#HL24

268K 12.2K 8.7K
                                    


"VENGE, are you okay?"

Nakasimangot ang attorney sa harapan ko, ang mukha niya'y nakangudngod sa kanang palad. Mukha siyang nasasaktan at nahihirapan. "Venge?" ulit ko sabay hawak sa pawisan niyang ulo.

"My head fucking hurts." His answer was straight and short. "And I'm getting dizzy as fuck."

Ganito rin ang nangyari sa kaniya nang magpakilala ako. Siguro, hindi pa talaga ito ang tamang panahon para banggitin niya ang pangalan ko. I wonder why?

"Higa ka muna rito sa kama," nag-aalala kong suhestiyon sabay bangon mula sa pagkakahiga. "Lilipat na lang ako sa sofa."

Umiling siya habang nakahawak pa rin sa ulo. I can see him wincing in pain. "Huwag na. Ikaw na sa kama. Ako na sa sofa."

He's really still so stubborn! Siya na nga itong hindi maayos ang kundisyon, eh. "Nahihilo ka, Venge!" pagpilit ko. "Ako, nahimasmasan na—"

"Papayag lang ako sa kama kung makakatabi kita."

Napakunot tuloy ako ng noo bigla. Nahihirapan na nga, nagawa pang magbiro.

He narrowed his eyes at me and smirked suggestively—causing my heart to suddenly react.

But no matter how attractive the attorney may be, my heart is already taken. My heart has made its decision. I will care for both of them, I will protect them both. But when it comes to who I will love. . .

"Hindi ka naman papayag, 'di ba? Kaya ako na sa sofa," biglang singit ng boses ni Venge na nakatayo na mula sa sahig. "Huwag ka nang makulit diyan."

Hindi ko pa nabibigay ang sagot ko ay tumungo na siya papunta sa sofa. Bumalik na lang ako sa pagkakahiga at napatitig sa malawak na kisame.

When I closed my eyes, it caused my mind to concentrate on how exhausted my body is feeling.

Parts of it are still aching from my earlier rough love-making with the doctor. Kumikirot pa rin ang dibdib ko mula sa kaniyang pagsipsip at pagkagat. Ramdam ng mga pasa sa hita ko ang mahihigpit na pagpisil ng kaniyang magaspang na kamay.

"Doc, I hope you're doing okay. I hope you're not blaming yourself. . ." I whispered away my thoughts as I succumbed into a deep sleep.

A tear fell sideways from my closed eye as my voice faded out. "Please feel better soon. . . both of you."

***

I'VE LOST count as to how many times I woke up at different parts of this mysterious two-sided mansion.

As I lifted up my body and stretched out my arms, I was invited by the delicious smell of food being cooked in the kitchen.

Pagkarating doon ay naabutan kong nagluluto si Venge, may mahabang chopsticks na nakaipit sa kaniyang bibig habang binabayo ang kawali sa kaniyang kamay. Malakas ang apoy sa kalan ngunit parang sanay na siya rito, hindi man lang siya kumukurap.

He looked gorgeously sexy in his striped pajama pants and tight black shirt that hugged his muscles. Pinunasan ko ang laway na tumulo sa gilid ng bibig ko. Mula lang siguro 'to sa malalim na pagtulog ko.

"Morning, reporter. Breakfast will be ready in two minutes," he reported.

Umupo ako sa high chair sa may kitchen counter kung saan may nakahandang plato at kape. Lihim akong napangiti nang mapansin ko ang pagkakaiba nila ng doktor. Xalvien likes tea, Xalvenge likes coffee.

"Wow! Ano 'yan?" Napadilat ako nang ilagay ni Venge ang pulang noodles sa ibabaw ng scrambled egg, tapos gamit ang chopsticks mula sa kaniyang bibig ay tinakpan niyang muli ang noodles sa kabilang side ng itlog. First time ko lang makakita ng gano'n.

Hush LouderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon