talaga ay 'yong hindi ko siya hinabol noon para ipaliwanag ang sarili ko, at 'yong hinayaan ko na lang siya na masakan mag-isa.

I know that I don't deserve her anymore lalo na sa ginawa ko sa kaniya.

I gave her pain that she bare alone, but little did she know that it also pains me that she's hurting because of me.

"If only I could go back in time, I would fix everything between us, Ayana, but I know I can't. That's why I wish that the universe would grant us one more chance," I sobbed.

One thing that hurts me too was that Ayana and I ended without a proper goodbye.

Basta bigla na lang kaming natapos at tinalikuran niya na ako. Sa ganoong paraan kami natapos kaya siguro hanggang ngayon ay masakit pa rin talaga. In short, wala talaga kaming naging closure.

Marami sa mga kaibigan naming dalawa ang nagsasabi na mag move on na raw ako, kahit nga ang pamilya ko ay sinasabihan na rin akong mag move on pero hindi ko talaga kaya, ang sakit sakit pa rin kasi talaga.

Ang hindi rin maintindihan ng iba ay sobrang hirap mag move on sa sitwasyon ko.

Seven years. Seven years ang naging relasyon namin ni Ayana, at 'yong seven years na 'yon ay nasira dahil sa isang misunderstanding na hindi namin naayos. See? Sinong makaka move on agad kung ganyan ang nangyari?

I know that it's been five years ever since we broke up, pero wala eh, I still can't move on.

Hanggang ngayon kasi hinahanap hanap ko pa rin siya, hanggang ngayon siya pa rin talaga ang hinahanap ng puso't isip ko.

Sa totoo lang masaya na nga ako na makapiling siya kahit sa panaginip lang.

"Nasasaktan naman na ako ngayon, itodo na lang natin," sabi ko sa aking sarili at mapait na tumawa.

Tumayo ako at kinuha ang isang malaking box mula sa ilalim ng aking kama. Umupo ako sa sahig at binuksan ito. Nilabas ko na rin ang lahat ng laman ng box.

"Hilig ko talagang saktan ang sarili ko," sarcastic kong sabi sa aking sarili habang pinupunasan ang mga luhang walang humpay sa pagpatak.

Ang box na ito ay matagal ko nang itinatago sa ilalim ng aking kama at nilalabas ko ito sa tuwing nalulungkot ako at namimiss si Ayana.

Laman ng box na ito ang mga alaalang sa nakaraan na lamang matatagpuan.

"I wish to see you smile like this... Even just for one last time," I cried as I looked at Ayana's picture.

She was smiling here; She's so beautiful whenever she smile.

Ang sakit sakit kasi tuwing nakikita ko ang mga litrato niya na nakangiti siya lagi kong naaalala 'yong araw na nawala siya sa akin, 'yon 'yong araw na nawala ang ngiti niya, at 'yon din ang araw na nawala ang saya sa puso ko.

"Ang sakit mo talagang mahalin, Ayana," I said as I wiped my tears. "Pero kasalanan ko naman kung bakit ka nawala sa akin."

It was all my fault and I still blame myself for it.

I was too young back then, kaya siguro ang impulsive ng mga decisions na nagawa ko that time.

"Mali ko, alam ko, kaya sana mapatawad mo ako. Kahit mapatawad mo lang ako ayos na," I cried as I looked at her photo.

Alam kong impossible na ang magkabalikan kami, pero kahit man lang sana mapatawad niya ako ayos na, masaya na ako kapag pinatawad niya ako.

I still have this guilt in my heart, isa rin siguro ito sa dahilan kung bakit hindi pa rin ako makamove on.

Isa rin itong box na ito sa dahilan kung bakit nahihirapan akong mag move on. Akala ko kasi mas madadalian akong makapag move on kapag tinago ko ang mga alaala namin ni Ayana, kaso mali pala ako. Mas mahihirapan lang pala ako mag move on dahil nga nandito pa rin ang mga alaala namin.

Pero sa totoo lang, alam ko naman talaga sa sarili ko kung ano ba ang tunay na dahilan kung bakit hindi ako makapag move on.

"Hindi ko kayang mag move on," I whispered.

Hindi ko talaga kayang mag move on dahil ayaw ko pa at dahil hindi ko pa talaga kaya.

How can I move on when I am still damn in love with her?

=END OF CHAPTER 3=

The Fragrance of Love (Love Potion Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon